Pero wag naman sana akong mabulag.

Inayos ko ang sarili ko simpleng puting polo shirt at khaki pants lang ang sinuot ko para mukha akong disente tignan.

Dala ang aking resume at bag ay agad akong lumabas sa aking kwarto.

“Ma, aalis na ako.”Paalam ko kay mama na nasa kusina at nag luluto.

“Kumain ka muna, may hotdog dyan sa hapag nakatakip. Tinakpan ko dahil baka langawin.”Sabi ni mama habang nag piprito.

Tumingin ako sa orasan at mag aalas otso na, siguro mamayang lunch nalang ako kakain or bibili nalang ako ng pagkain tsaka ko ito kakainin sa pila.

“Hindi na po ma, dun nalang po. Mauna na po ako.” Paalam ko kay mama.

“Oh siya sige mag inggat ka Cassidy, Huwag kang mag papagabi baka kung mapano ka.”Sabi ni Mama ng hindi ako nililingon.

“Opo Ma.”Sagot ko sakanya tsaka na umalis.

Kinakabahan akong sumalpak sa Suarez Building.

Hinarang pa ako ng guard kaya mas lalo akong kinabahan.

“Sir, may appointment po ba kayo? Pinag babawalan po kasing pumasok dito ang hindi emplyado, wala naman po kayong ID. Kaya ano po ang sadya nyo?” Polite na pakikiusap sakin ng Guard.

Ngumiti ako sakanya at tsaka pinakita ang hawak kong resume.

“Nakita ko po kasi na hiring kayo ng secretary, mag babakasakali lang po baka matanggap at palarin.” Nakangiting sabi ko sakanya, bawal simulan ang umaga na bad vibes dahil naniniwala ako na buong araw na dab vibes kapag nasimulan ito lalo na sa umaga.

“Ganun ho ba Sir, tuloy po kayo. Nasaa 9th floor po yung mga nag aapply din bilang secretary.”Nakangiting tugon ng guardia.

At dahil chismoso ako ay tinanong ko na rin kung bakit hiring sila.

“Nabuntis po kasi yung Secretaria ni Mr. Suarez at sinasabing kay Sir daw yung dinadala nyang bata pero sabi naman po ni Sir di po sakanya yun at walang nangyari sakanila nung dati niyang secretaria. Alam mo ba Sir reyna reynahan yun dito lalo na kapag wala si Mr. Suarez kala nya siguro asawa sya ni Mr.Suarez. Mauna na kayo Sir baka maunahan pa kayo ng iba, Good luck po.” Sabi nya at tsaka tinapik ako sa balikat.

Nagpaalam ako sakanya at tsaka nagmamadaling pumunta sa sinasabi nyang floor which is ang 9th floor.

Habang sakay ng elevator papuntang 9th floor ay hindi ko mapigilang hindi mag isip dahil baka may nakuha na silang secretary.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa 9th floor na ako.

Huminga ako ng malalim bago lumabas.“Kaya mo 'to Cassidy, Matatanggap ka dito sa trabahong ito at boom.” pag papalakas ko sa loob ko.

Dumagdag ang kaba ko lalo na ng makita ang pila ng mga babae na halos lumuwa na ang mga dibdib at halos sumisilip na ang kanilang mga singit sa iiksi ng damit.

Diyos ko, nag makaubusan na ba ng tela?

Pumila ako sa pinaka dulo tsaka kinalabit ang nasa unahan ko.

“Miss, excuse me pwede mag tanong?”Sabi ko sabay lunok.

Halos lumuwa ang mata ko ng humarap ito saakin.

P utangi nang dyoga yan Cocogallon.

“Ano yun, pogi?”Maarteng tugon nito kunyaring may accent pa ang kanyang tagalog.

“Gawa ba yan?”Tanong ko sabay turo sa diyoga nya.

Agad naman itong tumango, wow ang honest ah.

“Gusto mo hawakan?”Tanong nya sakin at sabay humagikhik at kinakagay ang daliri.

Kala nya ata nakaka attract yung ginawa nya.

“No thanks, dito ba yung pila ng mga nag a apply?”Tanong ko sakanya at tumango naman ito at nakasimangot na tumalikod sakin.

Attitude.

Hindi ko na ito muling kinausap, mabilis lang ang usad ng pila dahil kapag may papasok ay lalabas kaagad at pare pareho lang ang nakikita kong ginagawa nila ano pa nga ba kundi ang umiyak.

Sa sobrang bilis ng pila ako na agad ang susunod. Nasa loob na si dyoga girl at kinakabahan ako dahil medyo tumagal ng kaunti.

“Cas, hinga ng malalim kapag di ka natanggap edi mag macho dancer ka nalang sa Bar.”Sabi ko sa sarili ko agad naman akong umiling iling.

“Next.”Sigaw ng isang babae na kinalakas ng kabog ng puso ko. Lumabas na ang babae na nasa loob at kagaya ng kanina ay umiiyak din ito

“Ito na yun Cas wag mo ng palampasin ang pag kakataon.”Mahinang bulong ko sa sarili ko tsaka pumasok sa loob.

May dalawang lalaki sa loob at dalawang babae yung isang babae nakatayo malapit sa pinto at yung tatlo naman nakaupo at nakaharap sa kani kanilang laptop.

Pinaupo ako nung babaeng nakatayo malapit sa pinto.

“Name?”Tanong nung babaeng nakaupo habang ang tingin ay nasa laptop pa rin.

“Cassidy Acker Romualdez.”Nakangiting sabi ko at pinatong ko sa lamesa nila ang resume na dala ko.

Kinuha naman yun ng isang lalaki na nasa gitna. Pansin ko sa mga tao na ito ay malungkot ang mga pinagdaan ng mga ito sa buhay dahil walang mga emosyon ang mga ito. Parang mga patay ang mag i interview sakin e.

“Gay or Straight?”Tanong nung may hawak ng resume ko, napakunot naman ako dapat pabang itanong yun.

“Straight pa sa ruler, Sir.”Nakangiting sagot ko para hindi mag mukhang awkward at para di mabawasan ang astig ko.

“You're hired.”

© msmncd

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling Series 3:Pull Me Closer Where stories live. Discover now