CHAPTER 1

46 1 0
                                    

Chapter 1

“Bakla ka! Bakla! Hindi mo na binigyan ng kahihiyan ang pamilya natin ha! Nakuha mo pang mag make up at mag damit ng ganyan!”Galit na sigaw ni Papa habang hila hila si kuya Aaron papuntang sala.

“Sinasabi ko sayo Aaron hubarin mo yan! Hindi ka bakla!”Namumula na ang mukha nito sa galit habang nag sasalita.

“Dito ako masaya pa, kaya hindi ko po ito huhubarin.” Nanginginig pa ang boses habang ni Kuya habang nagsasalita.

Sa murang edad ay naiintindihan ko na ang pinag aawayan nila, isang beses ay nakita ko si kuya na sinusuot ang mga damit ni mama. Nag promise kami sa isa't isa na hindi ko ipag saaabi ang nakita ko at mananatili lamang yun sa aming dalawa dahil kapag nalaman ni Papa yun ay sinabi nya na baka palayasin sya nito. Sa kadahilanang ayaw ko mawala ang kuya ko sa tabi ko ay tumupad ako sa pangako hanggang sa dumating ang araw na ito.

“Ako talaga ginagalit mo Aaron, huwag mong antayin na ako ang mahubad niyan sayo.”Galit na galit pa rin na sigaw ni Papa akma pang lalapit ito kay kuya pero bigla itong huminto

“Ito po ang totoong ako sana matanggap nyo ako!” Umiiyak na sabi ni kuya habang yakap ang sarili kasama ang gown na kanyang suot.

Punyeta ka talagang bata ka, sumama sama ka lang diyan sa alice na yan ay naging ganyan ka na! Sinasabi kong layuan mo yang babaeng yan dahil anak yan ng mamamatay tao e! Tignan mo ang ginawa sayo ginawa kang makasalanan kagaya ng pamilya nya!” Galit na sigaw ni papa kay kuya aaron sabay hinila ang wig nitong suot at tinapon sa sahig at inapak apakan.

W-walang kasalanan si alice dito Papa, hindi pa dumadating si alice ganto na ako Pa, h-hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang ako, ayoko nang magtago sa dilim P-papa. Gusto kong makita at makilala ako ng mga tao bilang yung totoong ako Pa, gusto ko nag mahal ng malaya.”Nanginginig ang boses ni kuya habang yakap parin ang kanyang sarili

“Mag mahal? Wala kang alam sa pag mamahal aaron! Kung talagang mahal mo kami ay mag papaka lalaki ka at susunod ka sa amin!!”

“Gusto kong mahalin at kilalanin nyo ako bilang Veronica pa, ayoko na kay Aaron! hindi na ako si Aaron. Si Veronica ako, Veronica!! Hindi Aaron!”Sigaw ni kuya at tinakpan ang kanyang tenga at nag lumpasay sa sahig nang makakuha ito ng lakas ay agad itong tumayo at tumakbo papalayo saamin.

Tinatamad akong bumangon sa kama pero anong magagawa ko e kailangan kong bumangon ngayon at mag hanap nang trabaho temporary lang naman dahil inaantay ko pa ang visa ko.

Baka may isang buwan pa yun bago dumating kung mamalasin ay baka higit pa.

“Lord required ba talagang maging tamad sa lahat ng bagay?”Buntong hiningang tanong ko kay lord.

Bumangon ako sa kama at tsaka dumiretso sa salamin, hindi ko alam pero gustong gusto kong tinitignan ang sarili ko sa salamin. Siguro dahil ito sa malabo kong mata feeling ko kasi kapag medyo nag kaedad na ako ay mabubulag ako kaya gusto ko bago ako mawalan ng paningin ay makikita ko lagi ang gwapo kong mukha para di ko makalimutan. Poging pogi sa sarili yarn?

Falling Series 3:Pull Me Closer Место, где живут истории. Откройте их для себя