Chapter 1 ♡ FIRST DAY

66 1 0
                                        

It all started with a memo..

Sa isang memo..nabago buhay ko..

Nagsimula lahat ng paghihirap..

Pero kasabay noon ang saya..

Kasabay din noon nakilala ko ang lalakeng magpapatibok ng puso ko.

Ng hindi inaasahan.

It ALL started with a MEMO.

Chapter 1

Isang umaga ng puno ng pag-asa.
Masaya akong bumaba para kumain at makapag handa sa unang araw ng iskwela. Masaya ako dahil natanggap ako at makakapasok sa isang magandang paaralan matagal ko na din tong pangarap eh.

Bumaba ako nag mano kay inay at itay at bumati sa aking kapatid na si ate Yna.

"Oh Cristine, galingan mo ah! Makikinig lagi sa teacher tapos magaral mabuti ah?" Sabi sakin ng aking napaka-gandang ate Yna.

"Opo ate yna, kelan po ba ako hindi nag aral ng mabuti? Eh top 1 honor student ata tong si cristine!" Sabay kindat ko sakanya. Haha.

Kumain na ako at nag karoon ng konting usapan kaming pamilya.

Bukod kay ate Yna may kuya din akong nakakatanda sakin si kuya Juris. Kaso wala siya dito naka bukod siya ng bahay kasi gusto daw niya maranasan ang maging independent.
Close kami ni kuya juris, kaya nga namimiss ko na yon eh.

"Oh cristy, anak mag iingat ka dun ah..pag may nangaway sayo sabihan mo agad kami ah..."

"Ma, malaki na po ako kaya pag may nang-away sakin makakatikim sila ng ultimate cristy suntok and sabunot no hahahaha."

Sabay nuon ay nag tawanan kaming lahat. Pagkatapos ay nag ayos na ako naligo at naghanda ng mga gamit.

Diary check!
Notebooks check!
Cellphone check!
Books and..pencil case check!
Bag check!
Okay na..pagkatapos ay umalis na ako papunta ng school ang Kyler University.

>Kyler University.

Masaya akong pumasok ng gate at nag goodmorning kay manong guard. Mabait naman ang mga staff dito isa na din yun sa nagustuhan ko kaya ako pumasok dito..at kaya gustong gusto ko ang school na to..tapos ang ganda pa ng uniform nila. Cream tapos may necktie na color black.

Anlaki talaga ng kyler university. Haaayy san kaya dito ang room namin?

"Kuya, kuya..san po dito ang room ni Ms. Fernando?"

Tinanong ko yung janitor baka sakaling alam.

"Ahhh ija duon oh diresto ka lang tapos kita mo yun kakaliwa ka dun tapos kanan tapos diretso may makikita kang room duon nakalagay ms fernado."

"Ahh salamat po kuya."

Okay sabi ni kuya diretso tapos kaliwa tapos kanan tapos-

"Ayy, sorry sorry hindi ko sinasadya.."

"Miss okay ka lang? Dapat kasi tinitingnan mo dinadaanan mo.. Yan tuloy san ka ba pupunta ha?"

Tapos tumingin ako sakanya..

Grabe..ang gwapong nilalang..
I'm speechless.. O_______O

"A-ahhh.. S-sa.. Klase ni ms fernando.."
Mahina kong sagot kasi nahihiya ako sakanya..nauutal pa nga eh nahihiya lalo ako! Omy help help omy cristy help.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It All Started With A MemoWhere stories live. Discover now