"Thank you, but I'm feeling better now."


Napatango-tango naman sila. "That's good to hear."


"Oh, right. Good timing, Nesrin! We're talking about marriage. Ikakasal na si Faye ngayong paparating na tagsibol. And she badly needs counseling."


Napatingin naman ako kay Faye. Sinamaan niya ng tingin si Felicity pero wala rin siyang nagawa nang tawanan lang siya nito.


Ibinuklat niya ang kanyang pamaypay bago niya ako tinapunan ng tingin. "Well, you see..."


"I'm getting married, but I have trouble when it comes to charming my soon to be husband. I'm just wondering if you have some any tips?"


My cheeks blushed. And I quickly covered it behind a puzzled expression. "W-why me?"


Nang maalala ko muli ito, I look over to the other side. A flush of red crept up my face. Ayokong makita nila na namumula ang pisngi ko. Nakakahiya!


"You're the most knowledgeable among us. May experience ka na—" natigilan naman si Felicity at gulat na tumingin sa akin.


"Don't tell me..." she paused. "Nothing happened between you two?"


Natigilan ako at napatingin sa kanya. She narrowed her eyes and examined me. Tila nag-iba ang approach niya. At saka ko lang naintindihan ito.


"That's a private matter. I cannot reveal that to a stranger."


Nabigla naman siya sa pag-iiba ng tono ng pananalita ko. Kahit ang iba ay natigilan.


"Oh..." naiilang siyang tumawa. "Right. I shouldn't have asked that."


Lumipas pa ang ilang minuto ay naging okay naman ang lahat at bumalik na ulit to sa dati. Naging matiwasay ang kuwentuhan namin dito. Hanggang sa mabasag na naman ito.


"By the way, muntik ko nang makalimutan. May nakalap akong impormasyon." Wala sa hulog na sambit ni Felicity.


"I discovered something interesting about you, Nesrin..." she added kaya natigilan ako.


Nag-angat ako ng tingin at kaagad na kumabog ang aking dibdib nang makita kong nakangisi siya. It was as if she was telling me she already knew my secret. Kaagad naman akong namutla.


"Someone told me that you came from the mud," nakuha naman niya ang atensyon ng iba. Kahit ang ibang nakarinig ay natigilan at naenganyo sila. "Something dirty, unpleasant, and disgusting."


I looked at her with a horrified expression.


"Something like the red-light district."


The color drained out of my face. Lahat ng mga mata ay nasa akin. Nanginginig na ang kamay ko sa ilalim. Parang may bumara sa aking lalamunan, hindi ako makapagsalita. Nakatingin pa sa akin ang master ng manor, isang maling salita ko lang ay tapos na ako.


Hinawakan ni Felicity ang kamay ko. "Is it true? Hindi iyon totoo di ba? They're just mistaken."


Tumingin ako kay Pietro upang humingi ng tulong ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. Dahil sa ginawa niya ay may napagtanto ako. Nakakatawa mang isipin pero alam ko na kung sino ang dahilan ng lahat ng ito.


Under the Red-Light DistrictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon