di siya tumitigil. ni di niya man lang nga ako tinignan nung sinabi niya yun. kaya naman na pagisipan ko na unahan siya at harangan ng daan.

huminto siya sa akin. nakatingin lang ang mga mata namin, tsaka ko naman sinabi na

"hi Sab, i'm Kiefer" nginitian ko siya agad.

"hi.. anong oras na ba?" WOW ANG EFFORT KO. di bale. tinignan ko relo ko

"9:15 palang. ano oras next period mo? kain tayo? o gusto mo mamaya nalang?" buti nalang may naisip akong paraan. nginitian ko siya ulit

"ha? bakit naman?" parang patay na bumangon pa ulit mag salita to si Sab ah.

"eh kasi kanina natamaan kita ng bola, dapat kay Von ko ipinasa kaso nga lang sinalo ng ulo mo. Muntik ka na sana matumba pero tumakbo ako at sinagip ka. pwede na ba maging superhero? tas tumawa lang ako.

nag bublush si Sab oh.

out of the blue sabi niya sakin "pwede mag tanong? pano ako nakapunta ng clinic?"

sinagot ko siya agad

"binuhat kita"

namumula ang mukha niya.

di siya nag salita

"sige na Sab, para makabawi naman ako sayo" ngitian ko nanaman siya

"oh sige, pero pwede mag lunch nalang? hinahabol ko kasi last period ko. lunch naman kasi kaagad tas wala na akong class after"

sobrang saya ko at umoo siya, agad ko sina bi na "tamang tama! wala rin ako class and pratice after!" wala, tuwang tuwa lang talaga ako

"oh sige, kita nalang tayo sa carpark. bye" umalis siya agad.

sa sobrang saya ko, sinundan ko siya. pero this time, di siya lumingon, dami pa naman kasing students na pupunta sa next class nila. tas pumasok siya sa class niya. hmmm dito lang naman pala classroom niya. sige aantayin nalang kita, Sab.

nag ring na ang bell wala pa rin si Sab. tumayo ako at pumunta sa classroom siya. Nakasandal ako sa pintoan at tinitignan ko lang siya habang inaayos niya ang mga gamit niya. tas may binulong ata kaibigan niya sakanya at napatingin siya sakin.

agad ko siya pinuntahan sa desk niya tapos kinuha ko ang bag niya at agad naman ako lumabas habang daladala ang mga ito.

Habang mag lalakad ako, hinabol niya ako, tapos sumigaw siya at sabi niya

"hoy bata! Ang bag ko!"

Natawa lang talaga ako. Ang ganda niya kasi.

"hoy bata? Haha Mas matangkad kaya ako sayo" tas namumula siya ulit. Kinikilig ba siya? Tumawa nalang ako

Nung nakarating kami sa kotse ko, pinagbukas ko siya ng pinto, agad naman siyang pumasok tapos i closed the door. Binulong ko agad sa sarili ko na "sana ito na"

Sa likod ako dumaan para hindi niya makita kung ano ko ka saya na pumayag siyang lumabas sa akin. I let it out bago akong pumasok sa kotse

Saka ko naman sinabi sakanya na

"sorry nga pala kanina ha, kung alam ko lang na ganito ka ganda ang matatamaan ko, edi sana ako nalang ang tinamaan. Nahulog kasi ako sayo"

Wala na, Kinilig na siya.

Pumasok sa ulo ko agad na kung siya narin man talaga ang mamahalin ko, sana.. Ay, hindi pala sana. Ipaglalaban ko talaga siya, hindi ko siyang iiwan. Magpapakatotoo na ako.

Sana nga lang hindi sirain ng tadhana ang kung ano man talaga ang mangyari sa amin.

End of Kiefer's P.O.V

Taking RisksWhere stories live. Discover now