TOD

283 24 25
                                    

Can you play truth or dare with someone from your past?

Created: Feb 1, 2022
Start: Feb 2, 2022
End/Published: Feb 5, 2022

Genre: Romance-Drama
Language: TAGLISH

"Hello!! Anybody? Tulungan niyo kami!!" sigaw ko at patuloy kong kinakalampag ang pintuan ng elevator para humingi ng tulong.

"Inuubos mo lang ang energy mo sa ginagawa mo dyan. Wag kang mag-alala. Help is on the way, Relax ka lang kasi." sabi ng kasama ko.

Dahil sa sinabi niya, napatingin ako agad sa gawi niya. Mas lalo pa akong nainis dahil chill na chill lang siya at nakasandal lang ang likod niya sa isang corner ng elevator na tila wala lang sa kaniya na stuck kami dito.

"Papaano ako magre relax aber, may pupuntahan pa akong importanteng meeting. Hanep din naman kasi sa timing eh." inis na sabi ko at padabog bumalik sa pwesto ko kanina. Tinangal ko muna ang heels ko dahil kanina pa nananakit ang mga paa ko at dahan-dahan umupo sa sahig ng elevator habang nag-aantay sa sasagip sa amin.

"Wag mo isisi ang timing, nagkataon lang na nangyari ito. Sa lahat ng pagkakataon hindi natin hawak ang lahat ng mangyayari sa paligid natin." pangaral niya sa sakin.

Napabuntong-hininga ako dahil sa sinasabi niya. Ramdam ko na salita niya na parang may pinanghuhugutan siya. Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagsimula na ako mailang sa presensya niya.

Sino pa ba ang maiilang kung ang kasama mo ay walang iba kundi ang ex mo. Oo, Ex ko ang kasama ko ngayon at naka-stuck kami dito sa elevator. Hanep din talaga ang tadhana. Of all the places, dito pa talaga kami sa elevator nagkita muli. Bumisita lang naman ako kaibigan ko na nandito nakatira sa condo. Paalis na ako nun dahil dumaan lang ako sa kaniya at may pupuntahan pa akong meeting ng isa sa kliyente ko. Pagkapasok ko nun sa elevator. Dalawa lang kaming tao nun. Hindi ko siya nakilala agad nun. Maya-maya lang biglang huminto ang elevator at namatay ang ilaw. Sa pagkakataon na iyun, nakaramdam ako ng takot at kaba dahil takot talaga ako sa dilim. Nagsimula na ako umiyak at sumigaw. Takot ako sa dilim simula nung bata pa ako. Agad niya ako dinaluhan at pinapakalma niya ako. Habang ginagawa niya iyun tila parang pamilyar sa akin ang paraan ng pagpapakalma at haplos niya sakin. Haplos na puno ng pagmamahal at alaga. Ang haplos na iyun, ay nagpabalik ng mga alaala ng isang tao na ganon ang paraan ng paghaplos sakin. Nasagot ang aking mga tanong sa isip ko nung binuksan niya ang torch light sa cellphone niya. Sa pagkakataon na iyun, parehas kami natigilan at mapatulala nun dahil sa gulat dahil sa mahabang panahon, nagkita muli kami.

Nagpasalamat ako sa kaniya para sa pagpapakalma niya sakin kanina. Tumango naman siya bilang pagresponde sa pagsasalamat ko at hindi na umimik pa.

Nakakabingi ang katahimikan na naig sa amin dalawa. Ang naririnig ko lamang ay ang amin paghinga at lakas ng tibok ng aming puso. Tila na nangguila sa isa't isa sa sobrang lakas ng tibok.

"So, Kamusta ka na? You look good" ako na ang unang bumasag ng katahimikan. Maloloka ako sa sobrang katahimikan.

"I'm good. Busy life. Maraming projects." sabi niya. "Ikaw, How are you? You look great too."

"Thank you for the compliment. I'm doing great. Busy lang din sa work. Tambak mga papales pero keri naman." sabi ko sa kaniya.

"I can see that. I am happy that you passed the board exam and finally you can protect innocent people in the court, just like you have dreamed. Remember that, Atty.?" He said that with a sincere look in his eyes while staring at me.

I bitterly smiled "Oh yes, I remembered. Same to you, you'll able to reached your dreamed to become an actor. Just like you have dreamed working around in the spotlight." I said it too with a sincere look in his eyes.

Truth or DareWhere stories live. Discover now