Ngumuso ako. "Ano'ng sabi sa inyo? Parurusahan ka ba? I guess not. Kabisado ko ang buong handbook. Perhaps-"

Naputol ang litanya ko nang hawakan niya ako sa braso at hinila palayo roon. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa ang kamay niya sa braso ko ay bumaba sa aking siko. Tumigil kami sa gilid ng isang poste ng building bago niya ako hinarap.

He held both my arms and checked them. "You were hurt earlier. Saan ang masakit pa?"

Marahan kong inalis ang hawak niya sa akin at umiling. "Wala na. Ayos na 'ko. Ikaw? Ano'ng pinag-usapan niya sa loob?"

Naninimbang ang mga mata niyang tumuon sa akin. "Are you sure?" Bumaba ang kamay niya sa kanang palapulsuhan ko bago iyon hinaplos nang marahan gamit ang hinlalaki. "Does it still hurt?"

Umiling ulit ako. "Ral, ayos lang ako. Totoo. Ikaw ang tinatanong ko. Kailan mo ba ako sasagutin?"

His lips pursed and he retrieved his hands from me. Humakbang siya palayo sa akin. Napatingin ako sa paligid namin. Wala masyadong estudyante ang nakakalat dito ngayon.

"Walang parusa. Kinausap lang. Go back to the main building, Asia, and I'll go back to our lab. Pareho tayong may klase kaya hindi kita maihahatid."

He looked away from me which made my brows entwined. Lumapit ako sa kaniya para sana tingnan ang kamay niyang napinsala pero agad siyang lumayo ulit at lumalim ang kunot sa noo.

"Don't... go near me," aniya na para bang nahihirapan ding sabihin bago napapikit nang mariin. "Pumasok ka na sa klase mo, Asia."

"What?" natatawa kong tanong at lumapit ulit pero umatras na naman siya.

"I said don't come near me! I'm filthy and smell like grease!"

I gawked at him with amusement. "Ngayon ka pa talaga nahiya, kahit ilang beses na kitang nakitang marumi at amoy grasa? Lalo na kanina?"

Pilit niyang iniiwas ang tingin sa akin at ang mga tainga ay parang sasabog na sa pagkapula. Lumapit pa ako sa kaniya lalo, mas mabilis para hindi siya makawala bago ko inilusot ang dalawang braso ko sa pagitan ng kaniyang tagiliran at braso.

"Aspasia..." he softly called my name and his hand nestled on my shoulder. "Marurumihan ang damit mo at mangangamoy ka rin..."

I looked up at him. Kahit talagang amoy grasa at kanal siya, wala akong pakialam.

"Saan ka ba galing kanina?"

Nakayuko siya nang bahagya sa akin. "Inayos namin ang nagbarang pipelines sa grease interceptor mula sa cafeteria at doon sa building ng CTHM."

I chuckled. Kaya naman pala. Pero ba't kasi siya ang gumagawa no'n? Nagpatulong sa kaniya o kanila? O nag-volunteer?

He sighed. "Asia, pumasok ka na sa klase mo..."

Kumalas na ako sa kaniya pero nanatili akong nakatingala. "About earlier... Gusto ko lang sanang malaman kung ano'ng sinabi mo kay Ate Izzy noong..."

"Don't worry about it. I didn't say anything," agap niya.

"She didn't probe further?"

"Napagtaasan ko ng boses kanina si Ate kaya... hindi niya na ako kinausap. I already apologized to her though." His eyes softened. "I'm sorry, too. It was my fault for letting my phone unattended. Don't worry, I wouldn't tell her about Luvia without your permission."

Kinagat ko ang ilalim na labi. Something tugged at my heart. We both know the reason why we couldn't tell his parents about Luvia. Sa mahigit dalawang taon, bukod pa sa pagbubuntis ko, matagumpay naming hindi naipaalam sa pamilya niya ang tungkol doon.

Save to Heart (Student Series #2)Where stories live. Discover now