And it confirmed my guess when my eyes flickered down to the floor where a piece of t bolt fell and rolled.

"Hindi ginagamit ang martilyo sa ulo pero baka masubukan ko sa 'yo kung hindi mo bibitawan 'yang hawak mo." Puno ng pagbabanta ang nagsalita sa kalmadong boses. "Alisin mo ang hawak sa kaniya, Cañete."

My eyes widened upon realizing who the speaker was. Bago ko pa nakita nang tuluyan si Raghnall, naitulak na ako ni Cañete kaya nabitiwan niya na rin ako. Buong puwersa yata ang ginamit niya roon kaya naman tumilapon ako sa sahig. Naunang nag-landing ang pang-upo ko at naitukod ko naman ang siko kaya halos mapasigaw ako sa sakit.

"What are you gonna do now, Asturias?" Cañete's taunting voice snapped my eyes open.

Hindi ko na mainda nang tuluyan ang sakit sa balakang at siko nang matanaw kong binitiwan ni Raghnall ang dala niya sa magkabilang kamay. Pilit kong inahon ang sarili nang mabilis na kinain ng hakbang ni Raghnall ang pagitan nilang dalawa ni Cañete bago bumulusok ang kamao niya sa mukha ng huli.

"Raghnall! Oh my God!"

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nakaupo sa loob ng Office of the Prefects of Discipline katabi si Raghnall. Sa harap namin ay si Cañete na dumudugo na ang gilid ng nagkulay ube nang bibig pero nakangisi pa rin. Ngising tagumpay.

"Mrs. Dela Vega, maaari po bang kaming dalawa na lang ni Cañete ang maiwan dito at hayaan na lang si Asia na umalis? May klase pa po siyang kailangang pasukan," magalang na pakiusap ni Raghnall.

"Kung may klase ka pa pala, Miss Zafe, ano ang ginagawa mo sa building ng engineering department?" istriktang tanong ng Prefect.

"I... Gusto ko lang po sanang makausap si Raghnall. Hindi ko naman po sinasadya na... magsimula ng gulo," pahina nang pahina kong sagot dahil sa hiya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Raghnall nang gumapang iyon sa palapulsuhan ko. Malambot ang kamay niya noon pero simula nang nagkolehiyo, nagsimula nang gumaspang iyon. Isa sa mga patunay na masyado na siyang nagbabanat ng buto.

"Para kausapin o para maglandi?"

Tumigil sa paghaplos sa palapulsuhan ko si Raghnall at nag-angat ng matalim na tingin sa kaharap.

"Cañete, watch your words," saway ng Prefect bago ibinalik ang tingin sa akin. "Miss Zafe, umalis ka na rito at bumalik na sa klase mo. Ako na ang kakausap sa dalawang ito."

I looked at Raghnall and his jaw was slightly moving. He tipped his head up a tad without looking at me, signaling me to follow the prefect's order.

Tahimik akong lumabas ng opisina. I know that he can manage himself but I was still worried since this was the first time he's called for violence against a fellow student. I still have time before my next class but...

Natigil ako sa paglakad patungo sa main building. I made a u-turn from where I was standing and began marching back to where I left Raghnall with some asshole.

Bahala na kung ma-late sa klase. Gusto kong malaman kung ano'ng mangyayari kay Raghnall na sana ay wala naman. Hindi naman ako babagsak kung late akong papasok sa isang klase.

I waited in the corridor near the office until the door opened and Cañete was the first one to stepped out. Sa kabilang direksyon siya agad nagtungo nang walang lingon pabalik. Naglakad ako palapit sa opisina at hinintay na lumabas si Raghnall. Nang bumukas ulit ang pinto at iniluwa ang hinihintay ko, natigilan siya nang nakita ako.

The fold on his forehead surfaced as he closed the door behind him silently.

"What are you still doing here? May klase ka pa, Asia," sita niya sa mahinang boses.

Save to Heart (Student Series #2)Where stories live. Discover now