Tumigil ako sa tapat ng pinto kung saan sa itaas nito ay ang room number na naka-indicate sa schedule. Sumilip ako sa bintana at agad bumungad ang maingay, marumi, magulo, at puno ng mga gamit pang-mekaniko na kinakalikot ng ilang estudyante na naroon. Ang iba ay naka-maroon nilang polo shirt habang ang iba ay naka-puting polo.

"Excuse me."

Napatalon ako nang may humawak sa balikat ko. I promptly turned around only to see a male student wearing the same maroon polo shirt with his surname and initials underneath our school's logo embroidered on his breast part. He was taller than me and his thick brows were tied into a knot.

"Hi! Uh, I just wanna ask if you belong to this class?" I jerked my thumb behind me. "Hinahanap ko kasi si Raghnall. Maybe you know him? Wala kasi siya sa loob." I smiled shyly.

Lalong lumalim ang gitla sa pagitan ng kaniyang kilay. "Yes, I know him. Who are you and why are you looking for him?"

Pinigilan kong ngumuso nang bumaba ang tingin niya sa suot kong ID lace. Much to my astonishment, he even held my ID card and lifted it up to scan it.

"Zafe, Aspasia Estiana from BS Entreprenuership," basa niya sa ID ko. "First year naman ngayon."

Umimpis ang labi ko nang mapuna ang disgusto sa kaniyang tono nang binanggit ang huling sinabi. Hinawakan ko ang dulo ng ID ko at inagaw iyon mula sa kaniya. Umangat ang isang sulok ng labi niya at nagtaas ng kilay sa akin.

"Bakit mo hinahanap si Asturias?"

"To talk?" I retorted. "Nevermind. Hihintayin ko na lang siya rito."

"He's not here. Nandoon sa nililigawan." His tone was derisive.

"Nililigawan?" I smirked. "Are you trying to mess with me?"

Lalong lumawak ang ngisi sa labi niya. "Not really. Just stating some facts." Kinain ng hakbang niya ang distansya naming dalawa at yumuko sa akin. "Take my advice before you leave: stop chasing a man. Read books and study hard, kiddo."

I raised my two fingers and pressed their tip against the middle of his clavicle before pushing it harshly.

"Unsolicited advice not taken." I grinned in a mocking way. "Just so you know: I don't chase men; men chase me. Anyway, kung ako ay kailangan magbasa at mag-aral nang mabuti, mukhang kailangan mo namang bumalik sa highschool. Kulang ka kasi sa personal development."

He probably could not swallow my satire remark that he had to pull the trigger and shoot me back.

"Says the girl who had sex at the age of seventeen and even got pregnant, eh?"

Without thinking and blinking, my hand flew to his face in an attempt to slap him but his hand was faster enough to catch my wrist. Maybe I still should be thankful that my hand didn't land on his dirty face. Baka kung hindi ako marumihan, mapapunta naman ako sa OPD.

The satisfaction in his eyes and smirk that he was able to drive me up the wall was very visible. Nagkiskisan ang mga ngipin ko habang mariin siyang tinitingnan pabalik.

This jerk! Gusto ko lang namang puntahan at makausap si Raghnall pero bakit pang-iinsulto naman ang nakuha ko rito? And he knew me all along!

"Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka namin, Miss Zafe," nanunuyang sambit niya.

Tumingin ako sa paligid at namataan ang ilang mga estudyante na nakatingin sa direksyon namin. Sa tingin nila ay para bang sanay na silang may nakikitang ganitong pangyayari. I tried to redeem my hand from his grip but he tightened his hand around my wrist and twisted it a bit.

I winced and couldn't help but yelp. Ginamit ko na ang isang kamay para hawakan ang braso niya at hilahin paalis sa pagkakakapit sa kamay ko. Subalit pareho kaming natigilan nang umabante ang ulo niya na para bang may tumama roon mula sa likod.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon