Nagsalubong ang kilay ko sa inasal niya. "Sa tingin mo ganiyan dapat ang attitude ng isang secretary? Hoy! You should be approachable. Napakamaldita mo! And may I remind you that I am his wife. Isang sumbong ko lang sa kaniya, mawawalan ka ng trabaho and I'm sure you don't want that to happen."

She laughed sarcastically. "And you think I'll believe that you're married to him? If you're married, then where is your wedding ring?" she looked at my hands. "None, right? Even Sir Cairus doesn't have a wedding ring. Hindi ako tanga."

Natikom ko ang bibig ko. Nag-iisip ako ng pambawi. Sabi ko nga hindi siya tanga. Nawawalan na ako ng pasensya sa kausap kaya umupo na lang ako sa sofa nang padabog saka sinandal ang likod doon. Nakatingin pa rin siya sa akin hanggang ngayon.

"Ano pang tinatanga-tanga mo riyan? Kunin mo na 'yong kukunin mo. Baka naghihintay na siya sa 'yo," inis kong sabi.

"Yes, he is," she answered.

Hindi na ako nagsalita pa at inirapan na lang siya. Pangiti-ngiti siya habang pumapasok sa office ni Cai. Nakakairita talaga, sarap sabunutan ng buhok niya sa ilong.

Nang lumabas siya ulit ay may pang-asar pa ring ngiti sa labi niya. Hindi 'yon nawala hanggang sa tuluyan siyang makaalis sa harap ko.

Kurimaw!

Napatingin ako sa mga dala kong pagkain. Sayang naman kung hindi ito makakain lalo na't matagal pa raw ang meeting niya. Bumuntonghininga na lang ako saka ininom ang drinks.

Nagugutom na rin ako pero gusto ko siyang makasabay. Dapat kasi ay hininto muna nila ang meeting nila para makapag-lunch kaso baka masyado iyong importante kaya hindi nila matigil.

Napapikit na lang ako, ayaw ko nang mag-isip. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaupo roon habang nakapikit nang marinig ko na naman ang tunog ng takong. Si Lheen ito panigurado at huminto rin ang lakad na 'yon sa gilid ko.

"Kanina pa ba siya riyan?" Dinig kong tanong ni Cai.

"I don't know, sir. Wala pa siya riyan kanina noong bumalik ako rito para kuhanin 'yong flashdrive."

Nagmulat ako ng mata. "Sinungaling." Umayos ako ng upo. "Kanina mo pa alam na nandito ako, kung ano-ano pa ngang sinabi mo."

Cai looked at her seriously. "Is that true?"

Namutla ang mukha niya, hindi siya nakasagot at napayuko na lang.

Buti nga!

"Pagsabihan mo nga 'yang secretary mo, Cai!" inis kong sabi saka tumayo. "She's not nice talking to."

"You are, too," he said and smirked. He then glanced at Lheen again. "You can have your lunch. I'll just call you when I need you."

Tatawagan lang kapag kailangan.

Walang sali-salita siyang umalis sa harapan namin. Tumingin ulit sa akin si Cai saka nagtaas ng kilay.

"What brings you here again?" he asked.

"I bought you lunch," I answered. "I cooked breakfast for you but Jai said you already left for work."

"I left early, you're probably sleeping that time," he uttered. "You know how to cook?"

I smiled shyly. "No... I mean, not yet. I'm willing to learn for you though."

"Never do something for me, do it for you." He smiled a litte. "It's good to know you want to learn."

"Yeah, pero sa ngayon, galing sa fast food muna ang dala ko," sabi ko. "I came from work. I didn't have time to cook. Is it okay?"

He stared at the food and glanced back at me. "Nice try." He held my waist. "Let's go inside and eat that. I'm starving. I'm not saying no to food."

I smiled because of what he said. At least my effort didn't go to waste because I thought he doesn't eat foods like this.

Well, kapag talaga gutom, hindi na makakaarte pa sa pagkain. Kung bakit ba naman kasi inabot ng ala una y media ang meeting nila.

Pumasok kami sa office. Nilapag ko ang pagkain sa maliit na table sa harap ng sofa niya. Umupo na ako habang siya naman ay naghubad muna ng coat saka 'yon sinabit sa swivel chair niya. Long sleeved na kulay white na lang ang natira sa kaniya ngayon na may gray necktie.

Umupo siya sa single couch at hindi sa tabi ko. Napairap na lang ako habang siya naman ay walang pakialam. Kinuha niya ang pagkain sa supot at nagsimulang kainin 'yon. Napansin niya yatang hindi pa ako kumakain kaya tumingin siya sa akin.

"What?" he asked. "Let's eat."

"Makita lang kitang kumakain, mabubusog na rin ako," biro ko.

"Is that how you court? Then you should stop," he said. "You're just putting yourself into shame."

"Sige, I'll stop. Basta ba ikaw na ang manliligaw sa akin."

"Nalipasan ka na ba ng gutom?" tanong niya. "Palala ka na nang palala."

Natawa na lang ako at kinuha na rin ang isa pang pagkain. Ang drinks ay wala ng lasa dahil natunaw na ang yelo. Mabuti na lang may water dispenser dito sa loob ng office niya kaya may panulak kami.

Sana pwede ring softdrinks ilagay ro'n tapos hot iinumin ko.

Wala nang nagsalita sa amin at tahimik na lang na tinapos ang pagkain. Hindi na kasi ako makadaldal dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Hindi ko nga alam kung paano ko natiis 'yon para lang hintayin siya.

All the stupid things we can do for love.

"Are you going back to your work?" he asked.

"Yes, they need me."

He smirked. "And I need you, too."

"Of course, I'll choose them over you. If you'll ask me, love or career? I'll answer career wholeheartedly. Bakit kita pipiliin kung hindi mo naman ako pinipili?"

"How are you so sure that I'll not choose you?" he sat properly. "Did you ask me?"

"I don't need to ask."

"You'll not get the answer if you won't ask."

"Ayoko sa magulong sagot kapag tinatanong ko. Ayaw kong ma-confuse."

Ngumiti siya sa akin saka mabagal na tumango. "Gusto mong ihatid kita sa trabaho mo?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Wala ka na bang gagawin dito?"

Umiling siya.

"Dala ko kotse mo," sabi ko.

"I can ask someone to drive that to our house," he said and stood up. "Let's go before I change my mind."

I immediately grabbed my bag and followed him. "Are you sure you're dropping me off my work?"

Lumingon siya sa akin. "Ayaw mo ba?"

"I didn't say that I don't want to. I'm asking just to make sure."

He smiled and walked faster. Nagmadali tuloy akong sundan siya, naka-heels pa naman ako. Ang hirap sumabay sa kaniya.

Lheen saw us and she couldn't help but to stare.

Nang makababa kami ay nagtitinginan sa amin ang mga empleyado, ang iba ay bumabati sa kaniya na sinusuklian niya naman ng tango. Hindi maaalis ang pang-uusisa sa kanilang mga tingin, marahil ay nagtataka.

Binigay niya ang susi ng kotse niya na gamit ko sa isang bodyguard, iyon siguro ang mag-uuwi. I don't know what came into his mind that he offered me this yet I'm thankful.

He looked at me when he noticed that I didn't put my seatbelt on. "Your seatbelt. Don't expect that I'll do it for you just like on the telenovelas you're watching."

I pouted. "I'm just testing if you'll do it. Damot!" kinabit ko ang seatbelt saka niya pa lang pinaandar ang kotse.

"Cute," he commented.

"Ano kamo?"

He chuckled. "Cute," he repeated.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon