"Hi. Nice meeting you both."

"Doon ang kama mo sa dulo. We save the best spot for you! Ani Aya at mabilis aki hinila sa kamang nasa dulo.

"Weh? Sinungaling." Bigla nalang may pumasok na short-haired girl sa kwarto namin. Akala ko new room mate namin pero imposible kasi tatlo lang naman ang kama sa kwarto. "Ang sabihin mo takot ka lang matulog sa may bintana."

"Q naman! Di ah!" Giit ni Aya pero sabay sabay lang sila natawa. "Bakit ka ba nandito?"

"Wala lang. Sabi nila nandito na raw ang transferee kaya sinigurado ko lang na safe siya."

"S-Safe saan?" Si Aya.

"Sayo!" Sabay na nagtawanan si Q at Angel. Natawa na rin ako. "Oh siya mauna na ako may meeting pa kami! Late na ako. Byiee!" Paalam ni Q.

"That is Q. Kapit bahay natin. Taga room 205." Aniya habang inalalayan akong maglipat ng gamit ko sa pwesto ko.

May kalakihan ang kwarto namin. Parang two bedroom space ang laki. Magakakaiba rin ang mga closet namin pero iisa lang ang banyo. May mini kitchen rin. Ang katabi ng bintana kung nasaan banda ang kama ko ay ang pinto papunta sa balcony.

Maraming itinuro sakin sila Aya at Angel. Gaya nalang sa curfew tuwing alas-nuebe ng gabi. Bawal ang pag-iingay sa hallway ng dorm. Kailangan ay lagi mong dala ang dorm pass mo. Itinuro nila sa'kin mula sa kailangan gawin at hindi pwede pero ang sabi nila masyado raw maraming rules kaya marahan lang nila sa aking ituturo para hindi naman raw ako ma-overwhelm. Tama naman sila. Sumasakit na rin ulo ko sa dami ng rules.

Nalaman ko rin na pareho pala kaming mga juniors. "Yung mga estudyanteng may room number na nagsisimula sa "1" ay mga freshmen, "3" naman ang sa mga sa seniors at "2 ang sa ating mga juniors." Paliwanag ni Aya. Maliban doon ay nalaman ko rin na may Middle school at elementary rin pala sa Polaris. Yun pala yung dalawa pang building na nakita ko kanina.

"Teka, w-wala pa ba tayong pasok?" Inosenteng tanong ko.

"Bukas pa." Ani Aya.

"Bukas? Eh bakit naka-uniporme na yung iba?"

"Ahh. Ngayon kasi ang picture taking for class ID for this school year. Makukuha mo rin agad ang class ID mo. Pero para sa mga transferree na tulad mo na wala pang uniform ay hindi ko lang sure kung kailan ka makakakuha ng ID. Wag kang mag-alala malamang ay tuturuan ka rin ng buddy mo."

Naikwento rin nila sa akin na may buddy system sa school kung saan ang bawat estudyante ay ipapares sa isa pang estudyante.

Lumipas ang ilang minuto ay napagpasyahan nila Aya at Angel na umidlip. Ako naman ay patuloy na nag-aayos ng mga gamit.

Ala sais na nang magising sila at kahit ako ay nakaidlip na rin. Niyaya nila ako sa cafeteria ng dorm para maghapunan.

Pagkarating ng cafeteria ay napakahaba na ng pila. Pero talagang namangha ako sa laki ng cafeteria. Tas may iba't ibang cuisine pa ang nakahain. May mga local and western foods.

Nauna sa pila si Aya at Angel at nauna rin silang naglagay ng mga pagkain sa tray nila. Isina-swipe lang nila ang dorm pass nila.

Nang ako na ang naglalagay ng pagkain ay biglang inabot sakin ni Aya ang isang dorm pass niya. "Gamitin mo muna 'to. Panigurado wala ka pang dorm pass."

"N-Naku okay lang. Magbabayad nalang ako ng cash." Sabi ko at natawa lang siya.

"They don't accept cash here. Don't worry. Nadabihan ako ni Ms. Baker na makigamit ka muna ng dorm pass sa amin."

Nagkikwentuhan lang kami habang kumakain. Panay ang kwento ni Aya at si Angel naman ay halos hindi makasingit dahil sa tuloy-tuloy na pagsasalita ni Aya.

Ang sabi nila ay tanging high school at middle school department lang ang nasa dormitory. Ang mga elementary students ay walang dorm at talagang uwian sa mga bahay nila.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa kwarto namin. Nagpalit ako ng pantulog at nagsipilyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si Aya na nagpupukpok ng aircon namin.

"Na naman?" Tanong ni Angel.

"Ano pa ba? Napakaluma na yata ng aircon natin. Ewan ko ba. Nireport ko naman na 'to sa office. Pero wala pang pumupunta para ayusin 'to." Paliwanag ni Aya. Nakikinig lang ako sa kanila.

"Ireport mo kaya ulit?"

"Hmm susubukan ko." Ani Aya saka napalingon sa gawi ko."Oh Rocky, tapos ka na pala. Maganda sigurong matulog tayo nang maaaga ngauon dahil first day of school bukas!"

"Sige. Good night Aya, good night Angel."

"Good night Rocky!" Si Aya.

"Good night." si Angel.

Pinilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog. Namamahay pa siguro ang diwa ko. Napagpasyahan ko nalang lumabas sa may balcony.

Sariwa ang hangin at talaga namang napatahimik marahil na rin gawa ng curfew kaya wala nang tao sa labas. Naka-off na rin ang mga ilaw.

Ilang saglit pa ay may narinig akong isang pagbagsak. Agad kong iginala ang paningin ko at nakita ang isang anino na korteng tao. At dahil madilim nga ay hindi ko naman makita nang maayos ang mukha nito.

Pero nagulat nalang ako ng biglang may ilaw ng flashlight na diretsong tinapat sa mukha ko.

"H-Hoy! Sino ka?!" Naisigaw ko. Pero bigla nalang ito tumakbo.

Magnanakaw ba 'yun?

Nang dahil sa takot ay agad rin akong pumasok sa kwarto at pinilit kong matulog.

The Disguise Of A WallflowerWhere stories live. Discover now