Simula

11 0 0
                                        

Type.

Type.

Type.

Napatingin ako sa kabuuan ng profile page ko sa Facebook.

Napatingin ako sa kabuuan ng profile page ko sa Facebook

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-
Brian Felix

-bio-
padayon, future lawyer

Followed by 246 people

Lives in Manila

Studying at De La Salle University Manila

-

Mayroon pala akong followers, ang dami kong nalokong mga bobo. Hindi ba talaga halata na peke 'yong profile picture ko? Nakaw lang sa Pinterest 'yan eh.

Napatigil ako nang mapansin ko ang nakasulat sa bio. Kung nakapagtapos lang ako.

Oo, nakakapanghinayang pero alam kong mas kailangan ni Princess na mag-aral.

Saka hindi matutustusan nila mama ang pag-aaral ko kaya't sinabi nilang huminto na lang ako.

Pinatay ko muna ang data ng phone ko, at ipinadulas ito papunta sa aking bulsa. Titipirin ko 'yong load ko, baka kasi gamitin ng kapatid ko.

"Santi, anak!"

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang boses ni mama.

Dali-dali akong tumayo at tumungo sa pinto. Sinalubong ako ni mamapangit gamit ang nakakunot niyang noo, habang hawak-hawak ang isang plastic bag. Siguro 'di na naman siya pinautang?

"Bakit po kayo nakasimangot? Anong nangyari sa 'yo, ma?" tanong ko sa kanya.

"Tang ina talaga ni Marites, sabing wala pa akong pera!" Kahit na 'di niya ako sinagot at dumiretso lang siya sa loob, mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit gano'n ang suot-suot niyang mukha.

Sinisingil na siguro sa utang niyang naghahalagang sampung libo. Saan ba naman kasi kami kukuha no'n?

Nakarinig ako ng yabag ng paa papalapit kay mama. Sa tunog pa lang ng paa, kilala ko na kung sino 'yon.

"Oh, Rosanda nand'yan ka na pala?" sabi ni papa kay mama.

Ngayon ko lang ata siya nakitang nandito sa bahay? Kadalasa'y palagi siyang wala eh.

Nasanay ako na umuuwi na lang siya nang gabi.

"Magluto ka na, ang tagal mo gutom na gutom na kami," dagdag pa ni papapangit. Pangit na nga, palamunin pa dana.

Cannot Be ReachedWhere stories live. Discover now