Prologue

0 0 0
                                    

"Ehhmm...ahhh", stretch ko sa magkabilang balikat ko na nangangalay.

"Sa wakas! Na fix ko rin yung pisteng bug sa code"

"Teka anong oras na nga pala", inabot ko yung cellphone ko at tinignan ko ang oras.

"4:33 AM, huh. Limang oras ko rin pala yon inayos yon?"

Agad kong ni saved ang file at ni send na ito sa client ko abroad. Ilang years narin akong freelancer na full stack web developer, kahit nahihirapan na akong kumukuha ng mga clients dahil narin sa dumadami na yung mga pumapasok sa freelancing at sa mga willing mag charge ng sobrang baba para lang makakuha ng cliente. Ang magagawa ko nalang is mag up skill, babaan din yung charge ko or mag apply nalang ako sa mga companies, may 3 years narin naman ako na experience sa freelancing kaya baka matanggap ako kahit junior web dev lang.

Sinandal ko sa upuan ang likod ko at inunat yung boong katawan ko.

Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng maiinon, medyo umiikot na yung paningin ko dahil narin siguro sa puyat at pagod. Ilang araw narin kasi akong walang pahinga sa trabaho laluna na mahigpit yung cliente ko ngayon.

Pagkatapos ko uminom ay bumalik ako sa kwarto at tinignan kung ni-approve na ng client yung code.

Habang binabasa ko yung message ng client ay medyo umiikot na ang paningin ko at dumodoble na ang mga letra sa screen ng monitor ko.

"Mukang approved narin pala", pagkatapos ko basahin ay ni close ko na yung tab at naisipan ko na i-check yung email ko at tignan kung may email na yung company na inaplayan ko pero ay hindi ko na talaga kaya ang antok kaya naisipan ko na mas mabuti na matulog na.

"Siguro mas mabuting um-", bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay dumilim at nawalan na ako ng malay.

Eins | The Genius KingOnde histórias criam vida. Descubra agora