Chapter 5

2 2 0
                                    

Chapter 5

Gela Emmae POV


As usual nandito ako sa library para bumasa ng mga Wattpad books. Yeah, may mga Wattpad books din dito sa university kasi nagrequest kami nina Alleym, Rejan at Sany na magpalagay, para hindi lang puro educational books ang nandito sa library. Nang matapos akong magbasa ay isinauli ko na ang mga books sa librarian at nagpasalamat.

"OMG!" mabuti nalang at hindi ako gaanong nakasigaw. Nagulat kasi ako ng bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Nate.

"Bakit ka ba naman nanggugulat Nate." saway ko. He is Seph Nate Anderson, my suitor. Nililigawan niya ako for almost 2 months and sa 2 months na iyon? I learned to love him also. Kasi hindi siya mahirap mahalin he's very kind, handsome and a gentleman also.

"I'm so sorry Em." pagso-sorry niya. Kinuha niya ang bag ko, nakagawian na niya kasi iyan na sa tuwing makikita niya na may dala ako ay aakuin niya at siya ang magdadala.

"It's just fine Nate. Pero sana next time h'wag ng maulit okay?" nakangiting sabi ko.

"Yeah, noted." nakangiti rin niyang sabi.

"May practice kayo ngayon?" tanong niya.  "Yes, kayo?" tumango siya.

"Yes, but dito muna ako I want to spend more time with you, Em." kapag mga ganitong scene na, na magpapakilig na siya sa 'kin ay parati nalang namumula ang magkabilang pisnge ko. Kinikilig ako ngayon.

"Galingan mo ha?" sabi ko. "Oo naman para sa 'yo."

"May surprise ako sa 'yo pero kailangan na mananalo kayo so that I'll surprise you after the game." nakangiti at excited na sabi ko.

"That's exciting, well, yeah mas ipapanalo pa talaga namin dahil sa sinabi mo Em." excited niyang saad. Umupo muna kami sa may bench dito. Walang sabi-sabing isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Are you tired?"

"Yeah but now hindi na dahil nandito ka na, na puwede kong masasandalan everytime I'm tired." nakapikit at nakangiting sabi ko.

"You should take a rest for now dahil may practice ka pa." pag-aalala niya sa 'kin. Mas lalo akong napangiti ng dahil sa sinabi niya. He really care for me.

Nakaidlip pala ako for about 20 minutes.

"Hala I'm sorry Nate nangangalay ka na siguro. Pasensya na talaga." paghihingi ko ng pasensya sa kaniya. "Bakit  hindi mo ako ginising?" tanong ko habang nag-aayos ng buhok at  nagpagpag ng damit na medyo nagusot.

"It's okay Em. Okay lang talaga lalong-lalo na kapag ang nakasandal naman sa 'kin ay ang babaeng mahal ko." seryoso niyang sabi. Napangiti naman ako.

H'wag kang mag-aalala Nate sasagutin din kita.

"Sorry to interrupt but bro, tara na magpapractice na tayo." pagyaya ni Kendrex kay Nate.

Lumingon si Nate sa 'kin. "Sorry Em, kailangan ko ng pumunta. Okay ka lang ba rito? Or ihahatid na kita sa field?"

Mabilis akong umiling-iling. "No, you can go na. Kaya ko namang mag-isa papuntang field I'm not a kid anymore Nate." natatawa kong sabi.

"Masiyado mo namang bini-baby si Gela, Bro." natatawa ring sabi ni Kendrex.

"Okay, haha. Alis na kami, Em?" tumango ako. Umalis na sila at iniwan akong inaalala kung paano kami nagkakakilala.

It was Kendrex and Alleym's Birthday that night. Ako lang mag-isa sa table dahil si Alleym busy sa pagwe-welcome ng mga bisita. Si Sany, Vinn at Ashan naman ay kasama ang mga jowa nila at hindi ko sila makita ngayon. While Pressel and Rejan ay hindi ko alam kung nasaan sila ngayon or kung nandito na ba sila.

Kaya tumayo ako at hinanap sila. Mga ilang minuto or isang oras nasiguro ang nakalipas ay hindi ko pa rin sila nahahanap kahit sila Sany. Ang daming tao siyempre kasi mayaman at madaming kakilala. Even my Mom and Dad will attend here pero hindi ko pa alam kung nandito na sila. Nauna kasi ako rito para sana mag-enjoy ang boring kasi sa bahay namin.

Napalingon-lingon pa rin ako pero wala talaga sila. Marami na rin akong mga kaklase at mga kakilala sa 'kin na nakausap. Hanggang bumalik nalang ako sa kung saan ako nakaupo kanina.

"Kanina pa kita nakikitang palingon-lingon, may hinahanap ka? Maybe I can help you?" tanong ng isang lalaking— Oh! Wow ang guwapo niya.

"Yeah, the 7Q." matipid pero nakangiting sagot ko.

"Can I sit here?" paghihingi niya ng permiso. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Puwede ka namang umupo kahit saan mo pa gusto dahil hindi ito sa 'kin. Kaya okay lang." saad ko.

Napatawa siya. "Baka kasi hindi ka komportable na makasama ako." umupo na siya. Sa totoo lang ayos lang sa 'kin o komportable lang sa 'kin at isang nakakagulat na pangyayari kasi parang hindi ako mapakali kapag may tumititig o tumatabi sa 'kin na mga lalaki hindi ako sanay. Kung may tatabi o tititig sa 'kin na mga lalaki ay ako nalang ang iiwas o lalayo. Hindi ko alam kung may social anxiety ba ako sa mga lalaki noong nagpacheck-up naman ako wala raw sabi ng doctor. Pero still hindi pa rin ako komportable sa mga lalaki.

Kaya napangiti ako ng marealize na hindi ako natatablan ng social anxiety ko kapag itong lalaki na 'to ang katabi ko. Parang gusto ko nalang na tumabi sakaniya parati. Oy ano ba Gela, bago mo palang iyan nakilala kaya magdahan-dahan ka hindi mo pa siya lubusang kilala.

May dumaang waiter sa table namin kaya kumuha kaming dalawa ng drinks siya ay beer ang kinuha pero ako ay pineapple juice lang.

"Cheers?"

"Cheers,"


Hanggang sa napahaba ang usapan namin at nagkakilanlan at hanggang ngayon na nililigawan niya ako.

•~~~••~~~•

Naglalakad ako ngayon papunta sana sa cafeteria pero nakita ko si Pressel na kausap si Arc ang crush niya. Alam na alam ko na pinipigilan lang ni Pressel ang umiyak sa harapan ng crush niya kahit— nasasaktan na siya. Hay, kawawa naman 'tong si Pressel.


"Final mo na ba 'yan? Hindi— Ay!" hinatak ko siya papalayo sa Arc na 'yon bakit ba kasi hindi niya nagustuhan si Press eh ideal girl kaya itong si Pressel. Isa si Pressel sa mga pinapangarap ng mga lalaki rito sa university na maging girlfriend nila. Lumingon siya sa 'kin kaya nginitian ko siya ng mapait.



The 7QTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon