Chapter 1

4 5 0
                                    

Unedited.








"My name is Armeliza Khrysstell Kaye Andrade,12 years old,I live in sitio Cambat-an barangay Sta. Cruz municipality of San Francisco island of Camutes in the city of Cebu!"pakilala ko sa aking sarili.




Nagpalakpakan naman ang mga magiging kaklase ko this year,
bakas sa hitsura nila ang pagkamangha.Siguro ay ngayon pa sila nakarinig ng nagpapakilala na in complete details.



I am now in my seventh grade.Walang high school sa sitio namin kaya naman no choice ako kundi dito sa Campillo High mag-aral kahit sobrang layo.Actually,may paaralan namang pang-high school na malapit lang sa sitio namin kaya lang ay masyadong sosyalin ang mama ko at sa private school ako pinag-high school.




"Thank you Ms. Andrade,you may now go back to your seat"ani ng class adviser namin,halata sa mukha nito ang tuwa at pagkamangha sa mataas na confidence ko.






Aaminin ko na masyadong mataas ang confidence ko dahil ganun ako pinalaki ni mama,at dahil sa sobrang taas ng confidence ko ay wala akong friends,reason nila ay nagmumukha daw akong mayabang at hambog.Grabe naman sila maka-hambog sakin,ano ako,si Maxpein?Wish ko lang 'no.Pero hindi pa naman huli ang lahat,I still have lots of years to make friends before I graduated high school.Pero kung hindi pa rin ako magkaroon ng kaibigan,edi deadma.Maghahanap nalang ako ng kai-bigan,joke!Study first muna ano ba!




Nang makaupo sa upuan ko ay tumayo na ang susunod na magpapakilala.Una akong nagpakilala,ang inuna kasi ay ang sa likod sa right side at sakto namang sa hulihang bahagi ako umupo sa may right side dahil katapat ng bintana.Since elementary kasi ay lagi akong nasa unahan nakaupo kaya ngayong high school na ako ay t-in-ry kong sa likod naman at malapit sa bintana para fresh air.Kahit naman kasi private school ang CH ay hindi di-aircon ang mga classrooms,'di ko nga alam ba't naging private school to e parang parehas lang naman sa public school.Baka dahil dito may school bus----ay oo nga pala,hindi ko alam kung school bus pa ba ang tawag sa school service kasi dyepney naman so baka school dyepney.May dalawang school dyepney ang school at since malayo nga ang bahay namin sa school ay sumasakay ako sa school dyepney araw-araw,sabi ko nga kay mama gigising nalang ako ng maaga at maglalakad papuntang school dahil masyadong mahal ang buwanang bayad sa school dyepney,biruin mo six hundred ten ang bayad kada buwan?Kaso hindi pumayag si mama kasi nga masyado siyang sosyalin e ang maliit lang naman naming sari-sari store ang pangkabuhayan namin tapos kabilaan pa ang mga sari-sari store sa sitio namin kaya mahina ang bentahan minsan.Buti nalang valedictorian ako pagka-graduate ng elementary kaya free ang school uniform at p.e uniform ko,kalahati lang din ng tuition fee ang babayaran ko pati na sa quarterly exam na bayaran.





"Hi,my name is Shylle Lorraine Arias,13 years old,and I live in Macapatag Northern Poblacion.Nice meeting you all"pakilala nito.She's beautiful,she seems friendly and obviously shy,her voice is soft and low that I almost didn't hear her.





Pumalakpak ako at ang iba,
mostly sa pumalakpak ay mga
boys samantalang ang mga
girls ay mukhang napilitan lang.Napalinga-linga ako at tingin ko talaga may mali dahil halos lahat ng girls ay masama ang tingin kay Shylle.I shrugged that thought off and smiled at Shylle when she sit back in her seat just beside me.





Kanina ko pa siya napansin hindi dahil katabi ko siya kundi dahil sobrang nagagandahan ako sa kaniya, siya ang una kong napansin pagkapasok ko dito.I want to be friends with her and talk to her but she looks like a scared cat everytime I look at her,kaya umuurong ang dila ko.Baka kasi biglang umiyak 'to,'di pa naman ako marunong mag-comfort ng tao.





Surprisingly,she smiled back.'Yong ekspresyon niya ay parang nahihiya pero at least hindi na siya mukhang takot.





The introducing went on and on but my focus was on Shylle,we were talking something about our selves.





Chasing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon