Chapter 1

2 0 0
                                    

"Cliff, pakikuha yung suitcase d'on sa van." utos ni Howard sa kaibigan niyang si Clifford habang inaayos ang mga dala nilang gamit sa rest house ng kaibigan nilang si Leanne.

Pumunta na si Clifford sa lugar Kung saan nila ipinarada ang van. Habang sila Clint, Celest, Matthew, at Leanne ay naiwan sa bahay Para ayusin ang kanilang mga gamit.

"Nasa'n na si Cliff?" tanong ni Howard sa mga kaibigan na nakita niyang nakaupo sa sofa sa sala. Dahil mag sa-sampung minuto na nang utusan nito si Clifford na kuhain ang suitcase sa sasakyan.

Nang wala sa kanilang sumagot ay pumunta siya sa garahe upang hanapin si Clifford. Ngunit hindi niya ito nakita kaya't bumalik siya sa loob ng bahay upang ibalita ito sa kanyang mga kasama.

"Wala siya sa garahe." aniya

"Are you sure?" tanong ni Leanne na umiinom ng mango shake.

"Baka nag yo-yosi siya sa labas." ani Celest, kasintahan si Clifford.

"How about this, Hanapin nalang natin siya. Celest and Leanne, doon kayo sa labas. Matthew hanapin mo siya dito sa baba. Kami naman ni Howard hahanapin namin siya sa taas." suhesiyon ni Clinton.

Sumang-ayon ang lahat sa suhesiyon ni Clinton at nagsimula nang maghiwalay ang mga mag kaibigan upang hanapin si Clifford.

"Cliff!" sigaw ni Celest at Leanne sa pag-asang maririnig ito ni Clifford.

Samantalang tahimik naman na naghahanap ang dalawa nilang kaibigan na sila Howard at Clinton.

Tapos na libutin ni Matthew ang buong baba ng bahay ngunit hindi niya pa rin nahanap si Clifford. Pumunta siyang garahe para I-double check kung wala nga ba doon si Clifford. Paalis na siya sa garahe dahil hindi rin niya nakita doon si Clifford Nang may makita siyang papel na nakadikit sa likod ng van na may sulat na "Still looking? I'll give you a clue. How did you get inside this house? ".

"Ano na naman 'tong pakulo mo Cliff?" tanong ni Matthew. "Bahala Kang magtago, hindi ko trip makipag laro ngayon." Sabi ni Matthew bago umalis sa garahe at pumuntang kusina para kumain.

"Finished?" tanong ni Clinton Kay Howard nang makita niyang pababa na rin ito.

"Oo. Kaunti lang naman 'yong kwarto dito na lilibutin." sagot ni Howard sa kaibigan bago sila bumaba.

Kagaya ni Matthew ay dumiretso rin sila sa kusina upang makakain na nang hapunan.

"Nahanap na ba si Cliff, Matt?" tanong ni Howard sa kumakain na si Matthew.

Umiling ito sa kaibigan. "Basahin mo 'to." bigay ni Matthew sa papel na kanyang nakita niya sa garahe.

Kinuha ni Howard ang papel na nasa kamay ni Matthew at saka ito binasa. Ngunit hindi pa niya ito nababasa nang marinig niya ang gulat at takot na tanong ni Clinton.

"Ba-Bakit ka may dugo?" takot na tanong ni Clinton nang makita nito si Celest na may dugo ang damit at mga kamay papasok sa kusina.

"Si Cliff..." naiiyak na sabi ni Celest. "Nakita namin siya sa gate." Hindi na napigilan ni Celest at tuluyan na siyang humagulgol sa harap ng kanyang mga kaibigan. Bago sinabi ang mga salitang kahit kailan ay hindi nila inaasahang maririnig. "Inside the suitcase. He's dead. Wala na si Clifford."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lie, Play, And LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon