Para-paraan din, eh.

Sa itsura ni Adam, hindi naman halatang plinano niya iyon. Mas litaw na gusto talaga niya na ganoon ang mangyari. Sino ba naman si Kelly para tanggihan ang kanyang nobyo. Minsan lang naman, eh. Kaya wala rin siyang nagawa. Ibinalik na lang nila ang isang bike, para isa na lang ang gamitin nilang dalawa.

"Tara na..." Aya ni Kelly. Nakaupo na siya sa likod at pinili niyang kumapit na lang sa gilid ng kanyang inuupuan.

"Seriously, baby?" Mapait ang pagbigkas noon ni Adam. Nagpapatay malisya naman na dumungaw si Kelly sa nobyo. Hindi na naman mawari kung ano ang problema nito. "Bakit?" Inosente niyang tanong.

"You should be hugging me." Hindi iyon isang suhestyon. Sa tono ng boses ni Adam, iyon talaga ang gusto niyang mangyari. Kaya ba isang bike na lang ang gusto niyang gamitin nila?

Gustong matawa ni Kelly sa mukha ngayon ng kanyang nobyo. Hindi na naman kasi maipinta ang mukha nito. Pero kahit ganoon, litaw pa rin ang kagwapuhan niyang taglay. "Oo na..." Natatawa na tugon ni Kelly.

"Pinaglalaruan mo ako..." Nakangusong sambit ni Adam. Umiling iling naman si Kelly, hindi kailanman siya sang-ayon sa ganoong ideya.

"Of course not!" Mabilis pa sa alas kwatro na apila ni Kelly.

"I know, baby..." Parang bata na sabi ni Adam. May multong ngiti sa kanyang labi. "Sinusubukan lang kita."

"Whatever!" Irap ni Kelly.

"Mataray 'yan?"

Napanguso na lang si Kelly. Hindi naman close si Adam at Alex pero parang nahawaan pa rin ni Alex si Adam. "I'll stop na..." Pagsuko agad ni Adam. "Okay, let's go! Hug me tight, baby... I can't stand seeing you fall... if it's not with me."

Pabiro naman na pinalo ni Kelly ang tiyan ni Adam. "Banat ka pa riyan! Tara na..."

Narinig pa niya ang halakhak ni Adam, bago niya sinimulan na ipadyak ang pedal ng bisikleta. Tulad ng gustong mangyari ni Adam, nakayakap lang si Kelly ng mahigpit. Para bang takot nang mahulog, dahil literal na masakit iyon. Hindi naman kasi malambot ang kanyang babagsakan, kung hindi semento. Hindi pa pino, bako-bako pa!

ILANG minuto rin bago nila narating na dalawa ang dagat, bumaba na si Kelly nang medyo malapit na sila. Buhangin na kasi, at alam niyang mahihirapan nang magpadyak si Adam kung nakasakay pa siya.

"Doon tayo..." Masayang turo ni Kelly sa hindi kalayuan. May bangka kasi doon, iyon ang lagi niyang palatandaan sa pwesto nila kapag napapadpad sila dito ng kanyang magulang.

Tinulungan niya si Adam na bitbitin ang mga hinanda niya na pagkain. Nang makalapit silang dalawa sa may bangka, tsaka naman nila inayos na inilapag ang isang sapin. Para magsilbing paglalagyan ng kanilang mga dala.

"Coffee, gusto mo?" Alok agad ni Kelly sa nobyo, pagkaupo pa lang nila. Hindi pa sumisikat ang araw, sakto lang ang kanilang dating.

"Yes, please."

Mabilis naman na pinagtimplahan ni Kelly ang nobyo ng kape, gumawa na rin siya ng sa kanya.

"Kumusta ang lasa?" Nag-aalangan na tanong ni Kelly. Wala kasi siyang alam kung ano ang mas gusto ni Adam, kung matamis ba or medyo mapait.

Nanatili ang tingin niya kay Adam, habang tahimik iyon na humihigop ng kape. "Thank you, baby." Hindi inaasahan iyon ni Kelly, pero mas hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Adam. "The taste is good." Halos magtaasan ang kanyang balahibo dahil binulong iyon ni Adam sa mismong tainga niya.

Natatawa na umiwas si Kelly. Aminado siyang medyo nailang siya sa parte na iyon. "M-Mabuti at nagustuhan mo..."

"You stuttered baby..." Nakangising puna ni Adam.

Napairap na lang siya sa nobyo. Inumpisahan na naman siya, eh. "Tigilan mo ako!" Banta ni Kelly, pero parang iba ang dating sa kanyang nobyo. Dahil imbes na matakot, mas natuwa pa sa naging reaksyon niya.

"What, baby?" Umakto pa si Adam na parang hindi iyon narinig.

"Adam ha!" Sita ni Kelly. Inabala na lang niya ang sarili sa paghahanda ng pagkain nila. "I-try mo na lang 'to!"

Hindi man lang nakaapila si Adam, agad kasi na isinubo sa kanya ni Kelly ang kutsara na naglalaman ng fried rice at hiniwa niyang tuyo.

"Masarap, 'di ba?" Sarkastiko na tanong ni Kelly. Nagpipigil ng tawa, dahil nakasimangot na ngayon ang kanyang nobyo. At walang nagawa kung hindi nguyain ang sinubo niya.

Tumango lang si Adam sa kanya. Mukha mali yata ang kanyang ginawa. "Sorry," Nakayukong aniya.

Humigop muna ng kape si Adam, bago muling binalingan ang nobya. Maingat niyang inangat ang baba nito. "Why are you saying sorry, hmm?"

"K-Kasi hindi mo nagustuhan?"

"Nagustuhan ko, syempre... You're the one who cooked it."

"I mean, 'yong ginawa ko..."

"Don't mind me, baby. I'm fine." Pagpapagaan ni Adam sa loob ni Kelly. Mabilis lang kasing maapektuhan si Kelly, iyon ang isa sa ugali na natuklasan niya simula nang makilala nito ang nobya.

"Let's take a picture, baby, the sun is about to get up..."

Napalingon naman si Kelly at totoo nga ang sinabi ng kanyang nobyo. Yumakap ito sa nobyo, na mukhang ikinatigil naman ni Adam. Pero ipinagsawalang-bahala lang din naman niya iyon, at ngumiti na lang.

"Smile, baby..."

Mas ikinagulat iyon ni Adam, napaawang pa ang bibig niyang tumingin kay Kelly. Hindi pa rin makapaniwala sa kanyang narinig.

"Y-You called me, b-baby..." Mahina niyang sambit.

Kumunot naman ang noo ni Kelly. Humilay siya sa pagkakayakap. "Ayaw mo?"

"I want it!" Halos pasigaw pang sabi ni Adam. "I want to be your baby."

Matamis na ngumiti si Kelly at muling yumakap sa nobyo. "Huwag na ako ang titigan mo," Suway niya dahil hindi pa nakatingin sa camera si Adam, nakatitig pa sa kanya. "Smile ka na lang baby!"

Halos umabot sa tainga ang ngiti ni Adam, nang marinig ang mga katagang iyon. Napakasarap pakinggan!

Itutuloy...

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن