Chapter 2

13 0 0
                                    

Eto na nga nasa mall na ko grabi mga beshy napagastos ako ng pera ah, malayo pala to sa tinitirhan namen doon sa Caloocan. Pero anyways... kanina pa ko nag-iikot ikot dito sa mall, wala parin akong na tatanggap na text kung saan magkikita.

Hindi ko rin naman kasi natanong kahapon kaya ganon

Ilang minuto na ang lumipas at may nag text na nga sa akin, eto yung number na binigay nung babae na kausap ko sa Phone kahapon, di ko naman alam pangalan niya kasi di naman siya nagpakilala. Pero ayon na nga sabi niya magkita daw kami sa Starbucks (sorry di ko alam kung may starbucks sa SM North di pa kasi ako nakakapasok dun) kaya pumunta na ko.

Pagpasok ko naamoy ko agad ang masarap na aroma ng kape, sayang lang at wala na kong pambile kasi isang libo lang dala ko, mamamasahe pa ako pag uwi sa amin. Lumingon-lingon ako upang mahanap ang babae na kikitain ko dito sa restaurant, pero sa kasamaang palad eh di ko siya nakita kaya napa text ako sa kanya.

To: Madam 
 Ma'am andito na po ako nasaan po kayo? hehe

From: Madam
 Andito ako sa pinaka-dulong bahagi ng store. I'm wearing a white floral dress

Kaya pumunta naman ako don. Doon ko nakita ang isa sa mga babae na di ko maitatanggi na ubod ng ganda. Nilapitan ko siya.

"Ahm, hi po ma'am" bati ko sa kanya sabay tingin sa akin. 

"Ohw! Ikaw na ba yung katext ko? Yuuunggg. Yuuungg, babysitter?" sabi niya pabalik sa akin.

"Ah opo, ako nga po" tinignan niya ko na parang, nagtatanong kung anong pangalan ko "Ay oo nga po pala. Ako po si Nehemiah Leiy Gonzales or Neil for short" sabi ko sa kanya.

"Well anyways, I'm Sarah Liyon-Santiago. Its nice to meet you dear Neil" Sabi niya sabay lahad ng kamay, na aking inabot. Grabi talaga ang kamay ng mga mayayaman noh, ang kinis na parang alagang-alaga sila sa sarili.

"So let's go down to business shall we? Simple lang naman ang gusto kong gawin mo. I just want you to take good care of my 4 beloved babies. Masiyado kasi sila pasaway kaya kailangan namin ng babysitter. Another thing is, hindi naman anmin ineexpect na gawin mo to pero kung may chance eh malaking pasasalamat nalang rin. We want you to, you know, somehow..." hinto niya na parang hindi siya sure sa kung dapat niya bang ituloy o hindi.

"Ma'am ano po iyon? Huwag ho kayong mag-alala kakayanin ko naman po yan. Sana" Sinadya kong hinaan ang dulong salitang aking binanggit.

Naglabasa siya ng malalim na hinga bago muling nagsalita, "Well we want you to change or kahit tulungan mo silang baguhin ang ugali nila." sabi niya saken. Sa totoo lang ano bang klaseng ugali ng mga baby? natural naman silang makukulit at pasaway dahil sa baby pa nga sila.

"Huwag ho kayong mag-alala. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya" binigyan ko siya ng ngiting kasiguraduhan na ayos lang sa akin. Minsan lang akong mag-alaga ng baby kaya susulitin ko na.

"Ok, pwede ka ng mag-start sa Monday, susunduin ka nalang namen sa bahay niyo. Ay teka nga pala ilang taon ka na? At taga saan ka?"

"Ay 16 palang po ako Ma'am Sarah, nakatira lang ho ako sa Caloocan." sabi ko na ikinabigla niya.

"16!? Ang bata mo pa pala. Atsaka mukhang magkakaproblema tayo jaan sa tirahan mo" Sabi niya 

"Ahh bakit naman po?"

"Nakatira kasi ang mga anak ko sa Baguio, ung mga poster na nilagay namin is pipili lang ren, mostly sa Caloocan lang namin iyon nailagay, kakaunti lang sa ibang lugar kagaya ng Manila, Quezon, or whatsoever." Sabi niya bago tumingin sa labas ng store "Kasama ko kasi ang asawa ko na nandidito sa Quezon, we're handling business here together. Mag-iisang buwan narin kaming nandito dahil nga gusto namin mag-hire ng babysitter. Kaya habang may business pa ang asawa ko dito e nilulubos-lubos ko na ang paghanap ng babysitter. Baka kasi magkaproblema kayo ng pamilya niyo sa oras na malaman niya na malayo ang pagtatrabahuhan mo" mahabang paliwanag niya.

Babysitting the 4 Homophobe GangsterWhere stories live. Discover now