Chapter 20 : Ending's paranoia

Comenzar desde el principio
                                    

“Ehem. Hindi niyo ba ‘ko kilala?” Biglang sabat nung isa pang babaeng kasama ni Samantha. Sino ba siya at ano ang kailangan niya sa amin?

“Oh come on Sunyoung. Tama na ang suspense. Diba gusto mong gantihan si Rylle dahil iniwanan ka niya sa sementeryo mag-isa at muntik ka pang mapatay ni Daile?” Nagulat nalang ako sa mga salitang lumabas sa bibig ni Samantha.

Siya si Sunyoung? P-Pero bakit iba na ang mukha niya?

“Hello. I was once Sunyoung Choi, but now, my name is Risae Kwon. Wala na akong pakialam kung si Rylle ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon. All I want is Daile’s death and that’s that.” Malamig ngunit kalmadong saad ni Sunyoung na ngayo’y si Risae na.

SAMANTHA’s POV

“Hindi ako napatay ni Arch dahil iniligtas ni Harper ang buhay ko.” Malumanay na saad ko.

Naramdaman ko nalang na naaapakan na nina Arch at Hara ang katawan ko nang akala nila ay isa na akong malamig na bangkay. Hindi pa ako patay pero pakiramdam ko ay mamamatay na ako dahil sa tumamang bala ng baril sa likod ko. Napapaluha nalang ako sa sakit habang pinipilit kong gumapang palabas ng bahay para makahingi ng tulong.

Wala na ang sasakyan ni Daile sa labas at malamang ay nakuha na iyon nina Arch dahil sa kasabikan nilang makatakas.

Tuluyan na akong nakalabas ng bahay pero mas humapdi ang sugat ko sa likod dahil sa malakas na pagbagsak ng tubig-ulan. Pinilit kong sumigaw ng tulong sa abot ng makakaya ko. At napangiti nalang ako nang makita ko si Justine na naglalakad papalapit sa akin.

Magsasalita sana ako muli pero naramdaman ko nalang ang dalawang matalim na kutsilyo sa binti ko. Tuluyan na akong napaluha nang makita kong si Justine ang may gawa nito.

“P-putangina..” Mahina kong mura pero naramdaman ko nalang na sinampal ako ni Justine sa mukha. Kahit na nanghihina na ako ay pinilit kong hinawakan ang mukha ni Justine at pilit na nagsalita.

“A-akala ko b-ba mag-magkakampi t-ta-tayo?” Impit kong sambit sa kanya pero nakita ko ang pag-ngisi nito sa akin. Napaluha nalang ako nang biglang kapain ni Justine ang sugat ko sa likod at pilit pa itong sinusugatan lalo gamit ang mga mahahaba nitong kuko.

“Kakampi? Si Marco at Daile lang ang kakampi ko Samantha.” Muling tumawa si Justine nang malakas, “Tangina Samantha. Napakatanga mo. Ikaw? Papatay ka para sa akin? You’re going to kill Hara for me? Fuck I don’t even like Hara or you. Nagsasayang ka lang ng oras. At nagsasayang ka lang ng buhay mo.” Tumayo na si Justine at tinadyakan niya ang dalawang kutsilyo sa binti ko. Napahiyaw nalang ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay natanggalan ako ng buto sa katawan. Nararamdaman ko nalang ang paghapdi ng binti ko dahil butil-butil na tubig-ulan ang pumapasok sa sugat ko.

That moment, I loathed Justine. Akala ko siya ang kakampi ko. Akala ko siya ang lalaking mag-pprotekta sa akin kahit na hanggang magkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Nakakamatay din pala ang maling akala.

Simula nung araw na iyon ay ipinangako sa sarili ko na gagantihan ko si Justine. Wala na akong pakialam kung si Justine pa ang mahal ni Hara. Kung haharangan ako ni Hara sa paghihinganti ko kay Justine, wala akong choice kundi patayin ko lahat ng haharang sa akin kung mabubuhay man ako.

Pero naramdaman ko na ilang oras na akong nanghihingalo dito. Pakiramdam ko ay nawawalan na rin ako ng pag-asa na may magliligtas sa akin. Siguro nga ay oras ko na rin.

Repost : New Era {under final revision}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora