Napadilat ako agad nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nakita ko ang isang babaeng nurse na bitbit ang anak ko. Ang sa likod nang nurse ay si kim at doktora.

"Ang gwapo po nang anak niyo ma'am. May kamukha pong sikat na business man ata." sabi nung  medyo may katandaang nurse sa'kin habang nilalahad ang anak ko.

"T-Thank you,"
Medyo nailang naman ako dahil sa sinabi nang nurse, lalo na nung nabanggit niya na may kamukhang sikat na business man. Mabuti nalang hindi niya naalala kung sino mang business man ang sinasabi niya.

Nung umalis na ang nurse sa harapan ko ay do'n ko na natignan nang maigi ang anak ko.

Well, I can tell na mas maraming nakuhang features ang anak ko sa papa niya. Okay lang naman kasi gwapo naman si Cliff. Gwapo naman talaga si Cliff kahit pabalik-baliktarin ang mundo. Sana may makuha rin siya sakin, kahit ang ugali ko nalang okay na.

"So handsome Clayton Nile." Narinig kung bulong ni Kim sa gilid.

"By the way, sinabihan ko na ang nurse na na-assign sayo kanina na huwag ipaalam sa iba o kahit sa media na nandito ka." sabi ng Doctor sa'kin.

"And also I gave them money para sure talaga na hindi sila magsusumbong." singunda ni Kim sa gilid na simpleng naka-upo.

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Natawa nalang rin si doktora.

"I better go now, I have other patients to entertain." aniya ni doktora. Tumango lang ako at nagpa-salamat.

"Really? Binigyan mo talaga nang pera?" Hindi makapaniwalang saad ko.

"Yeah, that's okay. I still have a lot of money here." may kayabangang sabi niya.

"Yabang.." bulong ko pero alam kung narinig niya.

"May ipagyayabang naman ako kaya, it's okay." aniya.

"Bumili ka nalang nang pagkain. Ang ingay mo nagigising yung bata e." tinataboy na sabi ko.

Gutom na rin naman ako kaya timing lang rin na papalabasin ko siya. Alangan naman magpadede ako sa bata na walang laman tiyan ko.

"Oh! Thank you for reminding me! Huwag kang mag-alala magpapagawa ako nang ulam no'ng ex kung chef. Masarap mag luto 'yon lalo na ang nagluluto. I' ll be back okay, maghintay ka lang dito." excited na sabi nito sa'kin.

I remember her telling me about her ex. Sa pagkaka-alam ko ay 'yan yung pinakasikat na chef at tsaka masarap rin ang luto. Sabi nga niya na sa lahat daw ng ex niya ay yung chef daw yung paborito niya kasi maliban sa masarap magluto at gwapo ay masarap daw itong kumain sa kanya.

Hindi ko talaga maisip na mas mahalay pa pala itong si kim kaysa kay Alex at athena. Siguro kapag nagkakasama silang tatlo, kawawa talaga ang lalaking matritripan nila.

Now that I mentioned athena and alex, namiss ko tuloy sila. I miss Ali also. Hindi ko man sila natawagan o kaya text man lang. Sigurado ako kapag nagkita kami ni athena ay baka maiiyak 'yon. Ako lang ata ang taga pagtanggol sa kanya sa bahay. Palagi kasi iyong iniinis ng mga kuya niya pati na rin si tito at tita.

My parents would be so stress right now. Ilang buwan ba naman akong hindi nagpakita. Lalo na' Yon si mama, madali pa naman yon umiiyak hindi kagaya ng kakambal niya.

And I bet my job also miss me. They miss the Kirlstine Suzzett Necossia walking in the runaway.

Habang naghihintay kay kim ay nilagay ko muna ang anak ko sa gilid at humiga ako sa tabi nito. Malaki naman ang kama kaya hindi kami nagsisiksikan nang anak ko. Private room kasi kinuha ni Kim kaya malaki talaga ang kwarta at tsaka kompleto rin sa gamit.

Umusog ako palayo sa anak para kapag makatulog ako hindi ko siya madaganan. Tinitignan ko nang maigi yung anak ko. Kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Worth it parin yung paghihirap ko sa pagpapanganak kapag nakita yung anak ko ay nawa-wala yung pagod ko.

"You have pointed noise anak... you're so handsome like daddy." mahinang sa bit ko habang dahan dahang hinahaplos ang maliit na kamay nito.

I'm humming a song while tapping my son lap a little bit. Hanggang sa nakatulugan ko dahil narin sa pagod at kulang sa tulog.

NAALIMPUNGATAN ako nang dahil sa nakahawak sa kamay ko at kinakausap si Clayton.

"Mommy's beautiful right?" tanong niya sa bata. Narinig ko pa ang maliit na tinig ni Clayton na para bang sinasabi na 'oo'.

Kahit na gising na gising na ang diwa ko ay hindi parin ako nagmulat ng mata. Pinapakinggan ko lang si Cliff na kinakausap ang anak namin.

Oh god! I miss his voice.

Naramdaman ko ang halik na binigay niya sa aking kamay. At pagkatapos ay binigyan ako ng matagal na halik sa noo.

"I miss you, my love..."

THE SLUT MODEL [COMPLETED]Where stories live. Discover now