02

286 4 0
                                    

Messenger
Maria Asuncion

10:23 AM, Thursday

Leila Tatiana
Bwesit ka, Maria!
Sigurado ka bang tama ‘yong number na binigay mo sa akin?

Maria
Ha?
Anong number?

Leila Tatiana
Iyong kabit ni Sandro!
Tama ba?
Gago ka mali naman yata eh 😏

Maria
Hoy tama ‘yon
Nakasave na kaya dito sa contacts ko kasi lagi namang nagpapaload iyong Katarina na ‘yon dito.

Leila Tatiana
Eh nung tinext ko hindi raw siya.
Lalaki raw 😏

Maria
Sus baka pinaprank ka niya para hindi mo sugurin.
Paano mo nasabing lalaki ‘yan?
Gumagawa lang ‘yan ng rason

Leila Tatiana
Sinabi niya sa akin sa text
Sabi hindi raw siya interesado kay Sandro, sa akin puwede pa😳

Maria
Nako edi hindi ka pa sure.
Eh hindi mo pa nga narinig boses nun
Sana tinawagan mo bruha!

Leila Tatiana
Hoy ayoko nga
Baka mamaya sindikato pala itong may-ari ng number na ‘to

Maria
Sus dalian mo na🙄
Wala namang mawawala eh
Basta sure ako na kay Katarina ‘yang number na ‘yan

Leila Tatiana
Oo na!
Ipapahamak mo pa talagang bwesit ka.
Kapag mali talaga ‘to sagot mo ‘yong load ko ng isang buwan

Maria
Aba wala naman akong tutubuin niyan.
Tama na ‘yong dalawang linggo 😒
Eh pinangtetext mo lang naman ‘yan at pinangvi-videocall doon kay Sandro
Tignan mo nangyari, niloko ka pa ng bwesit na ‘yon

Leila Tatiana
Ge kuwento mo ulit, kahit mula umpisa
Hay nako
Call ‘yan ha! Two weeks kapag mali ‘to

Maria
Go na girl!
Pero kung tama ako, ililibre mo ako😜

Leila Tatiana
Hindi pa ako sumusweldo gaga

Maria
Kahit siomai lang tapos calamares

Leila Tatiana
Aba namili pa

Maria
Syempre minsan ka lang manlibre 😅

Delivered

When We Love AgainWhere stories live. Discover now