Pasilip

47 0 0
                                    

"BOOOOYYYYSSSS!" Sigaw ni Ma'am Sarah

"hehe hintayin mo nalamang muna sila ha. Medjo makukupad kasi gumalaw ang mga batang iyon eh pasensiya na" paghinge ng paumanhin ni Ma'am Sarah.

"Nako! ayos lang ho iyon" binigyan ko siya ng ngiti para ipagpaalam na ayos lang maghintay. 

Ilang minuto rin ang lumipas at bumaba ang 4 na lalaki sa kanilang hagdan. Ang sasabihin ko lang ah. ANG GA-GWAPO NILA BESH! MALALAKI RIN KATAWAN NA PARA BANG, PARA BANG PEYBORIT SILA NI LORD!

"What is it mom? ang aga sigaw ka ng sigaw jan" sabi nung lalaking purple ang buhok. 

Napasabi tuloy ako ng "bastos pala to sumagot sa magulang" pero di ko nalang pinagtuunan ng pansin, basta ang hinahanap ko eh yung baby na maalagaan ko. Speaking of nasan na kaya yon?

"Wag mo ko maganyan-ganyan Josh ah. Anyways I want to introduce to you all, your new babysitter! OH DIBA ANG SAYA!" Sigaw ni Ma'am na di ko rin naman na intindihan kasi nakatuon ang pansin ko duon sa mga lalaking nasa harapan namin ngayun. Nag de-daydream nanaman ang bakla hayzz.

"WHAAAAAT!!!" Sigaw nilang apat na nagpabalik sakin sa planetang Earth.

"You're joking right mom? Siya? Babysitter? Eh mas matanda pa kami jan e. Chaka look at him, halata naman na bakla siya" Sabi nung yellow haired dude. Ang kapal naman ng mukha nito. Di pa ba halata na bakla ako? kailangan ba na baluktutin ko pa sarili ko? 

Pero ano daw? Sila yung ibe-babysit ko? Asa sila, yung baby naman talaga ang pinunta ko dito eh.

"Yes my dear babies. Siya yung sinabi kong iha-hire ko para bantayan kayo sa school, sa bahay, at kahit saan pa mang lupalok ng mundo kayo mag punta. Tsaka, don't be rude, hindi porke bakla siya eh aapi-apihin niyo na rin siya. Understood?" sabi ni ma'am na parang hindi pinapakinggan ng 4 na lalaki na toh. Sa totoo lang. Pero gusto ko na talaga itanong dito kay ma'am kung nasaan na yung baby na tinutukoy niya nung papunta kami rito.

"Ah Ma'am Sarah hehe, tanong ko lang po sana kung nasan na yung baby na sinasabi niyo po kanina?" pinag-ipon-ipon na lakas loob na tanong ko kay Ma'am sarah.

"Neil, una sa lahat, no need to call me Ma'am Sarah, just call me tita. Secondly ayun na nga, sila yung mga babies na sinasabi ko. Sina Josh, James, Jordan, and our bunso Jacob" turo ni ma- este tita sa mga lalaki... turo sa mga lalaki... lumaki ang mga beautiful eyes ko nang maintindihan ko na ang ibig sabihin ni tita.

"HAAAAA!

"YES!" sabi ni tita na may malaking ngiti sa mukha "Neil, meet my 4 babies. Bantayan mo sila ah" huling sinabi ni tita bago siya umalis.

Napatingin ako sa 4 na lalaki na kaharap ko ngayun na may matatalim na tinging ibinibigay sa akin... jusko, protektahan niyo ho ako. Virgin pa ho ako








TBC...


Babysitting the 4 Homophobe GangsterWhere stories live. Discover now