chapter 9 ** my konyo friend -- tutor **

Start from the beginning
                                    

Makalipas ang dalawang oras, habang nakatambay ako sa labas ng bahay at nagbabasa, nag-park ang isang Sedan sa tapat ng compound. Nagkagulo ang lahat. Kala mo may artistang dumating. May isang lalaking naka-itim na suit ang lumabas mula sa kotse. Nakaitim syang shades at ang kisig-kisig nya sa suot nya. dere-derecho syang naglakad papasok ng compound. Dedma sa tingin ng mga tao.

“ Miss Aya?” tanong ng kaharap na ko.

“ Yes?” nakunot-noo kong sagot.

Inalis nya ang shades nya. shet! Grey ang mga mata nya! At sobrang gwapo pala talaga nya lalo na sa malapitan. Ow shet! My eyes!

“ Sir Deu!” napalingon ako kay Oyo na palabas na rin ng bahay. Nabalik naman agad sa gwapong llaking to ang atensyon ko.

Deo? As in deodorant? Ang baho ng pangalan nya ha. Anyway, sino ba sya? Hindi naman siguro sya teacher ni Oyo. Hindi sya mukhang teacher ii. Mas mukha syang model na 26 years old.

“ Kanina pa po bak ayo rito? Pasensya na po kayo sa lugar namin.”

Ngumiti lang sya. At shoot! Ang gwapo nya talaga! “ Hi. I’m Mr. Deuteros” nilahad nya ang kamay nya.

Kinuha ko naman agad ang kamay nya para makipag-shake hands, “ I’m Maria Izadora Victoria.”

“ Sya po yung tinutukoy kong mag-t-tutor kay Hera.”

“ Aa. I’m flad that I met you. And sana pagtyagaan mo nalang ang daughter ko.” Hala! Tatay na sya?! As in TATAY?! Para namang joke lang yun. “ She’s quite slow but she’s determined to learn. Kelangan lang ng konti este madaming pagtyatyaga sa pagtuturo sa kanya. Right, Oyo?”

“ Tama po kayo, Sir. I experienced it first-hand.”

“ Ha?!” ee loko pala tong bulate na to ii. Tsh~

“ Hay nako Ate. Kunin mo na ang gamit mo, 4pm na oh.”

“ palalampasin ko to beluga, pero humanda ka pagbalik ko mamaya.” Bulong ko sa kanya. Tinawanan lang nya ko.

Sabay na kaming naglakad ni Sir Deuteros. Tahimik lang kami sa byahe. Ilang minuto lang ang nagdaan hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang malaking puting bahay. Asul ang bubong nito pati ang pinto at gilid ng bintana. American town house ang style nito. Ang ganda.

“ Tara na sa loob, Miss Maria Izadora Victoria.”

“ Aya nalang po.”

“ Ok, Aya. Lets go.”

Lumabas na kami ng kotse. Habang naglalakad kami, may isang babaeng tumatakbo palapit samin. Ang puti nya at ang napaka-itim nyang kulot na buhok ay sumasayaw sa kanyang likuran. Kung hindi ko napansin ang anino nya, baka isipin kong multo sya o isnag anghel. Ang ganda nya at mejo may resemblance sya kay Sir Deu. Baka sya na nga yung tinutukoy nyang daughter nya. at takw note, magkamukha kami. Char!

“ DAD!” yumakap sya rito.

“ Hi princess.”

“ why are you here pa? I thought, may business tour po kayo today? Baka po you’re late na.”

“  No baby. Gusto ko lang na sunduin personally ang bago mong tutor.” Mukhang eto na ang cue ko para lumapit.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya, “ Im Maria Izadora Victoria. Aya nalang ang itawag mo sakin.”

Kinuha naman nya nag kamay ko, “ Oh my geeee~ You’re name is so haba. I like it. Im Helena Railey. Call me Hera.” Ang ganda ng ngiti nya sakin. In fairness ha, mukhang iisang language ang ginagamit nila ni Ania. Ang language ng mga konyo.

“ I really have to go, my princess. Baka maabutan pa ko ng severe traffic. See you soon.”

“ Ok Dad. Keep safe ok? I love you.” Niyakap nya ulet ang gwapo nyang tatay.

“ You too, dear. You take care pati na rin sina K….” bumitaw sya sa pagkakayakap,

“ Yes Daaaaad~ Bye~” para namang pinagtatabuyan nya ang tatay nya. natatawa lang syang bumalik sa kotse.

“  I love you more.”

Naglakad na kami papasok ng bahay. Sa loob, simple lang naman ang design pero maganda pa rin. So simple yet elegant. Pang mayaman talaga. Ang dami kong akikitang pinto at pasikot-sikot parang maze. wow~ ganito pala pag mayaman. Iba ang amoy. Iba rin ang ambiance. Tsaka ang mga kapit-bahay, tahimik. ibang iba sa bahay namin.

Pagdating namin sa garden, nag-serve agad ng cookies at tea ang katulong nila. Grabe ha. Feeling ko para kong nasa isang tea party ng mga sosyal na tao. Ang taray lang. Pero syempre, hindi muna kami nagsimulang mag-aral. Gusto ko munang enjoyin ang merienda.

“ May gusto nya pala kong itanong Hera.” Sabi ko.

“ Ano yun?”

“ Bakit nga pala hindi ka nalang nagpatulong kay Oyo? Magaling din naman sya sa Math aa.”

“ Because Oyo is so nakakainis~ He always call me stupid pag hindi ko nage-gets yung tinuturo nya. He’s so mayabang. And ang lakas nya kayang mang-asar. Like he keeps on teasing me every single day sa skul. Nakakainis sya~”

“ Aa.” Natameme lang ako sa umaapaw na pagka-konyo nya. Muntik na kong maubusan ng dugo.kala ko sanay na ko sa mga gaya nya dahil kay Ania, pero hindi pa pala. Magkaibang level silang dalawa. feeling ko kinabog ni Hera si Ania. Like kabog na kabog. You know? Hahaahahah! Nagiging konyo na rin ako.

“ But you know,  i'm very thankful of him. Because inintroduce ka nya to me. And i'm so happy. kasi feeling ko we can be bffs~”

Ngumti lang ako. Awkward na ngiti.

Pero aba! Mukhang tuwang-tuwa sya sa ideya nya aa.  Halatang halata sa laki ng ngiti nya at sa glow ng mga mata nya. Hmmm. Gusto ko yung ideya nyang yun. At least may maituturing na kong kaibigan na babae. Nag-kwentuhan lang kami ng nag-kwentuhan. Pero instead na mainis ako sa kanya, gaya ng nararamdman ko pag ganito si Ania, hindi ko mapigilang matuwa sa kanya. She’s an adorable girl. I guess I like her. Pareho kaming madaldal at baliw. Mukhang tama sya. We can be BFFs.  You know, like forever?!

When Miss Go-getter and Mister Tsundere Met -- Chapter 10 [SLOW UDs]Where stories live. Discover now