Malungkot ang mga matang iginawad sa akin ni papa. Niyakap niya ako nang hindi ito makuntento sa simpleng paghagkan sa mukha ko.
"Sundin mo lang ang tita Mary mo at huwag matigas ang ulo." Iyon parati ang habilin niya sa akin simula kahapon. Na magapapakabait daw ako at respetuhin si tita Mary dahil siya na ang bago kong nanay.
Kahit nanantiya ang mga mata ni papa ay tumango ako na parang wala lang, hindi lubos na isinapuso ang sinabi nito.
Bago pa lang sila ni tita Mary pero gusto na niya akong iwan sa kanila. Ang tanging naiisip ko lang ay baka gawin niya akong katulong gaya ng panunuod ko sa TV lalo na't palagi kong nasasaksihan ang pag-aaway nila magmula noong isa si papa sa mga natanggal sa trabaho. Nagkaroon ng recession sa dati nitong pinagtatrabahuan kaya ito natanggal. Hindi ko man lubos maintindihan kung ano 'yon ngunit iyon lang ang sinabi ni papa. Dahil wala itong trabaho at inaaway pa siya ni tita Mary ay napilitan itong magtrabaho sa ibang bansa.
"Pumasok ka na Art, malapit na ang flight mo. Ako na'ng bahala kay Tamara," ani tita Mary.
Hinalikan ako ni papa sa noo bago ito tumayo. Niyakap rin niya si ate Sheena at hinalikan si Jacob sa pisngi.
My father held my stepmom's hands and eventhough I hate to admit it, he looked at her like how he had looked at my late mother. Could my mother's death ended my father's love towards her? All I know is that my father love tita Mary.
"Tatawag ako pagdating ko ng Saudi," paalam ni papa. Iyon ang huling sinabi nito bago siya pumasok sa airport.
"Tara na," matigas na sabi ni tita. Ate Sheena followed her with Jacob holding her hand.
"Tamara, bilisan mo."
Pagdating namin sa bahay ay hindi ko aakalaing magkakatotoo nga ang sinabi ko. Sa mga nagdaang araw ay ipinapagawa sa akin ni ate Sheena ang mga hinabilin ni tita Mary bago ito umaalis papuntang trabaho.
Ako halos ang inuutusan ni tita Mary sa mga gawaing bahay habang si ate Sheena ay walang ginagawa at may kausap lang sa cellphone nito. Nakahiga ito sa mahabang sofa at animo'y may kung ano sa mga ngiti nito habang kinakausap ang nasa kabilang linya. Nawala lang iyon nang lumingon sa akin. Tila nagulat pa ata.
"Ano? May kailangan ka?" Tanong ni ate nang mapansing pinagmamasdan ko siya. May gusto pa siguro siyang sabihin dahil sa pagbukas-sara ng labi nito ngunit mariin din namang tiniklop pagkatapos.
"Lilinisan ko lang ate ang ilalim ng sofa."
Tumayo naman ito agad ngunit di na hinintay na matapos ako dahil umakyat agad ito sa kwarto niya sa ikalawang palapag. Nagtataka man ay hindi ko na pinagtuonan ng pansin.
Biglang tumahimik ang bahay. Si tita ay nasa trabaho, si ate Sheena ay nasa kwarto nito, at si Jacob naman ay nasa labas, kalaro ang mga kaibigan. Di ko akalaing magiging ganito katahimik ang bahay.
Ipinagpatuloy ko ang paglilinis hanggang sa bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si tita Mary. Dala nito ang mga ilang gamit sa salon na pinagtatrabahuan.
Medyo nakakagulat ang pag-uwi nito. Usually, hapon na ito umuuwi kaya nakakapanibagong maaga ito ngayon. She stood there in the door looking shock while her eyes are on me.
Lumapit ito sa akin na sa bilis niyon ay ilang hakbang lang ay naging isang dangkal na lang ang distansya sa isa't isa.
"Bakit ikaw ang naglilinis?" Naguluhan pa ako sa tanong nito dahil akala ko ay may gagawin ito sa akin.
"Po?"
"Bakit ikaw ang naglilinis?" ulit pa nito. Sumilay sa mga mata ni tita ang irita nang ulitin ang tanong.
"Sa-sabi kasi ni ate Sheena." Hindi ko na napigilan at biglang natakot sa ekspresyon ni tita.
Kumalma bigla ang mga mata ni tita Mary, "Nasaan ang ate mo?" aniya.
"Nasa taas po." Pagkasabi ko nun ay mabilis na ipinatong ni tita ang mga gamit nito sa sofa at walang sinayang oras na tinahak ang hagdanan.
Ayaw ko man na marinig ngunit dahil sa lakas ng boses ni tita ay narinig ko ang rason sa kakaibang kilos nito kanina.
"Ang sabi ko ay ikaw ang maglilinis at magsasaing bakit pagdating ko ay siya ang nakita ko?!"
Napatigili ako sa ginagawa. Kahit ang bunsong si Hector na naglalaro sa labas ay pumasok sa bahay at tila rinig ang boses ni tita sa labas.
"Kailan ka ba tatanda, sa ilang araw na nagdaan ay si Tamara halos ang gumagawa sa mga ipinag-utos ko?!"
Tumagal pa nang ilang minuto ang pagsasalita ni tita nang hindi sumasagot si ate Sheena. Kahit ako ay nagulat dahil akala ko pa'y magiging isa sa mga telenobela ang buhay ko.
At noong nakababa na ulit si tita ay humingi ito ng tawad dahil sa ginawa ni ate Sheena. Even though I feel like it is so unfair, I tried to understand it. We are a new family and I think my stepsister can't still process that there's a new member.
"Magbihis ka, tumawag ang school na gusto mong pasukan, may nagback-out daw na tatlo kaya nakapasok ka sa slot ng scholarship nila. Congratulations!"
And that is the moment that I felt like I found a new mother. Tita Mary's smile eased my doubts that she might be one of those unfair stepmother but I think we shouldn't judge a person too early. Hector also went to me and hug us both as we enjoyed the moment.
My eyes went to Hector and I shuffled his hair as my gaze turned to the side and saw ate Sheena's fierce eyes while standing onto the staircase.
Kung gaano kagaan ang naramdaman ko kay tita Mary ay ganoon na lang ang pagkatakot ka sa nakita kay ate Sheena. It is full of hostile towards me or maybe to the situation and I have never thought it would be the time that as my relationship with the two got better, ate Sheena's got even worse.
YOU ARE READING
Broken Series #1: Broken Promise
RomanceTamara is always that normal girl who don't shine in any particular ways. Brain? Normal. Sports? Normal. She did not hate it at all not until she met a boy whom she knows from the very first glance and the very first time they met, she knew she woul...
