Chapter 51

888 31 0
                                    

Chapter 51

"You're so beautiful today Salem" sabi sakin ni Frost.

"Ngayon lang?" Tanong ko.

"Everyday, everywhere Salem ay maganda ka, mas talbog nga lang ngayon" sabi ni Sky.

"Oo nga, mas mukha kapang prinsesa kesa samin" sabi ni Aqua.

"Pshhh, wala namang nagbago" sabi ni Jason kaya sinapak naman siya ni Aqua.

"Inggit kalang kasi walang bumati sayo" sabi ni Aqua.

"It really hurts bro" sabi ni Kurt kaya napanguso nalang si Jason.

Nagsimula na ang party, maliit lang ang students kasi hindi pa nakabalik yung mga students na pinauwi.

Nagsasayawan lang sila habang ako naman ay nakaupo lang dito sa isang gilid kasama si Frost.

"Cr lang ako" sabi ko sabay alis na at nagtungo sa cr.

Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako ng Cr ng biglang nagblack out, nawala siguro yung apoy ng mga torches dahil sa lakas ng ihip ng hangin dahil sa ulan na parang bagyo.

Ginamit ko ang night vision ko para makakita kaya walang problema sakin. Kaya nagtungo na ako sa table namin ni Frost.

"Owss sorry" sabi ng estudyanteng nakabanggaan sakin.

"No it's okay" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

*Bogshhh*

"Ahhhhh" sigaw ng mga students kaya napatingin naman ako roon.

Iyon ang mga estudyanteng sunod sunod na pagkatumba na para bang domino at papaunta ito sakin kaya agad ko namang binilisan ang lakad ko.

Nagulat ako ng bigla kong naapakan ang gown ko kaya natumba naman ako na dahilan para matumba din ang nasa harapan ko.

Pero ang mas ikinalaki ng mata ko ay magkaharap kaming natumba na dahilan para magkadampi ang mga labi namin, at kitang kita ko din ang pagkagulat sa mga mata niya na katulad din ng ekspresyon ko.

"Don't panic students, the torches are already fired up" sabi ng Dean at kasabay dun ang pag ilaw ng paligid kaya mabilis naman akong tumayo at pinagpagan ng sarili ko.

"Thanks God" maginhawang sabi ng mga students kaya napatango naman ako.

Buti nalang at walang nakakita samin o nakapansin samin haysss.

Napatingin ako sa lalaking kakatayo lang sabay tingin sakin ng matalim.

"Sorry hindi ko sinasadya" sabi ko habang yumuyuko sabay alis na at pinuntahan si Frost.

Nakakahiya grabe. Bakit siya pa nahalikan ko haysss.

"Is that Chase? I thought hindi siya dadalo sa party?" Tanong sakin ni Frost pero nagkibit balikat lang ako at pilit na iniiwas ang tingin ko. "Are you okay Salem?".

"Hindi okay lang ako" agad na sabi ko na ikinakunot noo niya.

"Okay" nanghihinalang sabi niya kaya napalunok naman ako.

"Okay lang talaga ako" sabi ko kaya tumango nalang siya.

Kinabukasan ay maaga kaming aalis ni General Harrison kaya maaga naman akong nagpaalam kina Aqua.

"Hindi ba pwedeng dito ka nalang Salem saka antayin mo nalang kung kailan ang graduation?" Tanong sakin ni Aqua.

"Like as I was saying earlier, hindi ako estudyante dito kaya wala akong karapatang gumraduate dito" sabi ko. "And besides, nasa Fireon Kingdom lang naman ko, pwede niyo akong bisitahin kung kailan niyo gusto".

"Mag iingat ka salem ah" sabi ni Sky kaya tumango naman ako.

"Alagaan mo nalang si daddy para sakin, tutal mas mukha naman kayong mag ama" sabi ni Jason kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. "Wag mo nga akong samaan ng tingin, hindi mo ba alam na magpaparty ako mamaya sa cabin ko sa kadahilanang wala na akong babantayang pusa?".

"Sige na magpapaalam na ako, mag ingat kayo" sabi ko kaya tumango naman sila.

"Take care" sabi ni Frost kaya tumango naman ako sabay talikod na at umalis.

Bago ako sumakay sa karwahe ay nahagip ng mga mata ko si Chase kaya agad naman akong umiwas ng tingin dahil baka mamula pa ako.

Shet.

Nang makarating kami sa Fireon Kingdom ay dumiritso na ako na kwarto ko para magpahinga dahil iyon ang sabi sakin ni General Harrison.

Kinabukasan ay naisipan kong lumabas ng Kingdom para mamasyal.

"Wow ang ganda naman po nito, magkano po ito?" Tanong ko.

"Sampung piso iha" sabi niya kaya nagbigay namana ko ng pera.

"Heto po" sabi ko.

"Maraming salamat iha" sabi niya kaya nginitaian ko nalanag siya sabay alis na.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now