"Wala ngayon si Rakim kaya ako muna ang hahandle sainyo" sabi ni Escaor kaya napaisip naman ako sa nangyari kagabi kaya napatingin ako kay Chase na masamang nakatingin sakin na para bang kakainin ako kaya napaiwas nalang ako ng tingin.

Natapos na ang klase at lunchtime na kaya nagsilabasan na kami at pumunta sa cafeteria ang iba habang ako naman ay papunta diritso sa likod ng academy.

"So you're here huh?" Napatingin ako sa likod ng marinig kong magsalita si Chase.

"Prince Chase" sabi ko.

"So this is what you're planning huh? Ruin us?" Inis na tanong niya na ikinakunot noo ko.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Stop denying woman, I know that you already planned this" sabi niya. "Are you really that desperate huh? You're going to ruin anyone's friendship for your own selfishness?".

"Ano ba ang pinagsasabi mo prince Chase?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

Bigla niyang pinalabas ang mga pakpak niya sabay hawak ng balikat ko at lumipad ng pagkataas taas.

"Wahhhh, ibaba mo ako Chase, takot ako sa matataas" sigaw ko sakanya.

"No, not untill you admit what you have sinned" sabi niya.

"Ano ba kasing kasalanan ko ha? Wala naman akong ginawa sayo ah" sabi ko.

"You tried to seduce Frost so that he will betray me just because you poisoned his fucking mind and tell bad things to him behind my back?" Inis na tanong niya.

"You're wrong, I wasn't backstabbing anyone" sabi ko. "Kaya ibaba muna ako".

"Since you came everything became chaos, you are cursed" sabi niya kaya napaluha naman ako.

Pwede naman niyang sabihing hindi ako belong sa academy pero bakit kailangan niya pang ipamukha sakin na isinumpa ako kaya sinusundan ako ng malas?.

"Put me down, please" pagmamakaawa ko sakanya habang nakayuko dahil ayokong ipakita sakanya na umiiyak ako.

Unti unti na niya akong ipinababa hanggang sa makatapak na ako sa lupa kaya hinarap ko naman siya.

"Thank you" sabi ko sabay yuko at tumakbo na paalis.

Nang makapasok na ako sa cabin ko ay agad akong tumaob sa kama ko at doon inilabas ang hinanakit ko.

*Tweet tweet*

Agad akong napatingin sa bintana ko ng bigla akong makarinig ng tunog ng langgam kaya agad ko itong nilapitan.

May inabot ito saking sulat kaya agad ko naman iyong binasa.

~Bukas na bukas mahal na prinsesa ay andyan na kami sa academy~

Napabuntong hininga ako sabay punas ng luha ko.

"Maraming salamat" sabi ko sa langgap.

"Walang anuman mahal na prinsesa" sabi nito sabay lipad na paalis.

Isinara kona ang bintana sabay tungo na sa labas at pumunta sa headmistress office.

Nang makarating na ako ay pumasok na ako ng walang katok katok.

"Wala talagang respeto" bulong ni Headmistress. "Anong kailangan mo?".

"Bukas na makakarating sila General Harrison" sabi ko kaya tumango naman siya.

"Good, ng saganun ay makalaya na din ang academy sa kamay ng mga Demons" sabi niya. "Sige maaari kanang lumabas".

"Sasama ako kina General Harrison pabalik sa Fireon Kingdom" sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

"Hindi maaaring umuwi ang estudyante hanggat hindi pa ito graduated o di kaya ay may hindi naman importanting gagawin" sabi niya.

"Now you treat me as a student huh?" Sarkastikong tanong ko. "Baka nakakalimutan mo na hindi ako estudyante? Kaya aalis ako kailan ko man gusto".

"Are you sure with that?" Tanong niya.

"May mas mahalaga pa kong gagawin kesa sa mag aral lang" sabi ko. "It's a waste of time".

"Hindi ko pa pala nai-announce na sa makalawa ang anibersaryo ng academy" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"And so? Pake ko?" Tanong ko.

"At least attend the celebration bago ka umalis" sabi niya.

"What kind of celebration?" Tanong niya.

"A ball party" sabi niya kaya tumango nalang ako. "E-cecelebrate na din natin ang pagkawala ng mga Demons sa academy if ever na manalo nga tayo bukas".

"I need to go back to my class" sabi ko sabay alis na at nagtungo sa room ko.

Nang matapos ang klase ay lumabas na ako ng room.

"Hey Salem wait" habol sakin ni Frost kaya tumigil naman ako sa paglalakad. "I'm sorry".

"Para saan?" Tanong ko.

"Dahil padalos dalos ako kanina" sabi niya. "Hindi ko lang kasi matimpiang ginagamit ka ni Chase para lang makakuha siya ng impormasyon".

"Pero Frost hindi muna sana iyon ginawa, gusto ko din namang makakalap ng impormasyon kaya wala siyang kasalanan" sabi ko. "At saka hindi ka dapat sakin nagso-sorry, dapat kay Chase ka humingi ng tawad".

"No Salem, after what he did to you?" Inis na tanong niya. "He's too much".

"If you really did care about your friends ay dapat humingi ka ng tawad sakanya, hindi lang naman kasi ako ang kaibigan mo" sabi ko. "Sakatunayan nga ay mas matimbang ang pagkakaibigan niyo ni Chase kesa sakin kasi kakakilala palang natin pero kayo ni Chase ay bata palang kayo ay magkaibigan na kayong dalawa".

Hindi siya umimik kaya bumuntong hininga nalang ako at nagpaalam na sakanya.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum