Natigilan ako, “W-What?” hindi makapaniwalang sabi ko.

“Yes, he is a gay! At ang mga baklang katulad niya ay lalake lang ang gusto!”

Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin nagsisinungaling sa’kin ang Ay-Ay na iyun? Hindi niya talaga ako totoo asawa! Pero bakit pag nandyan siya ay parang magwawala ang puso ko at kumportable ako sa’kanya.

“Huwag mo siyang paniwalaan, Stefani. Ako lang ang paniwalaan mo.” niyakap niya ako ng mahigpit.

Naiiyak naman akong yumakap sa’kanya pabalik, “S-Sorry, huwag ka ng magalit sa’kin.” naiiyak na sabi ko.

“Hush... hindi na basta ako lang ang paniwalaan mo hmm?” hinaplos niya ang likod ko at tumango tango naman ako.

“Ikaw lang.”

____

“Naks, ang gwapo ng asawa ko.” nakangiting sabi ko kay Calvin.

Naka white polo at black pants siya. Simple lang pero ang gwapo niya. Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng mag-away kami at ngayon ay pupunta kami sa isang bar para i-celebrate ang anniversary ng kumpanya nila. At isasama niya ako para ipakilala sa mga kaibigan at tauhan niya ng kumpanya nila.

“My wife is so gorgeous.” niyakap ako kaya natawa ako, “Pero sa’kin ka lang dumikit, baka magka-interes pa sayo.” pinalo ko siya na ikinatawa niya.

Isang simpleng black dress lang ang suot ko at naglagay din ako ng light make-up. Naka sandals din ako pero maliit lang ang takong, kahit matangkad ako at naka sandals pa ay ang tangkad pa rin niya katulad ni Mr. Del Vecho na hindi ko maabot. Napailing iling ako, kanina ko pa talaga iniisip ang lalakeng iyun na hindi ko alam kung bakit.

Bakla pala siya? Sayang.

Ay, Stefani! May asawa ka na, 'wag kang malandi!

“Let’s go.” ngumiti naman ako at kinuha ko ang purse ko.

Sumakay kami ng elevator para makababa. Nasa condo niya pa rin kami ngayon, hindi na kami bumalik sa mansion at ipinaalam naman niya iyun kay Mama. Ewan ko kung anong ginawang dahilan ni Calvin para payagan kami.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya pumasok naman ako. Umikot siya at naupo sa driver seat. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Tumanaw ako sa labas na madilim na pero may ilaw naman. Malamig din ang hangin na tumatama sa balat ko.

Maya maya pa ay huminto ang kotse sa isang bar. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya lumabas naman ako. Umangkla ako sa braso niya at lumapit kami sa isang guard ng bar.

“Castillo.” sabi ni Calvin.

Yumuko naman ang guard at pinapasok na kami. Mangha naman akong napatingin kay Calvin. Wow, binanggit lang ang apelyido niya ay pinapasok na kami ‘a. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

Pagkapasok namin ay bumungad sa’min ang maingay na sigaw ng mga taong nagsasayawan at maingay na music. Naghahalo din ang iba ibang kulay ng ilaw sa madilim na bar na ito. Umakyat kami sa taas, siguro nandun ang table namin.

Lumapit kami sa maraming lalake at babaeng nagkakasayahan. Napatingin sa’min sila.

“Boss Calvin!” sigaw ng ilang mga lalake.

Ngumiti naman ako ng naiilang nang lumipad ang tingin nila sa’kin.

“Kumportable ba kayo dito?” tanong ni Calvin, mabait siya sa mga empleyado niya.

“Yes, boss. Btw, sino po yang kasama niyo?” tanong ng isang lalake at tiningnan ako.

Hinapit naman ni Calvin ang bewang ko kaya nagkatyawan sila ng ikinapula ng pisngi ko sa hiya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now