"You have a patient to look." sabi niya habang nakatingin sa hawak niya.

"Bakit ako? E hindi naman ako ang doctor ng kung sino man iyun." napanguso ako.

Tiningnan niya ako ng masama kaya napangiti nalang ako ng nahihiya. Ano ka ba Stef? Doctor ka, 'wag ganun.

"What's room?" tanong ko at namulsa sa coat ko.

"Room 312, at ikaw muna ang bahala kung may surgery na darating. May aasikasuhin lang ako, I trust you." ngumiti naman ako at tumango bago lumabas.

Mukhang private room ang nasa Room 312 dahil nang makapasok ako ay malawak ang room at may sofa pa. Pumasok ako kasabay ng dalawang nurse at nilapitan namin ang isang lalake na nakahiga sa hospital bed. Natigilan ako nang makita ko ang mukha ng lalake na natutulog.

May manipis siyang bigote at ang gulo ng buhok niya na halos matakpan na ang mata niya dahil medyo mahaba ang buhok. At medyo payat siya pero may muscles pa rin akong nakikita sa braso niya. And also, he is handsome lalo na kapag natutulog kahit na may bigote siya.

Wait, bakit ko nga ba pinagmamasdan ko ang siya? Trabaho ang pinunta ko dito hindi ang purihin ang lalakeng ito.

"Anong nangyari dito sa pasyente na ito?" tanong ko sa dalawang nurse habang sinusuri ang lalake.

"Nasaksak siya, Doctora. Broken hearted kasi kaya nasaksak." napabungisngis naman ang dalawa.

Tumaas naman ang kilay ko at tiningnan sila kaya napatigil sila at bumalik sa ginagawa. Nasaksak na nga pero pinagtatawanan pa rin? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis.

"Cameron Aywayne Del Vecho." mahinang sambit ko habang nakatingin sa papel.

Tumingin ako sa pasyente ng gumalaw ito. Mukhang nagising na siya. Inilibot niya ang paningin niya at nagsalubong ang mata namin kaya napangiti naman ako. Natawa siya at napapikit.

"Aywayne, wala dito ang asawa mo. Baka namamalikmata ka na naman." sabi niya sa sarili niya.

Nangunot naman ang noo ko at tumingin sa nurse, "Sigurado ba kayong nasaksak ang lalakeng ito?"

Napabungisngis naman sila at tumango. Napatingin ulit ako sa lalake at nagsalubong naman ang mga mata namin. Tumabingi ang ulo niya at nanlaki ang mga mata sabay balikwas ng higa pero napa aray siya at napahawak sa tagiliran niya.

"Huwag kang masyadong gumalaw baka dumugo ang sugat mo." paalala ko pero natigilan ako ng makita kong tumutulo ang luha niya kaya nag panic ako, "M-Masakit ba ang tagiliran mo?" nag-aalalang tanong ko and I don't know kung bakit ganito ako nag-aalala.

"Miracle... my wife." hinuli niya ang palapulsuhan ko at natigilan naman ako dahil parang may kuryenteng dumaloy nang hawakan niya ang pulsuhan ko.

"Y-You're true." umiiyak niyang sabi na ikinataka ko pero may kung ano akong nararamdaman sa puso ko habang tinitingnan siyang umiiyak.

Pinisil pa niya ang kamay ko at dun lang ako natauhan. Inagaw ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at salubong ang kilay ko na tiningnan siya.

"Do I know you? At bakit mo ako tinawag na Miracle? At asawa mo?" naguguluhan kong tanong.

Nakita ko kung paano siya matigilan, "Y-You don't remember me?"

"Paano kita maaalala 'e hindi naman kita kilala?"

Natigilan siya at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa'kin pero bago pa ako makapag salita tungkol sa kalagayan niya ay bumukas ang pinto kaya napabaling ako. May pumasok na isang babae at isang lalake na nag-uusap habang may dalang prutas. Natigilan naman sila at napatingin sa'kin.

My Husband is GayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora