"I won." malimit kong saad.

"Yet you lost a lot of people."

"I can replace them."

Kumunot nag noo ko nang makita kong tumawa si Daddy. "Come on, Tyson. Maybe you lost because you became weak. You become just like your mother." He sighed. "I already know that you got someone pregnant. And to a damn bearer?" His tone was like he was mocking me. 

I put my hands under the table. My hands were shaking. 

"I'm afraid it was because of that da--"

"It wasn't because of him."

"Really? Pero bakit mo hinahanap?" May panunuyang tanong niya.

"I am after my children."

'Yan ang inuwan kong salita kay Daddy bago bumalik sa Pilipinas. Sumuko na ako sa paghahanap kay Cassidy at ang nasa utak ko lang noon ay ang mga anak ko na lang ang gusto kong makasama pero nang mahanap ko sila sa Sagada. Everything changed.

I saw how my children resented me. I saw how they hated me. It was like I was watching my old self, na galit na galit sa ama nila. Natakot ako. Natakot ako ng sobra na baka lumaki silang maging kagaya ko. But there's Cassidy. At alam ko na kapag nandyan siya hinding-hindi magiging kagaya sa akin ang mga anak namin.

Naging mahirap sa akin ang pagkuha sa loob ng mga anak ko. Talagang galit sila sa akin at kasalanan ko naman iyon. At handa naman akong tanggapin lahat ng galit nila sa akin. At laking pasalamat ko nang unti-unti nang bumukas ang puso nila sa akin.

Akala ko noon ang mga bata na kang talaga ang habol ko pero pati pala ang ama nila ay habol ko na rin. Akala ko ayaw ko na. Akala ko di na bubuksan pa ang puso ko ulit sa kanya pero nagkamali ako. Bukas naman pala iyon lagi sa kanya natatakpan lang ng pride ko at takot... takot na baka mangyari na naman ang nangyari dati; takot din dahil magkaiba ang mundo namin; takot na hindi na niya ako tanggapin; takot na kaya niyang wala ako; takot na baka wala na talaga... na hindi na niya ako mahal; takot na ako lang ang gusto siyang makasama.

Nasasaktan ako kapag nasa malapit ako sa kanya pero parang wala na ako sa kanya. Nasasaktan ako na kaya niyang ngumiti sa iba at pero sa akin hindi na. Nasasaktan ako na napaka komportable niya kay Pike at sa akin hindi. Nasasaktan ako na mas linagkakatiwalaan niya si Pike kaysa sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong kaya niyang ngumiti kahit wala ako, na kaya niyang maging masaya kahit wala ako. Nagseselos ako. Nagseselos ako ng sobra lalo na kay Pike. Pero anong nagagawa ko? Si Pike ang tumulong sa kanya. Si Pike ang naging sandalan niya noong panahon dapat sana ay ako. Sa mga pagtulak niya sa akin. Iyong pagkamuhi niya tinanggap ko lahat kasi dapat lang naman iyon. Naging pasensyoso ako at tiniis lahat dahil gusto ko. Dahil gusto kong maging akin ulit siya.

At nang makabalikan ulit kami. Pinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko ang pamilya ko. Hindi ako tutulad sa ama ko. Mamahalin ko sila at poprotektahan hanggang sa huling hininga ko.

Akala ko magiging maayos na ang lahat nang makasama na ulit kaming pamilya. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko si Daddy. At ayon nga muli na namang bumalik sa akin ang takot. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa pamilya ko. At nalaman ko pang siya pala ang may pakana sa lahat nang mga nangyaring ambush, sa pagbaril sa akin, simula nang magbalikan kami si Cassidy. It was his warning! Sa simula pa lang pinaikot niya lang ako sa palad niya. Akala ko nakawala na ako sa kanya pero tingin ko habang buhay na yata akong nakatali sa mga kamay ni Daddy.

"I will surrender everything to you, dad. Ibibigay ko ulit sayo ang pagiging Mafia Lord sa pamilya pero layuan mo na ang pamilya ko. Ayaw kong maranasan nila ang buhay na meron ako dati. Ayaw kong mabuhay sila sa dahas at puno ng gulo. Kaya ibabalik ko na sayo ang posisyon." Walang ka emo-emosyon kong saad. Wala na si Cassidy sa bahay ko nang makabalik ako. At hindi na ako manghuhula pa kung sino ang may pakana noon dahil ang taong nasa harap ang may pakana kaya umalis ulit si Cassidy.

 The Mafia Lord's Pet|✔Where stories live. Discover now