Chapter Three

12.9K 325 2
                                    

NAGULAT si Anniza nang bigla siyang hawakan ni Hanzen sa kanang braso at kinaladkad siya papasok sa stock room na ubod ng dilim. Ni-lock nito ang pinto. Saka siya nito pinakawalan.

“Anong ginagawa mo, hoy!” bulyaw niya rito. Hindi niya ito makita.

Kinapa-kapa niya ang dingding upang mahagip ang switch ng ilaw pero kamay nito ang nakapa niya. “How dare you! Let me out of here!” asik niya.

“Hindi ko hahalikan ang babae dahil lang napikon ako. Sabi nga ni Engr. Duellas, kailangan nating makilala ang isa’t-isa. So this is a good way,” anito.

Malapit lang ito sa kanya dahil nasasamyo niya ang mabangong hininga nito. “You’re crazy! Pambu-bully itong ginagawa mo, Hanzen!” naiiritang wika niya.

“Exactly, Anniza. Tingnan natin kung o-obra ang kaartehan mo sa akin,” pilyong wika nito.

Pinaglakbay niya ang mga kamay ngunit nakapa naman niya ang matigas na dibdib nito. “Ops, nanmumulisya ka,” anito.

“You, shet! Isusumbong kita sa Papa ko!” banta niya.

“Go ahead. Alam ng papa mo na hindi ko ito magagawa sa iyo.”

“Damn you! Bastard!” Pinagmumura na niya ito.

“Oh, I like the taste of your damn tongue. So yeah, Anniza,” pilyong sabi nito.

Akmang susugurin niya ito ngunit may kung anong malamig at malambot na bagay ang tumawid sa paa niya. Namanhid ang buong katawan niya. Kung hindi siya nagkakamali, daga ang dumaan sa paa niya! Ang pintig ng puso niya ay parang panapos na. Tumili siya ngunit naudlot nang biglang sakupin ng palad ni Hanzen ang bibig niya.

“Sssshh, behave,” saway nito.

May tumawid na naman sa paa niya. Pakiramdam niya’y hihimatayin na siya sa labis na hilakbot. Nang muling daanan ng bubuwit ang paa niya ay hindi na siya nakapagpigil. Hindi siya makatili pero napayakap siya ng mahigpit kay Hanzen. Wala na siyang pakialam kahit pa pagnasaan nito ang katawan niya. Umapak siya sa mga paa nito.

“Shet! Ang sakit ng takong ng sandals mo!” reklamo nito.

Natigilan siya nang maramdaman ang kamay nito na nakayapos sa baywang at balakang niya. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan. Ang dibdib niya’y tila tambol na pinapalo. Dinig niya ang tibok ng puso nito sapagkat mariing naglapat ang mga dibdib nila.

“S-sorry na…palabasin mo na ako, utang na loob…” umiiyak na samo niya.

“Wala ka namang kasalanan. This is my warm welcome for you,” pilyong sabi nito.

“Hindi ka nakakatuwa, Hanzen,” aniya ngunit hindi pa niya kayang kumawala sa mga bisig nito. Mas masarap nga namang yakapin ito kisa sa dagang tumatawid sa paa niya.

“Hindi kita binibigyan ng permiso para tawagin ako sa pangalan ko. May posisyon ako sa kompanyang ito para sa kaalaman mo, Miss. Montales,” matatag na sabi nito.

“Huh! Paano kita igagalang kung ganito ang pagtrato mo sa akin, Engr. Kurama?”

Pinakawalan siya nito. Binuksan na nito ang pinto at hinayaan siyang makalabas. Pagkuwa’y lumabas na rin ito. Animo’y santo na ito nang halos magkasabay silang naglalakad sa pasilyo ng Gatekeeper’s lodge. Hindi akalaing makakagawa ito ng kalokohan.

Paglabas nila ng lodge ay nasalubong naman nila ang Papa niya. Malapad ang ngiti nito nang makita sila. Nagulat siya nang makitang inakbayan ng papa niya si Hanzen na para bang magkaibigan lang ang mga ito.

“Kamusta naman ang anak ko, Hanz? Sumusunod ba siya sa iyo?” tanong ng Papa niya kay Hanzen.

“Ah, oo naman. Mukhang nag-e-enjoy naman siya dito,” tugon naman ni Hanzen.

Bartenders Series 7: Cordials (Complete) UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon