Naalala ko pa noon ang unang practice game niya, kabang kaba pa siya dahil sila Logan ang kalaban ng team niya. Nahati kasi sila sa dalawa and Josh felt really insecure and nervous, alam niya kasi kung paano si Logan sa court. They trained together. Kaya nga bago pa man mag simula ang parctice game, sinabihan ko na si Logan si Josh ang bibigyan ko ng full support because he needed it. Pagkatapos non ay nagkaroon naman ng confidence si Josh sa court, magaling siya. Mapapantayan na talaga niya si Logan but nagparaya nalang siya. Sabi nga niya,Logan deserved to be the captain, not him.

"When's the real game?" Tanong naman ni Rix.

"Intrams pa, ico-cover nga ng school paper ang buong week kaya busy ako ng buong linggong iyon" Jace was the one who answered.

"Gotta get my camera ready," He smirked.

"Dude, you should stop photographing cheerleaders in mid scorpion trick bago ka ma sita ng Student Council" Natatawang sabi ni Logan sa kanya.

"Nakita ko yung laman ng camera niya nung last intrams natin," Vini frowned upong remembering that certain day."Kaya naman pala dalawa ang dala mo gago ka! Yung isa para sa'yo at yung isa naman para sa paper" Binato siya ni Vini ng table napkin at saktong tumama ito sa mukha ni Jace.

I actually borrowed his camera that day at yung sa kanya yung naibigay niya. I browsed through the pictures and saw that it was full of pics ng cheerleaders doing their routine for the game, and some pics of the pep rally, at yung mga female candidates ng Bridgeway high pageant.

Jace got a mouthfull from Rixon because according to him, I was 'too young' to see those kind of pictures. Pero sa totoo ay live ko pang nakikita ang pag sayaw ng mga cheerleaders, wala naman siyang reklamo.

Nahihibang na kasi si Rix minsan, masyadong na overdose sa chlorine nung bata pa kami dahil sa masyado niyang mahal ang mga swimming pools. Kaya nag dalawang isip pa si Tita kung itutuloy pa ba nila ang paggawa ng swimming pool sa kanilang mansyon dahil kay Rix.

"Para namang hindi mo sila pinagnanasaan, wag kang mag malinis Master. It's okay to share your dirty mind sometimes, hinay hinay lang minsan kasi nandito si Cara" Tinawanan ni Jace si Vini which made him scowl. Kung wala siguro ako ay binato na niya ng tinidor si Jace. Yes, nangyari na iyon dati. Buti nalang ay naka ilag si Jace, he really likes to annoy people. Oh and nabato rin siya ng delata ng conrned beef ni Logan noong araw na iyon. He really got on everyone's nerves that day.

"Serioulsy dude, baka naman magkamali ka ng bigay ng memory card nyan" Logan said laying back on his seat. Tapos na siyang kumain.

"Sus hindi 'yan! Professional kaya ako!"

"Kailan pa naging 'Professional' ang pag p-photograph ng mga cheerleaders while they're doing their opened legged tricks?" I put air quotes on the professional part at tinaasan siya ng kilay. "I actually watch you during pep rallies, para kang tiger dahil sa bilis ng pag takbo mo from the other side of the field to the other and para karing meercat because palagi kang alert tuwing nagtatalunan na ang mga cheerleaders"

Bigla namang tumawa ng malakas si Rix kaya pahat kami ay napa tingin sa kanya.

"I'm sorry," He said in between laughs. "I just remembered the reason why she watches pep rallies"

Napangisi naman si Vini sa sinabi ni Rix and the boys smiled.

I admit, I watch pep rallies cause I enjoy seeing Natasha and the other girls fall while doing their routine. Alam kong masama iyon, my inner bitch just can't help it. I'm not really a good girl, may parte lang akong ganon. Civil lang kami minsan, minsan, but that doesn't mean na hindi ko gustong makita na nahihirapan siya. Nung second year kami nalaglag siya, she wasn't the captain at that time kaya hindi pa ganon kataas ang pwesto niya sa pyramid nila, but she claimed that her leg was broken after the fall. A part of me was happy and I actually questioned myself for it. A week later I found out from Bommie that Natasha faked it, her leg was totally fine. She only did that cause Vini was there.

And Vini was freaking standing right next to me.

She wanted to get sympathy but too bad hindi niya ito nakuha sa taong inaasahan niya. Vini doesn't give a fuck kung nalaglag pa siya sa mas mataas na part ng pyramid na iyon. Actually, after that whole fall scene inaya lang ako ni Vini na mag merienda dahil tapos na rin naman sina Josh at Logan sa activities nila, totally oblivous to what happened.

Hindi man lang niya napansin na yung babaeng paty na patay sa kanya ay nagpalaglag na sa pyramid para makuha lang ang atensyon niya. It was actually quite funny, but hindi ko iyon binanggit sa kanya.

      Natapos na kaming kumain, I announced na uuwi muna ako much to Vini's protest. Kailangan kong maligo ang wear proper clothes, which reminds me, I gotta stock more of my clothes in his closet. Puro tank top and shorts lng ang naroon. I texted Tita Liane na maayos na ang lagay bg anak niya and then Lee to tell him about his brother's situation. Hindi naman ako nag e-expect ng reply sa kanya but when I got a 'thank you' halos tumigil na ang mundo ko. Damn.

I gripped my phone and went out of the house, tinakbo ko lang papunta sa bahay nila Vini. Sanay na ako sa layo ng agwat ng bahay sa isa't isa kaya ayos lang naman sa akin ang mag lakad. Tinahak ko ang mahabang drive way ng mansyon ng mga Delevinge, greeting the maids as I pass by.

"They won't leave!" Salubong sa akin ni Vini na para bang batang nagsusumbong. He was holding the remote, still clad in his sweatpants from last night at ang sama ng tingin niya sa apat na ngayon ay okupado ang sofa.

Nauna akong umuwi kanina and they told me aalis rin sila. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa mga lalaking 'to. Gang daw sila e para ngang mga bata. Nang t-trip lang ata tong mga 'to.

"Guys, give the sick man his space" I ushered them out. "Sa ibang araw nalang kayong manggulo"

"Awww you're such a kill joy baby C" Josh pouts and I rolled my eyes at him.

"Don't make the situation worse Joshie, you know how he is when he's sick"

Ngumiti naman si Josh. "I know, he's like a kid who needs attention specially from you"

Ganon nga siya though hindi ko naman madalas iyon masilayan dahil tuwing may sakit siya ay ayaw niyang mag stay dito sa mansyon nila.

"HQ later?" Logan raised a brow at me.

"If he allows me to leave, kagabi ay halos ayaw na niyang bumitaw sa akin" Ngumiti nalang ako and blew them kisses nang umalis sila. Pumasok na ulit ako, Vini was still watching tv. It's on some show on ETC.

Naalala ko bigla si Ethan, and speaking of him, nakatanggap ako ng text sa kanya kanina but hindi ko na binuksan. He won't mind if I take time to reply.

"Hey Cal," tinapik ni Vini ang tabi niya kaya umupo ako.

The Gang's Prized PossessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora