Natatawa ko siyang tinulak sa braso pero napangiwi ako nang hinampas-hampas niya ulit ako.

"Aray ko naman..." reklamo ko na.

Nagulat ako nang hawakan ni Ral ang braso ko at hinila patayo. 'Yong hangin na lang tuloy ang hinampas-hampas ni Maila para lang mailabas ang kilig. Napailing na lang ako at sumunod kay Ral na lumiipat sa katapat naming kalsada para maupo.

"Ilan na ang nakolekta niyong CD?" I asked him.

Tumingin siya sa kalawan at tila nag-isip. "I'm not sure. Naghahanap din yata sila."

"Ba't hindi ka sumama sa kanila na maghanap?"

Humaba ang nguso niya nang humarap sa akin. "I've already donated 500 CDs."

Nanlaki ang mata ko. "500 na CD? Sa'n mo naman kinuha iyon?!"

"Uh, kung saan-saan lang..."

"Kung saan-saan lang? E, napunta na nga tayo sa kung saan-saan, hindi pa yata tayo naka-limang daan!"

Ngumiti lang siya. 

Bandang alas sais na rin kami natapos at nasa 300 lang ang nakuha namin. Okay na rin. Hindi lang naman kami ang naghahanap, e.

"Ingat kayo, ah," sabi ko sa mga kaklase bago kami maghiwa-hiwalay.

Kaming dalawa ni Raghnall ang naiwang magkasama nang nakaalis na ang apat kong kaklase dala ang sako. Magkaiba kasi ang direksyon ng bahay namin kaya hindi ako makasabay sa kanila.

I looked at Raghnall who was already staring at me as though he was just waiting for me to talk to him.

"Umuwi ka na. May pupuntahan pa ako."

"Saan?"

"Basta."

Nagsimula na akong maglakad pero nakasunod na naman siya na parang aso. Napahawak ako sa tiyan nang maramdamang kumukulo na ito.

"Jollibee tayo? Libre ko."

Jollibee at libre. Kapag pinagsama, parang jackpot sa lottery sa pandinig ko. Pero kahit ganoon, umiling pa rin ako. 

Pagod na ang utak ko sa kaiisip kung ano ba ang dapat kong gawin sa lalaking ito. Ilang ulit ko ring sinasabi sa sarili na ginagawa niya lang ito para mawala ang bigat sa konsensiya niya. Wala siyang sinabi na ginagawa niya ito para patawarin ko siya dahil una sa lahat, hindi naman niya hinihingi ang kapatawaran ko mula sa mga ginawa niya.

Hindi ako mapagtanim ng galit. I didn't want anger to fully bloom in my heart because it was just a waste of time. Oo, may nararamdaman akong galit para kay Raghnall... pero hindi ba't, ganoon din naman ang naramdaman ko noon sa tuwing sinasaktan ako ng mga kapatid ko?

Nasanay lang kaya hindi ko na magawang magalit pa. Wala namang nagagawa ang galit ko sa kanila. Pamilya ko pa rin sila. Kadugo. Kaya kahit ano ang gawin nila, patuloy ko lang din silang patatawarin kahit hindi nila hingiin.

Tapos si Raghnall... na mas marami pang nagawang maganda para sa akin, ang tagal ko namang patawarin? Bakit mas mahirap para sa akin na gawin iyon kapag siya? Bakit mas matagal maghilom ang sugat na itinamo niya sa puso ko kumpara sa mga iniwang marka ng sarili kong kadugo?

"Dadalawin mo ang Papa mo?"

Nilingon ko siya nang narinig ang tanong. His eyes were unreadable.

"Alam ko na... wala na ang Papa mo," marahang usal niya.

I smiled bitterly. Si Eden lang ang nakakaalam na wala na si Papa. Kahit ang mga malapit kong kaibigan sa dating school na sina Wayden, Ryan, at Easton, walang alam tungkol sa pagkawala ni Papa.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon