Chapter 17

66 12 9
                                    

Chapter 17

I remember everything, every single detail. Kung anong nangyari saakin at kung ano ang mga narinig ko sakanila. Naalala ko lahat, lahat lahat na kahit sa pagtulog ko ay kaya kong sabihin ang bawat detalye.

I remember everything but chose not to speak about it. Tinalikuran ko ang takot at pangamba ko sa nangyari. Umalis ako ng walang pinakikinggan kundi ang sariling desisyon.

Everything was a mess when I came back. Lahat, pati ang pamilya ko. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung bakit ganoon sila, kung bakit nila sinisisi ang mga sarili nila pero sa galit ko... sa sama ng loob ay ni isa sakanila'y wala akong pinakinggan.

Naalala ko ang lahat pero pinilit ko ang sarili na magkunwaring walang alam. Magkunwaring ayos lang matapos akong matagpuang duguan, bugbog, at walang malay na nakasilid sa isang itim na garbage bag.

My grandparents, my mother's parents were so mad. Tulala lang ako at hindi nagsasalita nang magkagulo sila.

I gathered all my strength just to agree with their conditions. They wanted me to come with them... and I said yes... habang nakatitig sa mga mata ng mga magulang ko. Pumayag ako, kasi baka doon... kaya nila akong protektahan, baka doon... ay maibibigay nila ang mga pangangailangan ko.

I was traumatized. Kahit gusto nilang malaman ang may kagagawan nito saakin ay hindi nila magawang malaman dahil wala silang naririnig mula saakin.

Kung magsasalita ako ay baka ikapahamak lang nila... iyon ang nasa isipan ko. Malungkot akong napangiti. Hanggang dito ba naman ay sila pa rin ang iniisip ko? Kailan ko ba maiisip ang sarili ko?

My parents tried everything they could to give me justice. I don't need that...

Wala silang nagawa nang pumayag akong sumama kina Lola. Ganoon pa man, mas naging miserable ang buhay ko doon sa mga unang buwan.

Hindi ako lumalabas ng silid. Hindi kumakain ng maayos at kahit sa pagtulog ay dinadalaw ng bangungot.

"Ray..." I continued crying inside the bathroom. Even though I'm injured, I don't care anymore. Hindi nila ako napilit na manatili sa hospital kahit kinakailangan, kasi sa isip ko... talo ako kapag nanatili ako roon... talong talo ako kapag sinayang ko ang mga oras ko nang nakahiga lang doon.

Hindi lumipas ang mga araw at agad sumunod ang Papa ko. Si Pero kailanman ay hindi ako nagpapakita sakanila. Si Mama at ang mga kapatid ko ay sumama, maliban kay Papa na minsan ay pabalik balik sa Pilipinas.

I looked around my room. It's far different from my room before. Walang kahit anong gamit doon maliban sa maliit na kutson na may mga unan at kumot pati na rin ang maliit na carpet. At ang mga gamit ko ay nasa maleta lang...

Wala silang nagawa nang ipaalis ko ang mga gamit doon. Wala ring nagawa ang magulang ko kundi ang tanggapin ang mga binabalik kong bagong bili na gamit na para sana saakin.

I closed my eyes tightly. Tuwing alas diyes ng gabi, inaasahan ng lahat na tulog na ako. Kaya sa ganoong oras, walang palya at palaging nasa tamang oras ay may pumapasok para tignan ako. 

Talagang ibang iba sa nakagawian noon. Noon ni isa ay walang pumapasok ng kwarto ko.

Hindi ako gumalaw nang maramdaman ko ang paghaplos sa buhok ko.

I clenched my fist when I recognized his presence. Just everytime I hear that he's here, walang palya ang pagpasok niya sa kwarto ko.

Mas lalo akong nagagalit sa sarili tuwing nandiyan siya... sleeping becomes so easy for me when he's right there, sitting on the floor.

If I Was Gone Where stories live. Discover now