Tinanggal na nila ang piring ko pero may busal pa rin sa bibig. Hindi ko rin magawang matulog dahil baka may kung anong gawin sila saakin. Sa ganitong oras naman, abala lang sila sa paglalaro ng baraha at paninigarilyo.

"Madayang kang putang ina ka! Inuubos mo ang pera ko! Ayoko na!" Sabay tawanan ng ilan.

"Hindi ka kasi marunong! Ako na nga!" Bago pinalitan ng isa pa. Ang isa naman ay padabog na tumayo dala ang sigarilyo palabas.

"Huwag nga kayong magmura! Naririnig kayo ng bata! Tangina niyo!" Bago sila nagtinginan saakin.

I looked away.

"Hoy! Matulog kana!" Saad nila saakin.

Lumipas lang ang oras at nagpatuloy sila sa paglalaro. Wala akong balak na sundin sila sa pagtulog pero dahil sa pagod ay nakatulog din ako, hindi lang din nagtagal at muling nagising dahil naman sa gutom.

Mukha naman silang mababait, dahil paggising ko ay saka nila ako binigyan ng pagkain.

"Kain ka muna!" Pasigaw pa rin nilang saad saakin. Ayos lang kung sigawan nila ako basta hindi saktan, ayos lang din kung manigarilyo sila sa harap ko kahit na nauubo na ako sa usok nito, basta lang huwag nila akong lalapastanganin. At ngayon ko lang din napagtanto... na ayos lang na ako ang nakuha, huwag lang si Ada o si Silas... dahil naging mabuti naman sila saakin.

Kumain ako nang nakatali lang ang mga paa ko at panandalian nilang tinanggal ang sa pulso ko.

"Tubig?" Tanong ng isang binatilyo na pinakabata sakanila at ang pinaka tahimik din. Hindi naninigarilyo at hindi nagsusugal. Nanonood lang ito at siya ang palaging nauutusan na magbantay at magpakain saakin.

"O-Oo sana..." He nodded and get up to get me a water and comes back to hand me one.

"Salamat..." He nodded before he turns his back on me.

Anong plano nila? Nag-umaga nalang at muling naggabi na ganoon lang ang ginagawa nila. Kung hindi naglalaro ay nagkukwentuhan lamang. Parang walang plano at mukhang naghahantay lang din ng utos sakanila. Kung wala silang alam sa motibo, paano pa ako? Hindi ba?

Tahimik lang ang binatilyo sa sulok. Mukhang malalim ang iniisip. Napabuntong hininga ako. Sa kanilang apat, kahit na walang ginagawang masama saakin ang tatlo, sa binatilyong iyon lang ako  mayroong pag-asa na matulungan sa pag-alis dito.

"Hey," Tawag ko.

"Kuya!" Sitsit ko dito. He looked at me but before he could walk towards me, tinawag na siya ng isa pang mas matanda sakaniya.

"Hoy bata!" Mukhang hindi pa alam ang pangalan ng lalaki. Muli itong bumaling saakin at hesitant pa nang magtungo sa tumatawag sakaniya kaya tumango lang ako para sundin niya na ito.

"Hoy!" Napapikit ako nang batukan ito ng lalaki.

"Gago ka! Bakit hindi mo binalik ang busal nung batang iyon?!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi nito.

"Wala naman siyang ginagawang iba,"

"Eh paano kung mayroon?!" Napayuko ito.

"Binabantayan ko naman." Umiling ito at tinulak ang noo para mag-angat ng tingin.

"Sumasagot sagot ka pa diyan! Oh siya! Sunduin mo sa labasan si Ben!" Ang binatilyo ay muling tumingin saakin mukhang hesitant na sundin ang lalaki.

"Ako na ang magbabalik ng busal diyan!" Tumango lang ito.

Nang umalis ang lalaki para sundin ang inuutos nito ay siyang paglapit ng isa pa para ibalik ang busal ko.

"Hmp!" Napaiwas ako ng biglain niya ang pagtali sa bibig ko.

If I Was Gone Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu