"Anong pinagsasabi mo jan, Cedric Alonzo! Anong mga tingin? Anong baka magustuhan? Nababaliw ka ba? Ngayon ko lang nakilala yung lalaking yun, ngayon ko lang sya nakita tapos sasabihin mo sakin baka nagustuhan ko na sya? Baliw ka ba?" Pagalit na sabi ko narin sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nya sinasabi sakin ang mga eto.


"Bakit? Impossible ba yun? Ganun din naman ako diba? Una palang kitang makita alam ko nang gusto kita so alam ko Jamie! Alam kong pwede yun! Sinasabi ko sayo Jamie! Hindi pupwede! Sa tingin mo ba hindi ko nahahalata sa kung paano ka titigan ng mokong nayun. Parehas kami ng tingin,  Jamie! Sinasabi ko na sayo may gusto sayo yun at gusto ka nyang kunin sakin! Hindi pwede! Hinding hindi ka pupwedeng magkagusto sa iba dahil akin ka na! Ako na yung boyfriend mo kaya hindi ka na pupwede magmahal pa ng iba! Ni tumingin or makipagusap sa ibang lalaki na alam kong pupwedeng umagaw sayo sakin, hindi na pupwede! Naiintidihan mo, Jamie!" Hindi ko na gusto yung mga naririnig ko kay Cid. Pinipigilan ko yung sarili ko na huwag ma trigger sa mga pinagsasabi nya sakin ngayon.

"Ser...yoso ka ba sa mga sinasabi mo sakin, Cid?". I tried my best not to lose it while saying this word. My breathes are starting to be shallow.

"Sumagot ka Jamie! Tinatanong kita! Naiintidihan mo ba!" This time sinigawan nya na ako.

"Cid!" Sinigawan ko na din sya.

"Bakit hindi ka makasagot sa tinatanong ko! Bakit Jamie? Hindi ka ba makapangako sakin na ako lang! Bakit! Talaga bang malaki yung naging impact nya sayo? Love at first sight ba tulad ko? Sinasabi ko sayo Jamie! Makakapatay ako ng tao, pag pinili mo sya Jamie! Hindi man kita masaktan dahil narin sa mahal kita pero walang pipigil sakin na kahit ano para kantiin ang taong aagaw sayo sakin! Kaya Jamie! Ngayon din! Sagutin mo ang tanong ko! Ako lang diba? Ako lang diba?" Dito mas lalong humidity yung hawak nya sakin. Ibang iba ang Cid na nakikita ko ngayon sa Cid na minahal ko.


Hindi sya ito! Hindi si Cid ito!

"Cid, Bitaman mo ko!" Sabi ko sa kanya pero parang wala syang pakialam kahit nasasaktan ako.

"Sumagot ka, Jamie!" Sigaw ulit nya sakin.

Mahirap man pero pinilit kong alisin yung pagkakahawak sakin ni Cid at itulak sya. Ayoko neto! Hindi ko kaya ito! Hindi ko na sya sinagot, agad agad kong tinanggal yung seatbelt ko. Tsaka ako lumabas ng kotse nya. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko kaso hindi sya agad nakapag react eh.

Nakalabas na ko ng tuluyan sa sasakyan nya. Dito rin tuluyang lumabas yung mga luhang kanina ko pa pinipigilang hindi lumabas.

"Please, Bitawan mo ko! Please! Tama na! Tama na! Nasasaktan na ko! Mama! Please! Stop! Stop! Ayoko na! Please! Please! Please"


Napapikit nalang ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ilang mga memory kasi yung bumalik sakin. Sobrang sakit na pakiramdam ko, unti unti hinahati yung puso ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad palayo! Hindi ko alam kung saan ako papunta! Wala din akong alam if nasa gilid ako ng high way ngayon, naglalakad magisa at umiiyak.


Sobrang nasasaktan ako. Ano bang ginawa ko para maging deserving sa ganito! Bakit! Bakit!


Patuloy lang akong naglalakad ng magulat ako, kasi may biglang yumakap sakin mula sa likod. Alam ko ito! Kilalang kilala ko ang yakap na ito.

Cid POV

Parang binuhusan ako nang malamig na tubig nang marealize ko kung ano yung nagawa ko. Pucha naman Cid oh! Hindi mo na naman na pigilan yung sarili mo.

Ilang minuto din siguro akong nakatulala lang after ako itulak ni Jamie. Alam kong mali ako sa nagawa ko! Alam kong napasobra yung naging reaction ko! Dapat ay kinausap ko sya ng maayos! Punyetang bibig ko naman kasi na ito eh! Kung ano ano yung lumalabas. Para akong nawala sa sarili ko kanina.


Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon