Natawa lang si Yvonne habang ako sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Anyways okay sige I research natin..." Sabi ni Connie then nagstart na syang magcliclick sa cellphone nya.

"Oh, eto na! Being dominant is a personality trait of having a decisive role in the relationship. The dominant partner in relationships holds the control, and they sanction most of the ongoings of the relationship. Sa nakikita kasi namin ngayon! Sobrang nakadepende sayo yung relasyon ninyong dalawa. Laging si Cid ang nagaadjust for you. Nakikita namin na ang priority ni Cid ay yung makita ka laging masaya kaya kahit hindi sya sanay ay pinipilit nya parin magadjust at magcomply lang sa mga gusto mo. Ayaw nya kasi na makita kang nahihirapan or nalulungkot."


"Oo nga friend! Tama si Connie. Don't get us wrong ahh, pero na try mo na ba na mas iopen yung sarili mo para sa adjustment, like meet Cid in the end. Alam namin na this is your first relationship pero hindi ba dapat hindi hadlang yun sa kung paano mo ihahandle yung relasyon mo with him. Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Cid eh, pero hindi ka ba natatakot na mawala sya sayo dahil lang sa mga bagay na yan? Jamie, alam kong bago lang sayo ang lahat pero sana matutuhan mo din na ang relasyon nyo ay hindi lamang puro sayo lamang,  a masaya ka lamang. Dapat matuto kadin na magadjust para sa ikakasaya ng partner mo. Yan ang laging nakikita ko sa parents ko. They compromise kaya tingnan mo naman sila ngayon. Matagal na sila pero sobra parin yung pagmamahal na meron sila. Grabe din kasi yung respeto nila para sa isat isa. Mahal na mahal ka ni Cid, kaya sana wag masayang yung nasimulan nyo na dahil lang sa hindi ka nakapagbigay. Sayang friend! Sayang talaga"




My friends already left me kasi may need pa dae silang puntahan. Aaminin ko, sobrang tinamaan ako sa mga sinabi nila Yvonne sakin. Aminado naman ako na malaki talaga yung kakulangan ko bilang boyfriend ni Cid. I'm trying my best to adjust naman. Hindi rin madali sakin ang mga pagbabago na ito lalo nat noon, pinangako ko na sa sarili ko na hindi hindi ako papasok sa ganito.

Pero nandito na ko eh! At hindi ko pinagsisisihan ang naging decision ko because for me? Letting Cid come into my life is the best decision of them all. Siguro kailangan ko lang talagang magbago pa at matutong wag puro feelings ko yung iniisip ko.

Mahal ko si Cid kaya pinapangako na gagawin ko ang lahat para magtagal kami.

Medyo lumalalim na pala yung iniisip ko, hindi ko kasi napansin na may tao na pala sa harap ko.

"Hi!" He said.

Medyo nagtaka naman ako kasi bakit bigla nalang nya akong nilapitan at binati. Pero dahil ayoko namang mahing rude, hinayaan ko nalang. Tumayo ako sa kinauupuan ko para kausapin ang taong nag Hi sakin ng maayos.

"Hello? Bakit po? May kailangan po ba kayo sakin?" I asked him.


"Ahh wala naman, napansin ko kasi na magisa ka! May iniitay ka ba?" Nakangiti sya neto habang tinatanong ako.



"Ahh oo, yung..." hindi nya ko pinatapos

"Kaibigan mo ba? Ako nga pala si Mike. 2nd year, Psychology Student! How about you?" He asked me. Mas lalo akong nagtaka kasi kung bakit bigla syang nagpapakilala sakin.

"Ahh 3rd year naman ako. IT Student!" I didn't bother saying my name? Why? Wala lang! Ayoko lang!

"Oh! Kaya pala hindi ka familiar sakin. As you can see malapit sa Building namin etong Garden na ito. Medyo madalas ako dito pero ngayon palang kita nakita dito. Sorry if you may find this offensive or so fast pero pwede ba kitang mas makilala." Halata sa kanya na nahihiya sya. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking eto pero naiilang na talaga ako. I started to look around.

Cid! Asan ka na ba! Bakit ang tagal tagal mo!

"Ahh may hinahanap ka ba? Naiilang? Sorry ah! Actually, hindi ko rin alam kung anong meron sayo pero simula nung nakita kita kanina, gusto ko na agad magpakilala sayo. It is only if it's okay with you!" Nakangiti sya nito habang sinasabi sakin.

"Ah eh..." Hindi ko alam kung paano sya irereject ng maayos! Ayoko din kasing nakasakit ng damdamin ng iba tao eh.

"Hindi mo pa pala nasasabi name mo? Again, ako nga pala si Mike! Mike Sy. Filipino-Chinese." Inilahad nya pa yung kamay nya para siguro magkamay kami.

Tinitigan nya ako nito, then pagtingin ko din sa likod nya. Nakita kong may group ng mga lalaki na nakatingin samin. Mukha silang kaibigan ng lalaking eto. Mukha kasi silang anticipated sa mga susunod na mangyayari samin. Wala tuloy akong choice kung hindi Ilahad nadin yung kamay ko para makipagkamay sa kanya. Ayoko lang talaga syang mapahiya sa mga nakikita at nakakarinig samin.

"I'm..." Sasabihin ko sana yung name ko pero hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ko ng biglang may sigaw akong narinig mula sa di kalayuan.

"Jameson Sandoval!" Agad agad kong tiningnan kung sino yung nagsalita kahit may idea naman na ako kung sino ito.

Nagsimula tuloy akong kabahan dahil narin sa mukhang ng lalaking nakatingin samin.


Patay!

Isang nanlilisik sa galit na Cid ang mabilis na lumakad papalapit samin. Pagdating nya sa tabi ko ay agad agad nyang inagaw yung kamay ko mula dun sa lalaki then hinatak ako papalapit sa tabi nya.

"Ikaw! Kung sino ka man! Ayoko ko nang makikitang kakausapin ni titingnan mo yung boyfriend ko ah! Wala akong paki alam kung sino ka or sang angkan ka nanggaling. Pag nakita kong kinausap o tiningnan mo ulit si Jamie, mapapatay talaga kita!" Galit na galit na sabi ni Cid.

Mukhang aangal pa sana yung lalaki pero hindi nya na nagawa kasi muling nagsalita si Cid.

"At kung talagang malakas ang loob mo at susubukin mo paring subukan ang pasensya ko. Sinasabi ko sayo, kilalanin mo muna kung sino ang babanggain mo! My name si Cid! Cedric  Alonzo! Iresearch mo muna kung sino ako then pag malakas pa rin loob mo tsaka tayo magharap ulit! Gago!" Pagalit na sabi ni Cid, tsaka sya tumingin sakin. Hindi naman pagalit pero blanko! Blanko yung mukha nya na mas lalo kong ikinabahala.

Ayokong ganito sya sakin!

"Lets go!" Yan ang sabi nya then tsaka sya nagsimulang hatakin ako. Hindi ko na nakita yung mukha ng lalaki kasi sobrang bilis ni Cid maglakad at hatakin ako. Medyo masakit na nga yung pagkakahawak nya eh.


"Cid, Wait! Let's talk! Cid! Dahan dahan lang! Cid! Love! Love!" Patuloy ako sa pagtawag sa kanya pero parang hindi nya ko naririnig.


Patuloy lang sya sa paghatak sakin hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya.

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now