"Kahit kelan talaga etong si Cid, minsan may pagkaweird din talaga eh noh! Kelan pa naging kasiya siya ang panoorin ang mukha ko?" Sabi ni Jamie sa sarili. Gustuhin man nyang sitahin pa si Cid sa kagustuhan nito pero alam naman nyang hindi sya mananalo.

Napabuntong hindi ulit si Jamie then tiningnan nya si Cid.

"Okay! Okay! If that is what you want then its Okay! Ay nako talaga, minsan hindi ko maintidihan nga trip mo aa buhay!" Sabi ni Jamie, na sobrang nagpasaya at nagpatawa naman kay Cid.

"Hahaha pero mahal mo naman!  Mahal n naman ako di ba?" Masayang tanong ni Cid kay Jamie.

"Oo na po, kahit weird ka!" Sagot naman ni Jamie.

"Hahaha don't call me weird, Love! I'm just stating the fact! I'd rather watch you than anything else. Alam kong mas mageenjoy pa ko!"  Jamie can only roll his eyes pagkatapos marinig ung banat nanaman ni Cid.

Jamie grab the remote control then face at the big screen again.

"Ay nako, makapanood na nga lang!" Sabi ni Jamie. Cid just chuckles!

"Sige lang! Tawa ka lang! Masaya ka jan eh!" Then ayun nga nagsimula ng manonood ulit si Jamie, habang ayun si Cid. Nagpatuloy din sa panood sa kanya.

Ang posisyon nila ngayon ay ganito. Nakaupo si Cid ng diretso sa sofa habang si Jamie naman ay tila nakahiga ang kalahating parte ng katawan nya sa lap ni Cid. Patuloy lang sa panood si Jamie, habang kumakain ng mga snacks na nasa harap nya. Yung isang kamay ni Cid ay nakayakap kay Jamie, habang ang isa naman ay busy sa paghaplos sa buhok nito. Patuloy lang sa pagtitig si Cid kay Jamie. Minsan napapangiti sya pag nakikita kung paano maging masaya ni Jamie sa mga scene na napapanood nya. Ganun din pagito ay nagagalit.

"Ano ba yan! Ang tanga tanga naman ng couple na yan! Bakit pa nila kailangang maghiwalay kung nagmamahalan naman sila! Hindi na ba talaga sapat yung pagmamahal ngayon para ipaglaban nila ang isat isa! Grabe para silang mga baliw! Para silang naglalaro ng taguan! Kung mahal mo, Go! Ay nako kayo! Nakakairita na ahh!" Galit na komento ni Jamie na mas lalong nagpatawa kay Cid ngunit wala sounds kasi ayaw nyang makita ni Jamie na natatawa sya. Baka magalit din sa ito sa kanya pag nagkataon.

Sobrang dalang dala si Jamie sa mga napapanood nya. Siguro sa gabing iyon ay nakadalawang movie sila ni Cid. Isang tagalog love story, tapos dalawang English. Paminsan minsan ay sumisilip din si Cid sa mga pinapanood nila, lalo na itong huling movie na pinanood nila. Nakita nya kasi kung gaano nadadala si Jamie.

"Love, tapos na..." Kakatapos lang nung huli nilang pinapanood, tatanungin sana ni Cid si Jamie kung gusto pa nitong manood ng isa pa pero hindi nito natapos ang kanyang pagtatanong ng makita nyang nakatulog na pala si Jamie.

"Ang love ko talaga! Ang sabi nya sakin kanina, kayang kaya nyang manood hanggang sa limang palabas, pero ano sya ngayon! Tulog na tulog!" Pabirong sabi ni Cid habang pinagmamasdan si Jamie.

Agad agad din nyang inayos ng bahagya si Jamie para kanya itong kargahin at dalin sa kanyang silid para mas makapagpahinga ito ng maayos.

Nang makapasok si Cid at Jamie sa kwarto, ay agad nyang inihiga ang tulog na tulog na nobyo.

"Thank you, Cid! Thank you talaga! Mahal kita!" Hindi maiwasang hindi matuwa ng sobra ni Cid sa mga narinig na wika ni Jaime habang ito ay natutulog.

Matapos nyang maihiga si Jamie, ay umupo ito sa tabi ng kasintahan para sandali ito pagmasdan. Hinawakan ni Cid yung mukha ni Jamie tsaka ito sinimulang haplos haplosin.

"Jaime! Mahal na Mahal din kita! Higit pa sa akala mo at sa akala kong kayang kong ibigay! Maski ako nagugulat sa sarili ko sa mga pinaggagawa ko pero para sayo! Kaya kong gawin ang lahat, hindi mo kailan man kailangang magpasalamat sakin dahil sa katotohanan, ako dapat ang nagpapasalamat sa iyo. Dahil sa pagdating mo, nagkaroon ng purpose ang buhay ko. Nagkaroon ng kulay ang magulo at walang direkyon kong pagkatao. Hindi ko na alam kung ano ako pag nawala ka. Lagi mong sinasabi na hindi mo alam if deserve mo yung isang katulad ko dahil narin sa mga bagay na kaya kong ibigay sayo. Mali ka, Love! Maling mali ka dahil ang katotohanan ay ako yung hindi sigurado if deserve ko ba ang isang katulad mo. Pero wala na akong pakialam kung deserve man ako or hindi kasi isa ang alam ko! Ikaw at ako ay iisa! Ikaw ay akin! Ako ay iyo lamang! Tinaga ko na sa pinakamatibay na bato na walang sino man ang makakaagaw sayo mula sa akin. Ayoko ko mang bumalik sa dating ako pero ipinapangako! Sa oras na may magmagtangkang umagaw sayo sa akin! Babalik at babalik talaga ako sa dating ako. Ayokong mangyari yun, hindi dahil sa takot ako sa kung kanino, ngunit dahil ito sa hindi ko alam kung anong magiging reaction mo pag nakita mo iyon. Yung mga pinapakita ko sayo na medyo maitim na ugali ko ay wala pa yun sa dating ako. Ayoko ko nang bumalik sa dati mahal ko. Kaya sana! Sana habang buhay na akin ka at pinapangako ko sayo! Iyong iyo lang ako! Iyong iyo, mahal ko!" Ito ang mga katagang sinabi ni Cid habang natutulog si Jamie.

Ngumiti si Cid pagkatapos habang pinagmamasdan nya si Jamie. Then tsaka nya ito binigyan ng isang madiin na halik ito sa noo at sa pingi.

"Mahal na mahal kita, Love! Mahal na mahal!" Sabi ni Cid, bago sya tuluyang tumayo sa kinauupuan nya at lumabas ng kwarto.

Hindi nya pwedeng samantalahin ang sitwasyon. Nangako sya kay Jamie na igagalang nya ito. Hindi nya maaaring tabihan si Jamie ng wala itong pahintulot. Kahit noong nagcelebrate sila ng kanilang unang anniversary ay magkahiwalay silang natulog aa magkaibang kwarto. Niloloko nya lang noon si Jamie nasa iisang kwarto sila.

Hinding hindi nya sisirain ang tiwala ni Jamie sa kanya! Hinding hindi!

Tuluyan ng nakalabas si Cid, habang si Jamie naman ay biglang napangiti habang natutulog. Wari'y napaka ganda ng panaginip neto.

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now