~Chapter 3~

2 2 0
                                    

~Chapter 3~

"Wala na talagang pag-asa."naiiyak na saad ni zaila at akmang luluhod. Aakay din sana si scarlet na nasa kaliwa ko ng bigla akong magsalita.

"Baka nakalimutan niyong nakalipad tayo? Take one step and you'll fall. Di ko na kayo sasaluin." prenteng saad ko.

"Wahhh grabi ka naman oh nagbibiro laang. Ayoko namang mahulog ng walang sasalo noh masakit kaya yun. At kung sakali mang mahuhulog ako dapat isa man lang sa magigiting at guwapong manlalaro ang sasalo sakin katulad nina paris at swon. Nang sa ganun mapanatag ang loob ko. Sasaluin nila ako na pang bridal style at sa aking  pagtingala aksidente nagtagpo ang aming mga mata. He lean closer and I close my eyes, waiting for his lips to touch mine and in seconds we ki----"

"Whose paris and swon?" putol ni scarlet sa nangangarap na si zaila. As expected from scarlet na di marunong makiramdam sa paligid. She erupt both dark and happy atmosphere. Katulad nung kanina sa canteen at ngayon.

"Naman eh! Gurl, sinira mo imagination ko." inis na saad ni zaila wearing her maldita expression. Nagtutunog tuloy siyang wanna-be-girl na katulad nina  autumn.

"Ay gome, gomenasai. But I'm really curious  whose that paris and swon. It sounds familiar especially Paris. Are they popular?" biglang hinhin na saad ni scarlet.   Napailing ako. Guess nasa lahi na talaga namin ang pagiging bipolar.

"Of course! Hindi lang popular kundi really really popular talaga! Naku pag nakita mo lang sila makalaglag pant---"

Di natuloy ang sasabihin ni zaila ng biglang
may sumigaw sa ibaba galing sa soccer field.  Andito na pala kami.

"Mystic!!!!!"

Agad napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng sigaw.

"Oh my god! Oh my god! Ayan sila! Sila yung tinutukoy ko! Look!" biglang hinila ni zaila ang kamay ni scarlet at pinatingin ito ng maigi sa kinaroroonan ng soccer sports team. Muntik ko nang mabitiwan si scarlet dahil sa ginawang iyon ni zaila buti agad ko nahawakan.

"Mystic!!!" ulit na sigaw ni  paris nang makababa kami habang nakalahad ang dalawa nitong kamay at tumatakbo papunta sa gawi ko.

Agad kong hinarang ang aking kamay sa harapan which lands perfectly on his face kaya di natuloy ang balak niyang pagyakap sakin.

"Bobo ka parin sa pronunciation paris, as usual." walang emosyon kong sabi habang tamad siyang tinignan.

"Aray ko naman. Tama naman yun ah! Mystic. Mystic diba?"saad ni paris ng makabawi sa halik palad na natanggap niya kanina mula sakin.

Umiling si zaila.

"Malaking pagkakamali." umiiling na saad nito. " MISTY yun Paris hindi Mystic. M-I-S-T-Y. Ghadd nakakaturn-off ka na di mo man lang sinigaw ang pangalan ko at mas lalong di moko sinalubong ng yakap!" anas ni zaila. Pinagkrus niya ang kanyang braso.

"Asuss! Nagpapawambing ang baby ko. Halika ka nga dito. Penge ng yakap." muntik nakong maduwal sa pang baby talk na ginawa ni paris kay zaila. At mukhang nag enjoy naman ang gaga sa pang baby talk nung unggoy. May pairap-irap pa itong nalalaman pero bibigay din naman pala ng simulan siyang yakapin ni paris.

Yuck. Tumitindig ang balahibo ko sa  pinaggagawa nang dalawang toh.

Buti nalang may barrier tong soccer field kung saan di makikita na may tao sa loob kundi matagal natong dinumog nung mga fans ni paris.

"Is he your boyfriend?"

Muntik ko nang makalimutan na kasama pala namin tong si scarlet buti nalang at naisipan niyang magsalita.

Moon Of CaspireKde žijí příběhy. Začni objevovat