The Promise

259 4 1
                                    

Nang makarating sila sa Laguna, nabago bigla ang plano. Imbes na tumuloy sila sa Nuvali ay dumiretso sila sa Pansol at nagswimming. Hindi naman problema kung wala silang baon na swimwear, may nabibili din naman kasi sa loob ng resort. Naiiling na lang si Dwine, iba talaga ang may pera, dahil napakadali ng lahat ng bagay para sa tulad nila GL.

Umupa sila ng private cottage, at nagsimula ng magswimming. Para silang walang kapaguran, pagkatapos magswimming ay bumalik na sila sa cottage at pinagsaluhan nila ang mga pagkain na ipinahanda ni GL. Wala silang binayaran kahit magkano dahil si GL ang taya. Treat daw nya ito sa apat dahil nakapasa na sila at gagraduate na.....Napagpasyahan din nilang bukas na umuwi tutal ay wala naman silang pasok kinabukasan.

GL POV:

"Iba talaga ang feeling kapag kasama ko ang mga to,,, syempre pati na si Ghiczelle,,, kya nga pinaextend ko pa hanggang bukas ang pananatili sa resort."

Nang oras na para magpahinga, dumiretso na kami sa kwarto. Nagulat sila Aimee na isang malaking room ang kinuha ko na may 5 kama,,, akala daw nila kasi ay magsosolo kami ni Ghiczelle....Well,,, gentleman ang lolo nyo nho!!!! Di yun sumagi sa isip ko, mahal ko si Ghiczelle at nirerespeto ko sya. Darating din kami sa tamang panahon na gawin "yun"!!!!! Hahahaha!

2:30pm nang maalimpungatan ako, tiningnan ko kagad si Ghiczelle,, umupo ako sa gilid ng kama nya, at hinaplos ang buhok nito. Maamo ang mukha nito habang natutulog, ganitong mukha ang gusto kong makita sa tuwing mumulat ako sa umaga...Ganito ko nakikita ang future namin!!! Na alam kong matutupad na,,, malapit na malapit na!!!!

♡♡♡♡♡♡♡♡♢♢♢♢♢♢♢♢♢

Nagising si Ghiczelle dahil sa sikat ng araw, nagulat na lang siya ng makita niya si GL na nakaupo at nakasubsob sa gilid ng kama nya. Natatawa itong pinagmasdan ang boyfriend nya. Sa halos 5 years nilang magkasama ay never itong nag-take advantage sa kanya, inalagaan at nirespeto sya ni GL, bagay naman na pinasasalamatan nya....

"Napopogian ka ba sa akin", tanong ni GL.,,, "Wag kang mag-alala, dahil ang gwapong to ay sayo lang forever!!! At walang kahit na sino ang makakaagaw ng pagmamahal ko sayo aking prinsesa!!!My future Mrs. Princess Gloryczhelle Fuentebella!!!!"

"Thank you,,,God knows kung paano mo ako pinasasaya sa mga oras na magkasama tayo...I love you more!!!! Promise ko sayo, magiging matatag ako para sa atin, di kita basta isusuko GL kahit ano pang problema ang dumating sa atin,,,If God's for us,, who can be against us", maluha-luhang sagot ni Ghiczelle.

"Oh sya, naiiyak na kami sa wedding vows nyo!!!"sabad ni Aimee na kanina pa pala gising at pinanonood sila...

"Oo nga,, nagutom tuloy ako", hirit naman ni Dwine.

Natatawa na lang ang dalawa na sabay tumayo sa kama para mag-order na ng breakfast nilang lima....

FALL ALL OVER AGAINWhere stories live. Discover now