GL's Mother

157 2 0
                                    


Isang text ang natanggap ng mommy ni GL,,,

From: SPY Guy

"Positive po Madam, magkasama sila ngayon!"

Asar na asar itong binato ang cellphone sa kama. Kaya pala di macontact ang anak nito. Lumuwas na naman pala ito ng Maynila para makipagkita sa walang kwentang babaing yun!!!

Ako nga pala si Marcela, ang mommy ni GL,, dati akong principal sa isang kilalang Unibersidad dito sa Bataan na ngayon ay pag-aari ko na.... Galing ako sa isang mayamang angkan. Inalagaan ko ang reputasyon ng aming pamilya mula ng ako ay magkaisip. Sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para marating ko kung anuman ang tinatamasa ko ngayon. Naging bato na ang puso ko mapangalagaan lang ang pamilya ko. Wala akong ibang inaasam kundi makita silang maayos at may kumportableng buhay. Kaya naman pati sa mapapangasawa ng aking mga anak ay ako ang nagpaplano kung kanino sila ikakasal. Pero nabigo ako kay Garyll,, ang panganay kong anak. Naka set na ang lahat para sa kasal nito sa unica hija ng alkalde ng bayang ito, pero isang araw bago ito ikasal ay biglang nawala ng parang bula si Garyll. Huli na ng malaman kong tumakas ito papuntang US.

Nangako ako sa sarili kong yun na ang huling beses na magkakamali ako sa pagpaplano. Hindi ko hahayaan na ang apat kong anak ay makakasal sa taong di ko gusto para sa kanila. Tulad na lang ni GL, na baliw na baliw kay Ghiczelle. Nananahimik lang ako sa loob ng ilang taon pero may plano na ako kung paano mawala si Ghiczelle sa landas ni GL na sigurado akong siya mismo ang kusang lalayo sa anak ko. Konting panahon na lang ang kakailanganin ko para matupad na ang aking plano. Di ko hahayaan na maging isang Fuentebella ang hampaslupang babaing yun. Kaya gagawin ko ang lahat,, lahat lahat para lang magkatuluyan si GL at Ellen Rose.....

FALL ALL OVER AGAINWhere stories live. Discover now