"Ano yon?",

"Nakakuha kami ng report about don sa ibang negosyo nitong queen, iba ang nag mamanage ng mga kumpanya pero under sa name Austrias jewerlyn cordial- civil ang buong pangalan nakausap namin ang mga employees wala pa raw nakakakita sa kanila non dahil hindi naman daw yun ang nag mamanage mailap daw sa kumapanya na bumisita isang beses daw sa isang taon, pero hinahangaan nila ito",saad nito, binuklat ko ang binigay nyang report at napahilot uli sa sintido
"Nalaman din namin sir na ampon sya ni mr. Leonardo cordial civil sir! Ang DNA naman ni general luchavez at ng suspect ay under processing pa weeks pa bago makuha, hinihingi po pala ng head ng department lahat ng info pag aaralan daw nila malaking kaso daw po kase",saad pa, napatango ako

"Sige ipapadala ko lahat ng info mamaya, aayusin ko lang, pakisabihan ang mga pulis na nag babantau sa mga nag rarale ayusin, walang gulo maliwanag? May mga bata",saad ko, tumango ito

"Yes sir! Naiutos na rin po ng head kanina! Permission to leave sir",

"Sige!",saad ko, huminga ako ng malalim,
"Ngayon lang ako naka uncounter ng ganitong kaso",bulong ko, hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman namin, una yung kaugnayan ni general at nung suspect, sunod yung mga ginagawa nila? Nalaman ko kay erlyn na may sinusuportahan na foundation ang suspect foundation para sa mga bata at matatanda may mga pinag aaral din, na scholar at iba pa, kaya naman nag imbestiga ako at tama nga ang mga sinabi ni erlyn, dahil andito na sila nag rarale na palayain ang suspect, pero malabo yon, masyadong mabigat ang kaso sa kanila at isa silang sindikato bigatin sila at talagang matagal ng sinusubaybayan ng kapulisan kaso hindi makakuha ng info mula sa kanila






Austrias pov

"A-anak?? Anak?? Daisy??",pagtawag sakin, pagmulat ko ay isang liwanag na mula sa kisame ang sumalubong sakin, pumikit pikit pa ako at naramdaman ko ang basa sa mata ko, paglibot ko ng tingin don ay tumama sa kanya ang paningin ko may ilang Doctor at nurses, din sa gilid ko, hinawakan ng Doctor ang mata ko at inilawan may kung ano ano silang ginawa at sinabe pero hindi ko na inintindi

"Ililipat na sya sa kwarto nya mamaya general",ani ng doctor
"Oobserbahan pa namin sya dahil sa dami ng sugat nya sa katawan, iinom rin sya ng gamot para sa mga sugat nya",dagdag nito akmang babangon ako ng mapatigil at tumingin sa kamay ko na nakaposas ang magkabilang yon sa gilid ng hinihigaan ko, tumingin sya sakin at tumungo sa gawi ko

"Kamusta ang pakiramdam mo?",tanong nya hindi ako sumagot bagkus ay nakatingin ako sa kamay ko
"Kailangan kong gawin yan, may pulis na dumating dito a-",

"Tsk! Para hindi ako makatakas??",ngiwing ani ko, nakaramdam ako ron ng inis

"O-oo ikaw ang leader k-kaya kai-",

"Nasaan ang mga kasama ko?",agad na tanong ko ng maalala yung apat

"Nandon na sila, ipupunta ka ron kapag ayos na ang mga sugat mo, ayaw din nilang magsalita ng wala ka",hindi ako umimik, sabay non ay ang pag dating ng nurse

"Kailangan nya na pong maitransfer", kumunot ang noo ko

"Ayus n-",

"Hindi ka pwede dito, kasasabi lang ng mga kaibigan mo marami kang kaaway na sindikato at gusto kang tapusin, kailangan secure ang kwarto mo",pag pigil nya sakin, napailing na lang ako ng patayuin ako napadaing ako dahil masakit talaga yung sugat ko dahan dahan akong umupo sa wheel chair habang kapit naman nya ang nakasabit sa swero, napatingin ako sa ilang pulis na nandon sa labas at sumunod samin, sumakay kami ng elevator, saka naman tumungo sa isang kwarto, pagpasok ko alam ko na bantay sarado ako dito

'wala akong balak tumakas! Tsk',

Humiga ako sa inayos nilang hospital bed, at don at humiga, masyadong masakit ang katawan ko dahil sa mga sugat,

"May magbabantay na pulis sa labas ng kwarto m-",

"Hindi ako tatakas",pigil ko, pero talagang pinosasan ako nito, medyo nainis ako dahil ron pero hindi nya ako pinakinggan at pinosasan ako,

"Bantay yon sa magtatangk-",

"Yun naman pala eh? Pano kung maisahan nila yang bantay? Naka posas ako pano ako makakalaban!!",asik ko, dito, huminga ito ng malalim bago alisin ulit ang posas, hinawakan ko ang palapulsuhan ko

"Si er-",

"Ihahatid sya sayo ni syn",sagot ko
Kumunot ang noo ko

"Syn??",

"Kaibigan ko yon, saka wag mo syang hulihin wala yung kinalaman sa negosyo ko",saad ko, at tumingin sa kanya

"Napag aralan namin ang detalye sayo? May legal lang negosyo?",

"Oo, kay dad na negosyo yon isa pa malinis ang mga company na yon iba ang nag mamanage pero nasa under ng name ko",

"G-ganon b-ba?",umiba ang tono nito, at tumango,
"I-iniimbestigahan na n-nila kinausap na nila lahat n-",

"Wala kayong makikitang bahid ng masama ron malinis ang negosyo na yon",walang ganang saad ko,
"Ilang araw ak-",

"Mag uumaga na ng magising ka",putol nito sa sasabihin ko, hindi na ako umimik
"Patong patong kaso mo dais-",

"Jewer",putol ko tumingin ako sa kanya
"Jewer ang pangalan ko...jewer ang itawag mo sakin",saad ko, hindi sya nakasalita nakita ko ang pamumuno ng luha sa mata nya pero hindi ko na inintindi yon,
"Magpapahinga pa ako pwede ka na munang umalis",saad ko, tumango ito at dahan dahang tumayo ng hindi umiimik, saka lumabas, naiwan sa pinto ang paningin ko

'ikaw ang pinili ni mom! Ibang klase! Tsk',

Napapikit ako ng maramdaman ang init ng likido sa mata ko, kumunot lang ang noo ko dahil sa naalalanh sinabi ni mom sakin,

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now