Franco pov

Hindi pa rin sya lumalabas, naririnig namin ang bawat daing ni mom, na maya maya nya pinaririnig, sigaw ng sigaw si dad na lumabas sya pero hindi ito nakikinig bagkus ay tumatawa lang, sa inis ko ay tumungo ako sa gawi ni erlyn at kinuha ito sa nga tauhan namin, at kinaladkad, nanghihina ito kaya buong lakas ko itong pinatayo, lumakad ako papaunahan at itinaas ang kwelyo ni erlyn dahilan para makita ang tiyan nito, halata rin sa muka nito ang sakit ng ginagawa ko pero wala akong pakialam ron, nag aalala ako kay mom,

"N-nasasaktan a-ako a-arnold",saad ni erlyn na mangiyak ngiyak, ngumisi ako

"Franco ang pangalan ko hindi arnold!", tumingin ako sa paligid
"Queen!!! Andito si erlyn, makikipag palitan kami sayo! Ibigay mo si mom! Ng maayos ibibigay ko si erlyn sayo ng maayos!! Saka mag hihiwalay ang grupo natin sa oras na makuha ang kanya kanyang pakay!! Maliwanag ba!!?",saad ko,
"Ano?? Siguro naman hindi mo na patatagalin pa sa kamay ko ang kapatid mo!",saad ko, saka ito binitawan dahilan para mapaupo ito sa sahig, napaubo ito dahil naipit ng kwelyo nya ang leeg kanina, mababa lang si erlyn kaya ang pag taas ko sa kwelyo nya ay parang lubid sa leeg nya na tumitiik sa kanya

"Ang lakas din naman ng loob mo franco",saad nito, sa tinig nito alam kong blangko ang muka nito,

"Ibigay mo si mom samin!! Walang masasaktan!",saad ko, ngumisi ito sa tunog ng singhal sa speaker

"Hindi ako tanga para magpalinlang franco, iwan nyo si erlyn sa may dulo at layuan nyo, ibaba ang baril saka ko hahayaan na tumungo sa iyo ang mommy mo",

"Hindi pwede yon!? Pano kami makakasigu-",

"Sige!",

"What!? Franco! Ano b-",

"May isang salita ka dba?",pagkausap ko kay queen

"Kilala mo ko, franco, may isang salita ako, sumunod kayo sa napag usapan at tutuparin ko ang sinabi ko, ipunta mo ang kapatid ko sa dulo, ng maayos, at iwan mo ron bumalik ka sa pwesto mong yan saka ko hahayaan na pumunta sa iyo ang mahal mong ina!",saad nito, itinayo ko si erlyn, saka ako naglakad patungo sa dulo, medyo malayo

"Hindi ko akalain n-na ganito ka pala kasama", napatigil ako kau erlyn sa sinabi nito, tinitigan ko ito, at tumulo ang luha nito
"K-kung a-alam ko l-lang hindi ko s-sana hinayaan na m-mapalapit ang loob k-ko sayo!",saad nya,
"Ibalik mo k-ko sa a-ate ko!",aniya umiwas ako ng tingin saka nagtuloy sa paglalakad, ng makarating don ay inupo ko si erlyn sa may hagdan, ng maayos, bago sya kalagan ng tali sa kamay, nakapantay kami sa isat isa ng alisin ko ang tali sa kamay nya na lumata ang lubid, dahil nga maputi si erlyn, putok din ang labi nito at may maga sa kabilang pisnge na ngayon ko lang napansin,

"Umalis ka na! A-ayaw na kitang makita pa!",saad niya, may kung anong kumurot sa puso ko ron, kaya tumayo na lang ako, saka tumalikod walang lumabas sa bibig ko na kahit ano at nagtuloy na lang ako sa paglakad, bawat hakbang ko parang ang bigat bigat, hindi ko namalayan na andito na pala ako sa pwesto ko kanina,

"Nagawa ko na!? Si mom! Ilabas mo!",saad ko, maya maya pa ay

"F-franco",tinig ni mom, kaya napalinga ako, nakita ko si mom na bumaba sa hagdan, na nasa kabilang side, bukas ang ilaw sa gawi na yon at mag solong bumababa, dahan dahan, may pasa ito at pawis kaya agad akong tumakbo ron, at niyakap sya

"M-mom! I-im sorry! Im sorry!!",agad na usal ko

"P-pano nyo?? P-pano n-nyo nagawa ito??",umiyak ito ng umiyak, sa balikat ko

"I'll explain everything but for now?? Kailangan muna natin umalis dito!",hinila ko ito, at tumungo sa gawi nila dad, akmang yayakap ito kay mom ng umiwas ito, at sinampal sya

"Pano mo nagawang ipasok sa ganitong sitwasyon ang anak natin Eduardo!! Ha!! Pano!!!!",umiyak si mom, at napatakip sa bibig,
"J-jusko po!! Eduardo!! M-mga b-bata pa sila! Hindi dapat ganito ang ginagawa nila! At ano ito ha!? Ano ito!!!? Baril!! Ha!! Alam nyo gumamit nito!!",pag wawala ni mom, nakayuko kami, hindi namin kayang sagutin si mom, alam namin na nasasaktan sya,

"Iuwi nyo sya! At ipatingin sa doctor!",utos ni dad na tulala, at galit ang mata,

"No!! N-no!!! Bitawan nyo ko!",pag wawala ni mom ng hawakan sya ng tauhan namin, pero pilit syang dinala ito

"Nasasaktan si mom! Ano ba!? Ayusin nyo!!? Mom! U-umuwi k-",

"No! Hindi ako uuwi hanggat hindi kayo kasama!! Delikado dito!! Masyado silang marami! Kumpara sa inyo!! Halika umuwi na tayo! Eduard-",

"Mauna ka na! Kailangan kong tapusin ang taong yon! Iuwi nyo na yan!",utos ni dad

"H-hindi!! Ang anak natin! Baka kung mapano sila!! Ikaw!! Eduardo pakiusap! T-tama na!!",naaawa ako kay mom, pero wala akong magawa, sapilitan syang ipinasok sa van saka ito umandar, at umalis,

"Show yourself! Queen! Tapusin natin ang laban sa pagitan natin! Ngayon mismo!",saad ni dad,

"Yeah! Sure! Tutal yon talaga ang plano",napaigtad kami ng bumukas ang lahat ng ilaw, at napatitig sa mga tauhan na nakapwesto na, napapaligiran kami, mayroong nasa taas at may roon naman sa baba, nasa gilid at unahan at likudan, may mga sniper din na nakapwesto na, napatingin kami sa taas ng mamataan don ang nakatayong rebulto ni queen, na blangko ang muka

"Napaka tuso mo!! Hindi ka marunong lumaban ng patas!!!",sigaw ni nikki, natawa ito

"Patas?? Anong patas dun sa pag gamit nyo sa kapatid ko habang nilalaglag nyo ang grupo ko??",

"Tsk! Tatapusin kita ngayon! At sisiguraduhin kong hindi ka na mabubuhay pa!",saad ni sofia,

"Sa dami ng namatay sa tauhan ko? Tingin mo hahayaan kong mabuhay pa ang mga taong dahilan non?? Wag kang mag alaka sofia makikita mo na rin ang tatay mo sa langit konting antay na lang",

"Hayup ka!!",sigaw ko

"Matagal ko ng alam yon..hindi mo na kailangang sabihin",saad nito, napakuyom ako ng kamay, tumama kay erlyn ang paningin ko, nakatingin din ito sakin, pero umiwas ito at yumuko saka sumama sa mga lalaki natauhan ni queen, at inaalalayan sya, hanggang sa hindi ko na sya nakita pa,

'patawarin mo ko erlyn',

The Hidden Daughter Of LuchavezМесто, где живут истории. Откройте их для себя