Hanggang sa makarating sila sa isang mapuno dahil iniliko yon ni ate sa direksyon na yon tuloy ay hindi na makita ang sasakyan nila dahil sa mga puno, tuloy ay pinaulanan yon ng mga pulis ng bala mula sa taas napatakip ako ng bibig

"H-hindi!! A-ate!!",akmang aalis ako ng hawakan ni arnold ang kamay ko umiling ako, blangko ang muka nito
"Y-yung a-ate k-ko!! Arnold!! P-punta tayo ron! S-sabihin ko n-na su-sumuko sya!! M-makikinig sya sakin!!",saad ko saka aalis pero hinigpitan nya ang hawak sakin, naagaw namin ang atensyon ng iba kahit ni prof na kunot ang noo samin

"Delikado ron",saad ni arnold umiling ako

"Y-yung a-ate ko!! K-kailangan n-nya ako",

"At ano namang gagawin mo ron!!?",inis na tanong ni arnold

"Pakikiusapan ko sya na sumuko!! K-kaya bitiwan mo ko!!",nagpumiglas ako pero hindi ako makawala sa kanya, halos mag makaawa ako kay Arnold na bitiwan ako

"Wala kang magagawa erlyn! A-at hindi rin ako papayag d-delikado ron",saad nya, napailing ako

"Omygooosshhh!!",

"Waahhh!! Hala!!!", sigaw ng mga kaklase ko, natigilan kami at saka ako tumingin sa TV at halos manghina ang katawan ko ng makita ang umuusok at nakahintong sasakyan ni ate kanina, iniikutan yon ng mga helicopter na sakay at sundalo at pulis,  sunod sunod na tumulo ang luha ko at halos dahan dahan kong nararamdaman ang kirot sa dibdib ko sa bawat tibok non, kumapal ang usok sa paligid ng sasakyan at hindi makita ang sasakyan sa sobrang kapal, maya maya ay umiba ang nasa live, si ate

'b-buhay sya',

Mapungay ang mata nito, at may dugo sa noo na tumutulo sa kanyang muka pababa sa leeg, nakatutok ang baril nito sa harap na animoy may kausap

"Handa na ba yan??",saad ni ate

"O-opo",natatakot ang tinig ng isang lalaki, nanginginig ang kuha nito halatang nanginginig, isa sa reporter?? Panong??
"Wag kang matakot sandali lang ito, palalayain din kita sa ngayon ayusin mo ang hawak sa camera",saad ni ate

"M-maayos p-po",sagot ng lalaki at hindi na ito nanginginig ngunit halata ang takot sa tinig nito napatitig ako kay ate na may sugat sa nguso, pawisan at basang basa ito gulo ang buhok na nakatali at namumula ang pisnge, binaba nito ang baril bago ngumiti, napadaing pa ito, bumaba ang tingin ko sa may bandang tiyan nito at tumulo ang luha ko ng makitang may tama ito at hawak hawak ito ng isa nyang kamay na may dugo na rin, matunog itong ngumiti at tumingin ng deretso

"Kayo jan! Kayo apat", tukoy nito kala ate mercy
"P-patawarin n-nyo ko kung...",namuo ang luha ni ate, pumikit ito bago ngumisi
"Patawarin nyo ko at nadamay kayo, pasensya mercy kanina ah! Hindi ko ginustong saktan kayo pare pareho, kailangan lang, h-hindi ko alam kung panong sasabihin p-pero masaya ako at...n-naging tauhan ko kayo na naging kaibigan pa at kapatid, s-sa tagal ng p-panahon masasabi k-kong masaya akong naging ganito ang takbo ng b-buhay ko, m-masasabi kong k-kung hindi ko naranasan ang sakit non, b-baka hindi ko kayo nakilala tsk! Mas masarap masaktan kung alam kong m-makakakilala ako n-ng mga kagaya ninyo, i-isa kayong m-mabuting kaibigan, omel....solely....mercy...at....
Sunnyvale?? Ngayon ko lang sasabihin ito kaya makinig kayo.... masyadong corny pero...mahal ko kayo hindi bilang kaibigan kung hindi bilang mga kapatid ko",tuluyang tumulo ang luha ni ate napanguso ako ng manlabo ang mata ko, bago ako kusang binitawan ni arnold, nakatitig ako kay ate na lumulunok, gusto kong tumakbo papalpit sa kanya at yakapin sya ng mahigpit na mahigpit, tumingin sya ulit ng deretso bago napapalunok at iniinda ang tama na

"A-ate!!",banggit ko, nanginginig ang tuhod ko pakiramdam ko hindi ko kayang marinig ang susunod na lalabas sa bibig nya

"E-erlyn",saad nya, tuluyang bumagsak ang luha ko, napatingin ang lahat sakin tuloy ay dahan dahan akong naglakad patungo sa gawi ng TV at mapalapit sa nakalive na si ate, habang pinipigilan ang sariling emosyon,pangalan ko pa lang ang binanggit nya at para na akong sasabog sa sakit,

"A-ate!!",saad ko, ngumiti ito sakin, ang ngiti na nakapag pahikbi sakin,

"Pasensya n-na at....pinag alala ka n-ni ate",saad nya, napahinto ako at tumitig sa kanya, tumulo ang luha ko kasabay ng pag hikbi
"S-sa lahat n-ng napagdaanan k-ko sa n-nakaraan..h-hindi ko akalain n-na magiging malapit sakin ang isang k-kagaya mo n-na m-makakapag paalala ng lahat kung s-sino ako",saad nya, pumiyok pa sya dahil sa pinipigilang hikbi,
"P-pinaalala mo sakin k-kung sino ako erlyn, kung ano ako noon, m-masyadong naging masakit ang n-nakaraan ko at umabot sa puntong ayaw k-ko iyong maalala na kahit s-sino hindi gugustuhing m-maalala ang mapait na n-nakaraang yon....p-pero...mapaglaro ang tadhana e-erlyn d-dahil inilapit ka n-ng diyos sakin n-na..",humikbi ito ng sunod sunod at napatakip ako sa sariling bibig
"N-na kahit a-alam naman nyang a-anak ka ng t-taong kinamumuhian ko", tumingin sya ng deretso habang humihikbi, tuloy ay hindi ko napigilan ang sariling emosyon
"Ang t-taong d-dahilan ng lahat ng sakit ko sa buhay...n-nilapit nya a-ako sayo erlyn kahit a-alam nya na nasasaktan at nasasaktan ako ng sobra don...h-hindi ko alam kung parusa n-nya ba ito sakin, naging masama ako dahil sa galit at sakit na pinaranas nya pero bakit kailangan nya akong parusahan... s-sa tagal ng p-panahon n-natutunan kong mamuhay ng mag isa...mamuhay ng isa lang ang kinikilala, namuhay ako sa paniniwalang kahit sino pwede kang saktan pero ikaw erlyn! Ikaw yung nagturo sakin na hindi yon totoo, h-hindi ko matanggap nung u-una na p-pinoprotektahan ko ang isang batang nasa sinapupunan ni olivia nung araw na palayasin ako ng tunay kong ama sa edad kong walo na hindi a-alam kung saan pupunta, kung ano ang magiging kinabukasan ko",tuluyan syang humagulgol ng iyak bago pekeng natawa,
"Ang b-batang h-hindi alam kung a-anong mangyayare sa kanya sa gilid ng kalsada, habang rumaragasa ang malakas na ulan at ni isa walang naglakas loob na tumulong, e-erlyn ang mga pinagdaanan ko na nalaman mo w-wala pa sa kalahatian ng katotohanan d-dahil b-bukod ron mas madami akong n-naranasan n-na kahit sino walang nakakaalam kung hindi ako l-lang",turo nya sa sarili napahawak ako sa bibig at don pinakawalan ang iyak, lagi nyang sinasarili ang sakit, at hindi manlang nya ilabas,

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon