"Masaya ako sa buhay ko erlyn kahit wala sya",saad nya natigilan ako,

"A-ate? A-alam mo bang?? U-umiiyak si dad n-noon pa? N-nung bata ako? Lagi ko syang nakikitang umiiyak sa o-office nya",pag alala ko non, natigilan sya bago kumunot ang noo,kaya nagpatuloy ako
"Noon? Akala ko dahil sa nag away sila ni mom! P-pero mali pala ako",lumunok ako at umayos ng upo sa kama at yumakap sa unan
"Umiiyak sya habang tinititigan nya yung litrato mo noong bata ka pa sa computer nya, t-tapos hanggang umaga ganon sya tahimik tapos iiwas sa lahat h-hindi nag sasalita kung hindi mo kakausapin",saad ko, naging blangko ulit ang muka ni ate bago umiwas at tumingala, at saka ngumisi

"Nasabi nya ba kung bakit?",ani nya, may lungkot at sakit sa mata ni ate at sa pinag daanan nya alam ko na hindi nya kayang gawin yon ng ganon lang

"H-hindi",saad ko






Austrias pov

"H-hindi", sagot nya saka ako natawa

"Yun naman pala eh! Pano ka nakakasiguro na ako nga ang dahilan ng pag iyak nya!?..isa pa? Ano namang dahilan para iyakan nya ang anak nyang itinakwil nya para sa kasiyahan nya?", sarcastic na saad ko, natahimik sya at hindi nakaimik napaiwas ako bago umiling, napakuyom ako ng may kumalabog na sakit sa dibdib ko, at binalot ako ng lungkot sa katotohanang yon
"Wag mo na ulit babanggitin ang taong yan",pag putol ko sa usapan, hindi pa rin sya umiimik, kaya hindi na lang din ako umimik,

'umalis ka na daisy! Wala ka ng lugar sa pamamahay na ito!',

Sa lahat ng sakit yun ang hindi ko makalimutan, ang sinabi nyang yon habang itinatapon ni olivia ang nga gamit ko palabas ng mansyon, wala akong makitang awa at pag pilit sa mata nya ng oras na yon, kahit konti wala!, Napakuyom ako ng alalahanin ang nangyare sakin sa lansangan noon, bagay na hindi ko akalain na mangyayare sa isang walong taong gulang na bata,

'hindi ko alam kung magagawa kitang patawarin sa lahat ng dinanas ko dahil sayo',

Napatingin ako kay erlyn na ngayon ay tulog na sa kama at yakap yakap ang unan ko, pinatay ko ang computer saka tumungo sa gawi ni erlyn, tinitigan ko ito, nakabaluktot habang mahimbing na natutulog

"Kaya pa hindi na laki",bulong ko saka sya inayos at kinumutan, saka ako dumeretso sa pinto ng kwarto at lumabas, dumeretso ako sa baba sa mini bar ng mansyon at kumuha ng alak at baso, saka ako naglakad patungo sa gilid ng pool, tulog na lahat dahil patay na ang ilaw tanging kwarto ko ang may ilaw sa buong mansyon, hindi nakatulog si erlyn sa kwarto ko kapag patay ang ilaw, habang dito sa pool ay maliwanag dahil sinag ng buwan, nag salin ako ng alak sa baso at nilagok yon, bago bumuntong hininga, at tumingala, gawain namin ni master ito noon, ang uminom habang nanonood sa mga bituin sa langit at sa buwan, bilog na bilog ang buwan, at sobrang liwanag, napangiti ako ng umukit don sa bituin ang muka ni master, Kaya natawa ako, saka umiling

"Hanggang ngayon napapatawa mo pa rin ako master",saad ko saka namuo ang luha sa mata, saka ako uminom ng alak, master ang tawag ko sa kanya minsan naman ay dad, kaya naman kapag tinatawag ko sya ay natatawa sya at humahalakhak, nag karon ng ingay sa mansyon ng dumating ako at alam yon ng nga maid dito na hanggang ngayon ay dito nag tratrabaho, lagi kase akong nakasigaw at saka tawa ni master na lagi kaming na lalaro noong dalawa saka sabay kami mag hahabulan sa buong kabahayan at iniikot ikutan ang nga maid na nag tratrabaho habang tuwang tuwa na pinag mamasdan kami, highschool student ako ng malaman namin na may sakit si master sobra akong natakot non, dahil hindi ko kaya kapag nawala sya cancer stage 4 at malala na, tumigil ako sa pag aaral kahit ayaw nya, basta maalagaan sya, sabi ko non maging magaling sya mag aaral ako ulit hahabol ako at mag tatapos kagaya ng gusto nya, basta gumaling sya, kung sino sinong doctor ang tumingin at nag obserba sa kanya, dinala namin sya sa ibang bansa para magamot pero sobrang malala na raw ang sakit nya at hindi kakayanin kapag inoperahan, kaya kahit labag sa loob ko sinunod ko ang huling utos ni master non,

'austrias y-yakapin mo s-si daddy n-ng hindi bumibitaw!? Ha? G-gusto kang kayakap ni daddy anak ko',

Sumunod ako sa utos nya, ng gabing iyon ay kayakap ko sya habang at hindi na ako bumitaw, nararamdaman kong nahihirapan syang huminga, kaya naman sinubukan kong kumawala para makuha ang inhaler nya kaso pinigilan nya ako tumutulo ang luha ko habang yakap yakap sya

'm-mahal k-kita daisy s-salamat at b-binigay k-ka nya sakin',

Huling salita nya bago ko naramdaman ang kamay nya bumagsak sa kama na nakakapit sakin, don ay mas umiyak ako, kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan at sinabayan ng kulog at kidlat, ginigising ko sya ngunit hindi sya ulit nag mulat, sa pangalawang pagkakataon pangalawang sakit yon sa buhay ko, namatay na naman sa harap ko ang taong mahalaga sakin ng wala akong nagagawa, ng gabing yon halos balutin ng sakit at lungkot ang mansyon, hindi lang ako ang nasaktan sa pag kawala nya kundi ang mga maid at tauhan nya, sa oras ng mawala sya ginawa ko lahat para maging perpekto ang libing nya, lahat lahat ng kasosyo nya sa illegal na negosyo ay pinapunta ko ng walang katanungan, niyakap ko ang illegal na negosyo ni master non, inako ko ang posisyon nya kagaya ng ipinangako ko sa kanya kasabay ng pag aaral ko ay ginagampanan ko ang pagiging leader ng sindikato nag alinlangan pa sila dahil nga isa pa lang akong kasing edad ni erlyn non, pero dahil bata pa lang ako at sinanay na ako ni master sa pakikipag laban ay pinagbuti kong mag ensayo para mas gumaling at hindi ako nabigo, aral sa umaga, sindikato sa gabi, ensayo sa madaling araw yan lagi ang naging gawain ko, hanggang sa makilala ko sila omel, mercy at Sunnyvale saka si solely, sila ang ginawa kong kanang kamay at lalakad ng mga ipapagawa ko na lubos nilang tinanggap sa panahon na nagdaan tanging maid at tauhan ni master ang lagi kong kasama, nakikipag usap naman ako sa kanila pero hindi na kagaya ng dati, nasasaktan ako at alam nila yon, masyadong naging mahalaga si master sakin, ang mundo ni master na mali at masama sa mata ng iba ang naging mabuting mundo sakin, dito ko nahanap ang pangatlong pamilya, hindi umalis sa tabi ko yung apat naging kaibigan ko sila hindi man kasing bonding ng magkakaibigan, masasabi kong tunay sila dahil kahit kailan hindi nila ako iniwan, sabi ko non, hindi ko hahayaan na may mangyare sa kanila

"Tama ka master, ang mundong ubod ng kasinungalingan....t-taong may bukas ang isipan lang ang makakadiakobre ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao",saad ko, masama ang pisikal na anyo namin, pumapatay, at nag bebenta ng illegal na droga pero!....may kabutihan sa loob namin na piling tao lang ang pinapakitaan namin

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon