"Saan ka pupunta?",tanong ko

"Sa kwarto inaantok ako", napangiwi kami, kahit kelan ugalu nya talaga yan, saka sya lumabas

"Hayyyss!! Kailan ba mawawala ang ganyang ugali nya!?? Mukang naging normal sa kanya yan!",asik ni sunny

"Nagkilos sya na hindi man lang pinapaalam satin?? Anak ng...",saad ni solely

"Yan si queen!",saad ni mercy,

"Sino kaya napag utusan nya ron?", takang tanong ko

"Hahahaha malay ba natin? Wala tayong alam uuyyy",saad ni sunny, napailing ako dahil nag aalala talaga ako kay erlyn,

'sana talaga walang mangyare kay erlyn, tskkk!',




Erlyn pov

Pagkagising ko, ay nakangiti akong bumangon saka nag asikaso para maligo, nang matapos ay nagbihis na ako at nag ayos ng sarili, saka ako lumabas at bumaba nadatnan ko sila mommy at daddy na kumakain

"Erlyn kumain ka muna dito",saad ni mom, tumango lang ako saka naupo, napatingin ako kay ate daisy o kay ate shannel na pababa ng hagdan, at umupo na rin

"Oh? Erlyn? Good morning!",bati nya, pero hindi na ako umimik, at nagsandok na lang ng pagkain

"Erlyn? Binati ka ng ate mo you sh-",

"Good morning",walang ganang ani ko, hindi sya si ate jewer o ate daisy ko kaya naman wala akong sigla, kung sya ang kaharap ko baka halos buong mansyon ang makarinig ng bati ko

"How school erlyn?",tanong ni dad

"Fine dad, masaya lalo na at si ate ang sumusundo sakin",saad ko, sila ate mercy at kuya omel o kaya naman si ate sunny at kuya solely ang nasundo sakin, tapos minsan si ate jewer mismo

"Wala akong matandaan na sinundo kita erlyn?",taas kilay na sabat ni ate shannel

"Hindi naman ikaw yung tinutukoy kong ate eh! Si ate jewer sinasabi ko",saad ko

"Sino ba ang ate jewer mo na yan erlyn? I want to meet her",saad ni mom kaya nahinto ako,

'hindi pwede!!!',

"Hindi ko alam mom kung pwede sa schedule nya mom",saad ko

"Nasusundo ka nya erlyn pwede naman siguro yon? Kahit ako ay gusto kong makilala ang ate jewer na sinasabi mo",saad ni dad, tinitigan ko si dad, at naalala ang ginawa nya kay ate jewer kaya napakapit ako sa kutsara, bago yumuko,

'gusto kong magkaayos sila, pero hindi ko pwedeng pangunahan si ate baka lumayo sya sakin',

"I'll try my best para kumbinsihin sya, dad, hind kase sya minsan pumapayag lalo na at busy sya",pag sisinungaling ko, tumango ito nakatingin si ate shannel sakin
"What?",takang tanong ko dito umiling ito

"Nothing?",saad nya, tumango ako ng matapos ay tumayo ako at humalik sa pisnge ni mommy at daddy

"I have to go",saad ko saka lumabas ng bahay bago sumakay sa van,
"Kuya! Mamayang uwian wag mo na akong sunduin! Susunduin ako nila ate at kuya mamaya eh!",saad ko, tumango ito, pagkarating na pagkarating ko ay agad kong namataan si arnold, naalala ko ang sinabi nila ate mercy at kuya omel sakin, umiling ako saka lumabas ng van
"Bye po manong!",paalam ko, kay manong, lumakad ako papasok pero humarang si arnold

"Hey! Good morning!",bati nya,

"Good morning din",bati ko pabalik saka naglakad uli, pero humarang na naman sya

"Wait! Are you mad??",

"Ha? Bakit naman ako magagalit?",takang tanong ko

"Akala ko kase galit ka eh! Pinagalitan ka siguro ng ate at kuya mo??Kahapon? Sorry gusto ko lang makipag kaibigan sayo! If? Okay lang?",nag alinlangan ako pero kalaunan ay tinanggap ko

'kaibigan lang naman dba? Muka rin namang mabait',

"Yun!! Akala mo hindi ka papayag! Tara na! Same class tayo! Sabay na tayo!",saad nya tumango ako, saka pumasok sa school, at tumungo sa room

"Oh? Buti may nakipag kaibigan sa isang kagaya mo erlyn?",tinig ni mitch, kaya napahinto kami

"Hahahaha oh? Hindi bat ikaw ang transferee dito?? Arnold tama ba ako?",saad ni Rachel, lumapit naman si mitch kay arnold saka humawak sa braso nito bago tumingin sakin

"Hahahahaha ang lucky mo ah! Ang cute nya! Kayo na ba?",tanong nito

"Kasasabi mo lang kaibigan ko sya!? Anot nagtatanong ka kung kami na?",takang tanong ko, pilit itong ngumiti pero halata ang inis nito

"Im sorry? Sino kayo?",tanong ni arnold,

"Hi! Im mitch!",pakilala nito

"And im Rachel at ito naman si erich",saad ni Rachel, pakiramdam ko kase nananadya sila

"Okay? So what?",inis na tanong ni Arnold
"Erlyn? Tara na nga!",hinila ako nito papasok, saka ako hinarap
"Binubully ka ba nila?",tanong nya ngumiti ako

"Oo! Pero sanay na ako, kaya baliwala na sakin",saad ko saka binawi ang kamay ko sa kanya
"Tara na! Malalate tayo! Wag mo na lang intindihin yon",saad ko saka sya tumango, at tumungo kami sa room, maya maya ay nagsimula ang klase habang si Arnold ay panay tingin sakin pero hindi ko na pinansin

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon