"Erlyn? You okay?",tinig ni ate sa labas ng pinto,

"Opo!!", sagot ko saka lumabas,pinasadahan nya ako ng tingin

"Sa susunod wag kang matakaw",aniya pa kaya ngumuso ako

"Kasalanan ko bang matakaw ako? Saka isa pa? Ang sarap nung pagkain amoy pa lang nakakagutom na",tumungo kami sa sala kung nasaan sila ate mercy, tumabi ako ron at natigilan ng makitang aakyat na si ate jewer

"Ate? Saan ka pupunta??",tanong ko

"Sa taas", sagot nya

"Maano ka ron?",

"Matutulog",saad nya ngumiwi ako

"Wag muna! Ang aga aga pa! Halika muna dito! Nood tayo! May bala ka naman ng DVD ate dba??",saad ko parang umecho pa ang boses ko sa kabuuan ng mansyon, napapansin ko rin na halos lahat ng maid dito pinagmamasdan ako, kanina pa ang wierd lang, saka parang maingat silang mag salita tuwing kakausapin ko pero hindi ko na pinansin

"Erlyn! Hayaan mo si jewer manonood tayo dito! Tara! May bala dito oh! Pili ka ng movie!",tinig ni kuya omel

"Oo nga! Dito tayo sa patayan!", napatingin ako kay kuya solely na binatukan ni ate sunny

"Tumigil ka nga! Bata yan! Bawal sa kanya yan!",asik ni ate sunny kaya natawa ako

"Dito na lang tayo sa cartoons! Na movie? Pili ka erlyn",saad ni ate mercy, kaya tumingin ako ron, may Cinderella, snow white, sleeping beauty, beauty and the beast,

'magaganda lahat!!',

"Dito na lang sa beauty and the beast!",saad ko kinuha yon ni ate mercy saka nilagay ang bala sa DVD na nasa baba ng TV saka nagumpisa ang panonoorin, napatingin ako sa taas, tumaas nga na talaga sya!

"Wag ka ng malungkot, kalahating araw mo syang kasama paniguradong pagod ang isang yon",saad ni ate sunny kaya ngumiti ako, napag gigitnaan nila akong apat, habang nanonood ay hindi ko maiwasang matawa dahil ang iingay nila, nag aasaran at yung iba ay napipikon, masaya ako dahil naranasan ko ito, lalo na yung may tinatawag na ate at kuya na talagang tinuturing akong parang kapatid, lalo na si ate jewer ang gaan gaan ng loob ko sa kanya, pakiramdam ko tuloy para kong syang tunay na ate

'sana nga erlyn! Sana nga sya na lang si ate daisy, sana sya na lang ang ate ko',





Austrias pov

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako, ng may kumatok sa pinto ko

"Ate jewer?? Pwede pumasok??", tinig ni erlyn,

"Yeah!",saad ko bumukas ang pinto at niluwa non si erlyn pinalibot ang tingin sa buong kwarto ko,
"Why? What is it?",

"Ate?? Anong oras na uuwi na ako",saad nya, napatingin ako sa kanya

"Sige! Ihahatid kita sandali",saad ko at naglakad papasok sa walking closet ko at kinuha ang susi, ng kotse ko, gabi na masama kapag nag motor pa kami,

"Talaga ate??", tanong nya

"Yeah! Gabi na baka ano pang mangyare sayo! Tara!",hinila ko ito, kung saan kase linga ng linga baka mapalingon sya sa kwarto ko na puro baril at kung ano ano pang armas baka matakot pa sakin, kaya pagkalabas namin sa kwarto ay bumaba na kami, nanonood yung apat

"Ihahatid mo na sya pauwi?",tanong ni omel

"Opo! Kuya! Uuwi na ako gabi na rin kase, baka mapagalitan ako, sya nga pala gusto ka makilala ate jewer nila daddy and mommy", napatingin ako kay erlyn

"Oh? Talaga erlyn? Bakit raw?",tanong ni solely

"Para alam daw kung kanino magtatanong kapag wala ako",saad ni erlyn, kahit gusto ko may kung ano na parang umiiwas ang pandama ko na makilala ang parents nya, hindi ko lang alam kung bakit, basta ayaw ko

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now