Chapter 17

116 8 0
                                    

Chapter 17- Confession

Kayla's POV

May practice ang eagles ngayon. So andito kami nila Isa at Steph sa bleachers ng court. Nga pala kasama rin namin sila Angela. Siyempre mga close na kami.

Malapit na kasi ang game ng eagles. So ito na nag umpisa ng mag practice ang eagles. Ito naman kami sigaw ng sigaw. Siyempre nag che-cheer kami. Kahit hindi pa naman nila totoong game.

Kailangan ng support diba.

Maya maya natapos rin silang mag practice. Kanya namang kaming punta sa mga partners namin.

Wait! Parang may kakaiba kila Isa at Steph. At pati na rin kay Angela. Nakoo itong mga kaibigan ko lumalab layp na (luma love life)

"Wag mo na silang tignan. Nandito naman ako eh" napapansin ko nagiging sweet sakin si Daj.

"He-he-he" sabi ko na lang.

Nga pala malapit ng matapos ang 3 months namin. Pero bakit ganun parang nalulungkot ako?

Siguro dahil naging mas close kami ni Daj at di na kami masyadong nag aaway. Siguro dahil na rin naging part siya ng buhay ko bilang kaibigan? Teka bakit may question mark?

Hayss. Wag ko na ngang isipin.

"Okay ka lang ba Kayla?" Daj

"H-huh? Ah oo oo" wala sa sarili kong sabi sa kanya.

"So let's go?" Tumango na lang ako. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Pumunta kami sa kotse niya at sumakay.

"Nga pala Daj. Malapit ng matapos ang 3 months" sabi ko sa kanya. Biglang namang lumungkot yung mukha niya.

"Bakit Daj?"

"Wala" at pinaandar na niya yung kotse niya.

Maya maya nakarating na rin kami ng condo ko. Ang tahimik ni Daj.

"Ah Daj pasok na ako" tumango lang siya. Bakit ganun ang cold niya? May nasabi ba akong mali?

Pumasok na lang ako. Hayss! Ano ba yan. Nag bihis na ako ng damit at humiga sa kama.

***

Daj POV

Ngayon ko lang naalala malapit na nga pala matapos ang 3 months. Pero bakit ganun parang mamimiss ko siya.

Ayokong mawala siya sa tabi ko. Gusto ko lagi siyang kasama dahil siya ang nag pabago sakin. Lately hindi na ako nambabae. At lagi na akong masaya tuwing kasama ko siya.

Bakit ganito nararamdaman ko? Gusto ko ba siya? Mahal ko na ba siya?

Tsk. Ang daming tanong sa utak ko na hindi ko masagot.

Umuwi na ako ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.

***

Kayla's POV

Nag text sakin si Daj na hindi niya ako susunduin.  Tinanong ko kung bakit pero hindi siya nag reply.

Pumasok ako ng mag isa sa school. Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. Nang may biglang humintong Van sa harap ko. Bigla na lang akong sinakay nung isang lalake. At ipinaamoy sakin yung isang panyo. Kaya bigla na lang ako nawalan ng malay.

Mr HEART Breaker [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon