Season 1|22| >>StillInLove (Part One)

Start from the beginning
                                    

"Yay! si Migz Haleco! OMO! Crush ko talaga siya!"

Migz Haleco?

Sino na naman 'yun?

"Kilala ba yan?"

Nanlaki ang mga singkit na mata ni Gem at gulat na gulat siya noong isinigaw ko sa kanya yung tanong ko. Oo, kailangan ko nang sigawan siya, paano ba kasi parang mabibingi na ako sa mga sigaw ng babae dito.

"Aish! Di mo sila kilala?"

"Ha?"

"Ang sabi ko, sikat yan! Tara doon tayo sa gitna!"

Hinila niya ako sa may gitna, doon mas lalo ko pang napakinggan yung kanta. Oo nga magaling siya.

Tiningnan ko lang si Gem, habang sumasabay siya sa pagkanta. Ibang iba talaga siya kay Belle na kaibigan niya. Mas baliw at mas makulit 'yung isa. Kaso maingay lang talaga ang isang ito.

Teka nga! Bakit ko ba siya tinititigan?! Tsk.

Umiwas na lang ako ulit ng tingin at itinuon sa sapatos ko ang buo kong atensyon.

Sht. Nakakauhaw naman ang walang ginagawa.

"Hoy kulit, alis muna ako. Bibili lang ako ng tubig."

Tumango lang siya sa akin at nagpatuloy na sa pag kanta. Ni hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa kanya ng 'kulit'. Psh. Humaling na humaling talaga siya doon sa kumakanta sa may entablado.

Napamulsa na lang ako at nagpatuloy na sa bilihan. Malapit lang yung bilihan ng pagkain sa may carousel na pinuntahan namin kanina.

"Ale pabili nga ho, dalawang bote."

Hindi naman sa inaalala ko siya habang bumibili ng tubig, ayoko lang talaga ang bumalik dito kapag mag kataon. Baka mauhaw din yun sa kakakanta at utusan pa akong bumili ng tubig. Mabuti ng handa.

Paalis na sana ako ng makarinig ako ng humihikbi. Palakas ito ng palakas hanggang sa para na itong humahagulgol.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang pag-iyak at dinala ako sa isa mga benches sa may harapan ng carousel.

Nakita ko ka agad yung pinanggalingan ng pag-iyak na naka-upo doon at nag-iisa. Babae siya, naka puti at mahaba ang buhok. Nakayuko pa siya ng lapitan ko.

Nakakaawa yung babae, iyak ng iyak. Hahayaan ko na sana siya at hindi na sana ako lalapit kasi baka gusto niya lang mapag-isa ng bigla na lang niyang ibinaling yung mukha niya sa direksyon ko.

Ha? Si Jesse? Anong ginagawa niya dito?

At Fvck! Bakit siya umiiyak? Pinaiyak ba siya ni Leo?

Alam ko sinaktan niya ako pero alam ko din na may nararamdaman pa din ako sa kanya. At eto ang pinaka ayoko. Ang makita ang babaeng mahal ko na sinasaktan ng isang gag*ng kagaya ni Leo.

Pag lumapit kaya ako, tatanggapin niya kaya ang tulong ko? Gustong gusto ko siya lapitan at yakapin. Gustong gusto ko siya patahanin sa pag-iyak. Hindi ko kayang nasasaktan siya.

Kaya nilunok ko lahat ng kabang nadarama ko at lumapit sa kanya.

"Miss, panyo."

Tumingin siya sa akin kaya sobra akong kinabahan. Makikilala niya kaya ako? Madalim naman sa may parteng ito diba?

"Sa-salamat ha. Pasensya na at nakita mo pang umiiyak ako." Aniya habang kinukuha niya yung panyo na inabot ko. Hindi ko na inisip kung bakit hindi niya ako nakilala, basta masaya ako dahil tinanggap niya ang panyo ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now