Chapter 29

5.7K 261 46
                                    

Andrei

"So sasama ka na sakin umuwi? Broken hearted?" Natatawang sabi ni Kuya.

Kumakain kami ngayon nila Kuya at Joshua. Nasa loob ng kwarto si Nanay, binabantayan si Baby Yumi.

"Hindi, namiss ko rin sila Mama't papa lalo na si Bunso." Sagot ko dito.

"Si Daday hindi mo namiss?" Sinamaan ko ito ng tingin na ikinatawa niya.

"Nakakagulat lang kasi Drei, gusto mo tapusin pag-aaral mo dito kaya ayaw mo samin sumama tapos ngayon? Halos gusto mong umalis dito, sabihin mo nga sakin, broken ka ba? Hindi na to biro Drei."

Natahimik naman ako sa sinabi ni Kuya? Aalis ako dito para tuluyan na akong makalimutan ni Clark, siya lang ang gusto kong makalimot pero kung ako, ayoko, gustong gusto ko na inaalala mga moments namin dati.

"I'm not. Naisip ko lang talaga na nasa malayo kayong pamilya ko." Tanging sagot ko dito.

"Sure ka? Bakit hindi mo pa naisip yan dati? G*go wag ako, saka sasama mo sila Yumi and Joshua?"

"Isasama ko talaga mga anak ko, alangan iwan ko, ikaw ang iwan namin dito eh." Sagot ko dito.

"Wow, inangkin na talaga ng siraulo oh, feeling si papa yan?" Asar nito.

"Basta, ang dami mong dada, kuha ka na ng ticket. Ihanda mo na lahat passport, ticket or ano pa man yan, ikaw na bahala."

"Agad agad?" Gulat nitong tanong.

"Eh kung wala ka ba naman saltik, sabi mo two weeks ka lang dito? Tapos three weeks nandito ka pa rin? Tapos tatanungin mo ako kung agad-agad." Sagot ko dito na masama tingin sa kaniya.

"Pinapalayas mo talaga ako no? Sumbong kita kay Mama."

Hindi ko na ito sinagot at kumain na lamang. Si Joshua naman ay tumatawa habang nakatingin samin ni Kuya.

Nakatulala lang ako dito sa upuan ko, nasa classroom ako ngayon.

Simula nang nangyari yon, apat na araw ng nakalipas, yung pagpaalam ko kay Clark ay dumadalas na ang pagkatulala ko. Mas dumagdag pa ang pagkatulala ko nang ipakita at ibigay sakin ni Kuya yung ticket ko. Bukas na daw ang flight namin, 9 AM, Nakapagpaalam na rin ako sa lahat ng mga guro ko at humingi ng permiso sa Dean, naibigay ko na ang lahat ng mga kailangan kong ibigay para wala ng magiging problema sa pag-alis ko.

Mas lalong dumami ang mga nangbubully sakin, lalo na nong nalaman nila tungkol sa kanila Joshua at Yumi.

Umahon ako sa pagkakatulala nang dumating ang tc namin, it's already afternoon so we're in one classroom again.

Ramdam ko na naman ang titig niya sakin.

Hindi ko nalamang pinansin yon at patuloy na nakikinig sa tinuturo.

Nang matapos itong ngayong subject ay naghintay kami sa isa pang tc na dadating, habang naghihintay ay may mga dumadaldal, nag-aasaran na mga lalaki.

Inilabas ko ang ticket ko at tinitigan ito. Final decision, napangiti ako ng mapait.

Binalik ko sa bulsa ang ticket ko at tumayo para pumuntang CR, gusto kong sabihan si Clark na itigil niya ang pagtitig sakin pero ayoko din, dahil mamimiss ko ang titig na yon. Umihi lang ako saglit at naghugas ng kamay. Nilagay ko sa washbowl ang mga kamay ko at tumitig sa salamin.

Nakakasawa na pagiging seryoso mo.

Pumasok sa isip ko yung sinabi ni Clark dati. Should I smile more often? What's the use? Aalis rin naman na ako bukas.

Expressionless BottomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon