Dahan-dahan kong binuhat si Baby Yumi para hindi magising.

Dinala ko siya sa kwarto ko at inihiga don, si Joshua ay nakahiga na ng maayos, nasa night stand din ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang oras ko sa cellphone at 2 AM na f*ck hindi sila nakapanggabihan. Hindi rin yata dumating si Kuya, dahil kung dumating iyon, gigisingin ako non.

Humiga ako sa tabi ni Yumi at natulog din.

Nagluto agad ako nang nagising ako para sa pagkain nila, alam kong pupunta na dito ang yaya nila pero inunahan ko ito para pambawi ko kagabi. Napalingon ako nang marinig na tumunog ang hapag kainan.

Nakita ko si Joshua na nakaupo don habang nagkukusot ng mata.

"Papa, wala pa po si Nanay? Bakit ikaw nagluluto? Tulungan na kita, pa? Tinutulungan ko rin si Nanay eh." Sabi nito at lumapit sakin, ginulo ko ang buhok nito at pinaupo ko na lamang ulit sa upuan.

"Ikaw ba Joshua ang nagpahiga sakin?" Tanong ko dito.

"Ah opo, sorry po kasi sasakit po leeg niyo eh habang tulog kayo, ayoko naman po kayong gisingin kaya kinuha ko po muna si Yumi sa inyo tapos pinahiga ko na lang po kayo sa upuang malaki na yon, tutal kasya naman po kayo, tapos po si Yumi ay umiiyak nong dadalhin ko dapat siya sa kwarto kaya po pinahiga ko na lang po siya sa katawan niyo habang nadede sa bote niya. Tumigil po siya kaya hinayaan ko na lang po." Mahaba at magalang na sa got nito.

Tumango-tango ako dito at inihanda siya ng almusal niya, hanggang sa dumating na ang yaya nila, at ito na ang nag-asikaso, dumating na rin si Kuya, hindi ko alam kung saan galing, tingin ko business meeting, hanggang dito pa ba naman?

Nagbihis na rin ako non para pumasok sa school.

Ganon pa rin, may nang-aasar sakin, nanggugulo pero hindi nila ako ginagalaw. As if I'll let them.

Hindi ako lumabas ng classroom kahit na dumaan pa ang lunch.

Nang dumating ang alas tres ng hapon ay tinext ko si Nanay Marie na pumunta sila sa school ko kasama sila Joshua at Baby Yumi. para makapamasyal kami mamayang gabi, alam naman to ni Nanay, itong school na to, dahil malapit lang dito bahay nila.

Wala ang tc kaya malaya akong nakakapagtext pero ramdam ko na naman yung titig na yon, wala namang iba kundi kay Clark yon.

Tuwing hapon ay magkaklase kami.

Hindi ko pinansin yon at nagcellphone na lamang.

Dumating ang uwian kaya nagligpit agad ako ng gamit ko.

Tinawagan ko si Nanay kung nasan na sila, nandito na daw sila sa loob ng school kaya hinanap ko sila.

Nasa gilid ako ng puno, nakaupo sa may batong upuan, yung taas ng punong ito ay favorite spot ko pero ayoko na.

"Papa!" Napalingon ako sa boses ni Joshua. Napakunot ako ng noo ng makita siyang buhat-buhat si Baby Yumi, hindi pa marunong maglakad si Yumi, gumapang lamang ang kaya nito.

Agad akong lumapit dito at kinuha sa kaniya si Baby Yumi na may lobong lumalabas sa bibig dahil sa laway. Pareho silang nakabihis ng maayos. Kinuha ko ang panyo sa bulsang likod ko at pinunasan ang laway ni Baby Yumi.

Napatingin ako sa paligid nang maraming studyante ang nakatingin samin at nakatigil pa.

"T*ngina anak niya pre, that little boy called him Papa, I heard it, diba pre?" Sabi nong isang lalaki at tinatanong pa ang isa sa kasamahan niya.

"He's really a whore. Bi siya? Pinapatulan niya babae at lalaki."

"Dalawa pa huh."

F*ck ayaw na lang nilang magsiuwi tutal uwian na naman?

Expressionless BottomWhere stories live. Discover now